Part 16

194 9 3
                                    

Danerie's POV

nagpalipas lang kami ng gabi sa bahay at bumalik na uli ako sa condo, kasama ko parin si kiel ewan ko ba dito ayaw akong iwan baka daw kasi anong gawin ko.


"grabe pre di parin ako makapaniwala" wika ni kiel


"paano naman ako? hanggang ngayon di parin ako makapaniwala" sagot ko naman sa kanya. andito lang kami sa condo nag iisip kung saan kami pwede mag simula


"grabe yung tadhana pre, tapos yung pinangalan mo pa sa kanya is venus which is yun rin ang pangalan nya talaga, pero bakit kaya di ka nya namukhaan ?" tanong ni kiel. binato ko naman sya ng unan


"gago ka pala eh, ako nga nagka amnesia eh siguro sya rin to think comatose sya hays kamusta na kaya sya ngayon" 


kelan kaya tayo magkikita ule venus? malakas ang kutob ko na buhay ka at alam kong magakakasama parin tayo. 


Venus's POV

ilang linggo na rin nang nakalabas ako ng hospital, laging sinsabi ng mga nurses and doctors don na milagrong nagising ako, well thank you Lord at nagising ako ule. ilang taon ng buhay ko ang nasayang, i need to live my life to the fullest! 


"bakit nakangiti ang anak ko?" tanong ni mama, andito na pala sya sa kwarto since the day na nakalabas ako sa hospital di pa ako nakakalabas ng bahay. andito lang ako sa apat na sulok ng kwartong to. 


"ah wala ma, naiisip ko lang na pangalawang buhay ko na to and i need to live my life to the fullest!" sabi ko at ngumiti naman sya at tinabihan ako


"aba oo naman anak, you need to live your life to the fullest! ano ? san mo gustong unang pumunta?" tanong ni mama, bigla naman akong naexcite kasi at last makakalabas na ako ule


"nako ma parang ang hirap naman mag isip ng lugar hmm san ba maganda?" tanong ko rito, ive been in bed for years di ko alam kung ano na ang uso ngayon 


"hmm you want mag out of the country tayo?" masayang tanong ni mama


"ehem at bakit kayo lang ang nagpplano nyan?" sabi ni papa, nasa pinto na pala sya hahaha 


"hahaha ang papa nagseselos, syempre tayong lahat kasama pati si eyon" sabi ko dahil nakasunod na nga si eyon kay papa


"kala ko di ako kasama eh" sabi ni eyon 


"uh sir may tao po sa baba from the office raw po" sabi nung katulong namin, agad namang bumaba si papa para harapin kung sino man yun. 


"mag isip kana kung san tayo pupunta ah, para maplano natin bababa lang ako para handaan ng meryenda yung bisita" sabi ni mama tumango naman ako at umalis na rin sya


"kamusta ka ate? " tanong ni eyon 


"okay naman, di ko lang alam kung saan at paano ako mag sisimula uli" malungkot kong sabi 


"wag kang mag alala di ka namin papabayaan, andito lang kami sa tabi mo, masaya akong nakabalik kana samin" sabi nya at yinakap ako, yinakap ko rin naman sya


"salamat ah, alam kong nahirapan kayong ganun ang naging lagay ko pero salamat at di nyo ako sinukuan." sabi ko dito


"paano ka namin susukuan? eh napakalakas mo, lumalaban ka talaga few weeks before you wake up, nagagalaw mo na kamay mo, may ina-utter kang words pero di namin maintindihan kaya we know na anytime soon magigising kana, and then you wake up na nga" masayang kwento nya.


nginitian ko naman sya, sobrang thankful talaga ako na all those years di nila ako sinukuan. 


"uh mam venus, sir eyon pinapatawag po kayo ni mam sa baba" sabi ng katulong


tumango naman ako at naunang lumabas si eyon sa kwarto ko,  sumunod naman na rin ako agad kasi baka ipapakilala kami ni papa dun sa mga bisita nya. 


"oh there she is" sabi ni papa at inakbayan ako. 


"vee this is your ninong erik, sya ang head ng hr department sa office natin" sabi ni papa, nag bless naman ako agad kasi ninong ko pala to


"thank God venus  youre awake na, daming nag aantay sa pag gising mo biruin mo 10 years" sabi ni ninong erik


"oo nga po eh" nahihiyang sabi ko. 


may bigla namang pumasok na lalaki sa bahay. 


"sir erik eto na po yun file......venus?" sabi nung lalaki pagkatingin na pagkatingin nya sakin 


"im sorry do i know you?" tanong ko dito 


"oo ako to si von, di mo na aalala?" tanong nya uli 


tinignan ko si papa and he looks worried pati si mama, sinong von? kasama ba sya sa memory kong nawala? i know i have amnesia pero sabi ni mama and papa theres nothing important naman daw na nakalimutan ko. 


so why do you know me von? who are you? 

The Glimmer of YouWhere stories live. Discover now