Chapter 08

83 6 0
                                    

CHAPTER EIGHT | THE ORGANIC FEELINGS

Summer

GUSTO kong mainis kay Lauren dahil kanina pa siya tawa nang tawa dahil sa itsura ko. Mula New York City, bumiyahe ako pa-North Carolina para dalawin siya. Pero nagsisi na ako ngayon dahil nagpunta ako na may black eye pa. Para tuloy akong pirata na may isang mata. Gaya sa kalaban ni Peter Pan at Wendy. Pati si Iona ay tinatawanan din ako at talagang tulong pa silang dalawa.

"What happened to your one eye, Summer?" tanong sa akin ni Iona pagkatapos tumawa.

"Someone hit me with a ball the other day..." kwento ko at nakakuha naman ako ng marahang tapik sa balikat galing kay Iona agad matapos niya ako tawanan.

"What's the size of the ball?" tanong ulit ni Iona dahilan para tapunan ko ng masamang tingin si Lauren. Ngumiti lang ang kinakapatid ko at kinuha sa akin ang bata.

"Come on honey, call your Dad and tell him that I need a driver to grocery store to buy the baby's things." Narinig ko na utos ni Lauren sa step daughter niya. Lauren was five months pregnant now. Konti na lang at lalabas na magpapabago lalo sa buhay ni Lauren.

"Can I go with you to the grocery store?"

"Sure. Summer will go with us, too. Go and call your Dad now," utos uli ni Lauren na sinunod naman agad ni Iona.

Nakita ko na kumapit si Lauren sa likuran niya matapos pulutin sa sahig ang mga laruan ni Iona. Nangungupahan si Ritter sa kabilang villa pero lagi narito si Iona kapag dadalaw dito kay Lauren sa Susanah. Nilapitan ko ang kinakapatid ko at tinulungan siya sa pagliligpit.

"Buti hindi ka nauuta sa mga tanong ni Iona? The more I get to know your step daughter, the more she gets chatty. I remember her asking who was Isaac,"

"And you answered?"

"The one I got away..." Binato ni Lauren sa akin ang teddy bear ni Iona. Hindi ko naiwasan iyon kaya mabuti na lang iyong pwet ng bear ang tumama sa mukha ko. Kung hindi ako mababangasan sa mukha, mabubulag naman sa mga agresibong tao na nakapaligid sa akin. "Sinagot ko lang naman ang tanong ng bata, Lauren."

"She's innocent and you're talking to a young kid, Summer." Paliwanag sa akin ni Lauren. Katunog na niya si Mommy kung magsalita. "You met the Prince again? Anong nangyari? Bored na bored na ako dito at walang ibang ka-tsismisan."

"We talked. Nag-usap lang kaming dalawa."

"Tapos?"

"Usap lang at sinabi niya na na-realize niya na kada magkikita kami, kung hindi nasasaktan ng iba, nababangasan naman ako."

Malakas na tumawa si Lauren pagkarinig sa sinabi ko.

Totoo naman sinabi ni Isaac iyon. May ni-re-phrase lang ako na salita para mas maintindihan ni Lauren. Pagkatapos ng pag-uusap namin, hindi na kami ulit nagkita. Nabasa ko na lang sa articles na bumalik siya sa bansa nila pagkatapos ng military training ng tatlong buwan.

Pagkatapos noon, wala akong alam tungkol sa kanya. Hindi ako ulit nagbasa ng article kasi masakit ang mata ko. Hanggang ngayon masakit pa rin ang mga mata ko na pinatingin ko na sa ophthalmologist. Nakahinga ako nang maluwang ng wala namang nakitang damage sa aking mata.

"That's funny though unromantic, but it made your love story unique, and the feelings are organic, Summer."

"Letse! Tara na, nasa labas na ang pamilya mo. At third wheel na naman ako ulit..."

"Come on, you're not a third wheel. Ikaw kaya ang first born child ko." Inakbayan ako ni Lauren saka inaya sa labas para makaalis na kami.

I am Lauren's firstborn.

A Royal Disaster in BrooklynTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon