Chapter 25

199 6 0
                                    

Chapter Twenty-Five | The Bride of Century

Summer

HINDI ko alam bakit kinakabahan ako gayong mga kapatid lang naman ni Isaac sa military service ang kikitain namin. Para bang nasiksik sa isipan ko na kailangan ko lagi magpakitang gilas kapag malapit kay Isaac ang kikitain. I have to be the bride of century in their eyes and I deserve a royal prince like Isaac. Maraming sakripisyo ang fiance ko makasama lang ako dito sa New York. Tinalikuran niya ang kapangyarihan at sariling mamamayan para sa pag-ibig.

I know I'm damned if I give a damn what people say. But at some point in my life, I can't help but listen to it. But again, I'm not just a one-night girl for Isaac. Ako lang naman ang babaeng pakakasalan niya kaya bakit pa ba ako kinakabahan sa maririnig ko? Whatever they say, the wedding will happen whether they like it.

"Are you okay?" Umiling ako bilang sagot sa tanong ni Isaac. Kapareho lang ito ng pakiramdam ko noong nasa Cretia kami. Puwede rin ba kami mag-walk kung sakali na ayaw nila sa akin? Huminto kami sa paglalakad ni Isaac at pinaharap niya ako sa kanya. "Feeling tense again?"

"I'm nervous. They're your friends, and it's my first time meeting them. What if they don't approve of me?"

"They have to keep it to themselves. The wedding will still happen, Summer. I will marry you no matter what they say."

"Are you sure?"

"Don't you trust me?" Ngumiti ako saka yumakap sa kanya. Tumingkayad din ako para halikan siya sa labi. Naka-flat shoes lang kasi ako at mas matangkad siya sa akin. "Is that mean you trust me?" Tumango ako at muling tumingkayad para halikan siya.

Magaling na ako kaya panay na ang paghalik ko sa kanya at yakap. Iyon rin naman ang usapan naming dalawa kaya wala rin siyang angal ngayon.

"You're so cool and handsome," I said, kissing him again on his lips.

"Can we re-schedule this meeting so you can kiss me properly now?" Tumawa ako at lumayo sa kanya. Kahit engaged kami hanggang holding hands, kiss at make out pa lang kami. Bawal pa at baka umusok ilong ni Daddy kapag lumabag kaming dalawa. Lumapit siya saka pinitik ako sa noo. "Save whatever you're thinking for our honeymoon."

"Wala kaya akong iniisip na iba!"

"I know you, Summer Lewis." Lumakad siya at agad naman ako sumunod saka inangkla sa braso niya ang braso ko. "Stop tempting me, okay? I made a promise to your Dad so save it until our honeymoon."

"Okay, sir!" I giggled.

Nagpatuloy kami sa paglakad papunta sa restaurant kung nasaan mga kaibigan niya. I felt Isaac smelling my hair, kissing the top of it. Mga gesture niya at paraan rin upang ipadama sa akin na mahal niya ako. He's so affectionate. Perfect match kami dahil showy din ako sa feelings ko pero minsan mas clingy siya kaysa sa akin lalo kapag nasa bahay kami.

Hindi ko magawa nang maayos trabaho ko kasi bigla bigla na siya mag-aalis ng shirt tapos tatalon sa swimming pool. Sino ba naman makaka-focus pa kapag may magandang view sa harapan? Parusa rin iyong pangako na binitawan niya kay Daddy kahit nakatira kami sa pinaka-liberated na bansa sa buong mundo. Pero naiintindihan ko naman sila rin at kung magkaka-anak kami ni Isaac, I will do the same way as my parents raised me and Brooklyn.

Huminga ako nang malalim nang makapasok na kami sa restaurant. This is it pansit! Nakita ko na may kinawayan si Isaac at mukha sila na iyong mga kaibigan niya. I need strength, Lord! Nag-sign of the cross ako bago nagpatianod kay Isaac papunta sa mga kaibigan niya.

"Guys, this is Summer Lewis, the woman I'm going to marry." Tumingin sa akin si Isaac pagkasabi noon at sinalubong ko naman mga mata niya. Hindi ko maiwasang mapangiti. Kinikilig ako kapag sa ganitong paraan niya ako pinakilala.

A Royal Disaster in BrooklynTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon