Chapter 24

65 3 0
                                    

Chapter Twenty-Four | It's A Love Story

Summer

SABI ni Isaac spontaneous daw ako pero mukhang nahawaan ko na siya at bigla na lang nag-aya na umuwi sa Cretia para kausapin ang kapatid niya. Ilang beses ko siya tinanong kung para saan at lagi niyang sagot ay basta. Dapat ba akong kabahan? Actually, kinakabahan din talaga ako kasi baka mamaya ako na lang umuwi mag-isa sa New York. Our love story is kinda against all odds and everybody who knows us are aware of that!

I wonder Dad will react when I call him later. Ang sabi ko kasi somewhere north ang punta namin kahit hindi ko alam kung saan talaga. Somewhere north nga ito. Somewhere near the lion's den.

"Are you nervous?" Tanong ni Isaac sa akin habang nakasakay kami sa pribadong sasakyan na pinadala ng palasyo para sunduin kami sa airport.

"Of course! What if ako na lang umuwi mag-isa? What shall I do or tell my parents later?"

"Summer, look at me." Hindi ako sumunod. I bit my thumbnail and look outside the car. Tinitingnan ko kung malapit na kami palasyo at parang iba itong dinadaanan namin. Sabi ko na nga ba eh! "Summer..." Ginagap ni Isaac ang kamay ko saka masuyo niyang pinaharap sa kanya ang aking mukha. "Relax, okay? We're only here because I want my sister - The Queen - know about our wedding. We're going home together after two days and deal with the wedding plans we left at home."

"Sure 'yan? Are you sure about that?"

"Yes. So relax, hm?" Tinapik-tapik niya ang kamay ko. "We'll be fine."

And somehow I believe him that we will be fine here in a place he left before. Isang taon na kaming engaged at sinadya namin patagalin dahil abala siya sa mga business venture nila ni Daddy. Pabor din naman sa mga magulang ko na pinatagal namin ang engagement dahil hindi pa sila handa noon. They like Isaac but everything for them was fast just like how I felt the first time Isaac proposed. Iyong pangalawa, handa na ako pero kailangan namin i-consider ang lahat kasama na ang pamilya ko.

"This isn't the way to the palace, Isaac," I said.

"Yeah, I know. The Queen is taking some time off due to complications with her pregnancy. So, we're heading to her vacation castle now."

Buntis pala ang kapatid niya. Wala na kasi talaga akong balita sa pamilya nitong si Isaac. Hindi rin naman siya nagku-kwento at alam ko na hanggang ngayon 'di pa rin sila okay. Gaya ng sabi niya sa akin, kahit kailan hindi sasang-ayon sa amin ang royal family. Laging may mali kahit wala naman talaga.

That's the life we will have to live sooner or later. Pero naglakas ng loob pa rin itong si Isaac na ipaalam sa kanila ang kasal namin dahil sa katiting na pag-asang matatanggap ng pamilya niya ang tinahak na landas kasama ko.

"Are you sure about this?" Tanong ko pa ulit.

"Yes. Hold my hand and we'll get through this together." Ngumiti ako at hinawakan nga ang kamay niya gaya ng hiling niya sa akin. Kaya ko sa basta kasama ko si Isaac. Kaya ko...

IF I can name one thing I want to do right now, iyon ay ang mag walk out na lang pero hindi ko puwedeng iwan si Isaac dito. Kailangan kung aalis ako, kasama siya dahil ayokong kawawain siya rito. Nakakainis na sa pamilya pa niya ako nakakarinig ng mga salitang never sinabi sa akin ng mga magulang ko. I know that my man is brave but deep inside him he's already broken. Pero pinipigilan niya ilabas dahil mapapatunayan lang na mahina siya sa harap ng kanyang mga magulang.

"That's enough, mother. You've said many words already, thinking they traveled here to ask for my blessing as his sister and his Queen."

Medyo nagulat pa ako sa pagsasalita na iyon ng kapatid ni Isaac. All I thought was she's there to listen and watched her brother being blame for the misery their family faced when he chose me. Hindi naman existing ang misery na sa sinasabi nila. Buhay na buhay nga itong bansa dahil magaling na reyna itong kapatid ni Isaac. Hindi lang nila matanggap na nagdesisyon si Isaac na piliin ang sarili niya, talikuran ang kayamanan at maging normal na mamamayan para sa pag-ibig.

A Royal Disaster in BrooklynTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon