Chapter 21

43 2 0
                                    

CHAPTER TWENTY-ONE | LONG DISTANCE

Summer

CHRISTMAS is just around the corner yet I'm still here in the middle of life-and-death situation. Life and death kasi hindi ako makapili kung anong kulay ng kyutiks ang ilalagay ko sa aking bagong linis na kuko. Naisipan ko lang gawin ito para picture ready ang kamay ko kapag nagtangka ulit mag propose si Isaac sa 'kin.

May rason ako kaya tinanggihan ko iyong proposal niya last month at hindi rin naman ako umaasa na tatanungin niya ako ulit. Alam ko na kailangan ko maghintay para doon uli. Isaac just got stressed out because of exile news before but who knows what will happen on our planned trip to Santa's Village this coming weekend. Maybe I will be wearing that ring he offered before when come back here. 

Ilang beses na nga na-move iyong planadong lakad namin dahil sa mga pagbabago sa schedule ni Isaac. Hindi na active si Isaac sa mga duties niya bilang miyembro ng Royal Family at 'di rin naman iyon ang dahilan kaya nauurong ang lakad namin.

It's all because of my father.

Magmula nang makitaan niya ng potensyal si Isaac sa pag hawak ng negosyo - that's when he helped me plot my business proposal - lagi na siya sinasama ni Daddy kung saan-saan. The last time I checked, they went to our rest house in the Philippines.

Nakakatampo pero nakikita ko na gusto ni Isaac ang ginagawa niya kaya bakit ko hahadlangan. Aabangan ko na lang na dumating iyong araw na hindi na niya kailangan umalis kasama ni Daddy.

Kailan naman kaya iyon mangyayari?

Marahas akong bumuntong-hininga saka dinampot na ang pulang kyutiks na siyang natipuhan ko ilagay sa aking kuko. Papahiran ko na dapat iyong kuko ko ngunit nahinto nang tumawag si Isaac. Dali-dali isinara ang kyutiks bago sinagot ang tawag na nagpabilis ng bahagya sa tibok ng aking puso.

"Hey!" Masigla kong bati pagka-sagot sa tawag na kanina ko pa inaabangan.

"Hi. How are you?" tanong ni Isaac sa akin.

"I'm fine here and still waiting for you. I'm almost done cleaning my nails, by the way." Hint iyon na sana makuha ni Isaac ang ibig sabihin. "How about you?"

"I'm good too. We're at the airport now, waiting for our flight."

"Oh? Do you want me to fetch you? I know Daddy won't mind it, and I have no work to do today."

"Summer..." Okay, hindi ko gusto ang tono niya sa pag tawag sa pangalan ko. "We're heading straight to Hawaii to meet some business partners. Also, we will fly to Venezuela and Costa Rica too so I cannot go with you to Santa's Village. But I'll be home before Christmas."

Napatingin ako sa kalendaryo na nasa harapan ko. Christmas is just around the corner, yet it's not the life-and-death situation I would face earlier. It is the fact that he'll be more busy doing business outside the country with my father I have to face and accept.

"Summer, are you still there? We're boarding now. I'll try calling you when we land in Hawaii. I love you and will talk to you soon."

The call disconnected and I didn't have a chance to answer him back. Dahan-dahan ko nilapag ang cell phone sa couch saka naupo uli doon. Pinalitan ko ng kulay ang kyutiks na nakuha ko kanina at iyon na ang pinahid sa mga kuko. It's a color that best describe my gloomy feelings right now - gray. Hindi ako puwedeng maging tamad at may i-ca-cancel pa ako na plano...

"WHAT do you think of this, Sum?" tanong ni Mommy saka pinakita sa akin ang dalawang klase ng neckties. She asked me on date to buy gifts for Daddy. Ayoko sana sumama kaso wala rin naman ako ibang gagawin sa bahay ko. "Alam ko na marami ng ganito ang Dad mo pero gusto ko pa rin siya bilhan."

A Royal Disaster in BrooklynTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon