Prologue

119 2 0
                                    

PROLOGUE


YOUNG FANTASSIA’S POV

PAST

TAHIMIK ko lang na pinagmamasdan ang mga kapwa kong bata na naglalaro dito sa Park habang hinihintay ko si Callan na dumating, kahit gusto kong makipaglaro sa mga bata dito ay hindi ko magawa dahil baka biglang siyang dumating at hindi ko mapansin dahil sa paglalaro kaya magtitiis na lang ako dito na hintayin siya.

Kahit mga bata pa lang kami ay alam kong gusto ko na si Callan, bukod sa cute ay mabait at malambing pa siya sa akin at sa family niya pati kina Mommy at Daddy ay malambing din siya. Callan is half-Irish and half- Filipino-American that’s why he has a good looks. 11-years-old lang ako at 13-years-old naman si Callan pero kahit dalawang taon lang ang tanda niya sa akin ay nakikipaglaro at naging magkaibigan pa rin kami.


Alam kong may gusto na rin siya sa akin pero hindi niya lang siguro masabi kaya uunahan ko na siyang magtapat para magkalakas siya ng loob na umamin na rin hihihi.


May usapan kami na magkikita kami dito sa paborito naming park at may sasabihin daw siya sa akin, na-eexcite na tuloy ako.


Makalipas ang ilang minuto pero hindi pa din siya dumadating kaya nang may makita akong nagtitindang Ice Cream ay dali-dali akong tumakbo patungo dito at bumili ako para mawala ang pagkabagot ko sa paghihintay kay Callan.


“Kuya pabili po ako ng Ice Cream 10 pesos po.” Sabi ko habang nakangiti kay Kuyang Tindero.

“Ano bang gusto mong flavor ija? Meron ako ditong Chocolate, Ube at Vanilla.” Pagkarinig ko sa lahat ng binanggit ni Kuyang Tindero na mga flavors ay patalon-talon akong sumagot habang hindi pa rin nawawala ang ngiti ko.


“Pwede po lahat ng flavors Kuya?” Nagpapacute kong saad para dagdagan ni Kuyang Tindero ang Ice Cream ko.


“Nakuu ija ah dinadaan mo ako sa pangiti-ngiti mo, pasalamat ka cute at maganda ka. Oh siya heto na ang Ice Cream mo dinagdagan ko na ng isang scoop gaya ng gusto mo.” Napapailing pero nakangiting sabi ni Kuyang Tindero.


“Thank you po ng marami!” Nakangiti kong inabot ang Ice Cream at ang sukli ko, dahil 20 pesos ang binigay ko.


“Walang anuman ija, haayst naalala ko tuloy ang anak ko sayo gustong-gusto din niya ang Ice Cream.” Nalungkot ako para kay Kuyang Tindero kaya tinanong ko siya.


“Bakit po? Wala na po ba siya? Kailan po siya namatay?” Malapit na akong maiyak nang biglang natawa ang Tindero dahilan para mapakunot-noo ako, nagtataka.


“Ikaw talagang bata ka palabiro ka rin,” ginulo niya ang buhok ko na parang nasisiyahan siyang pagmasdan ako “hindi pa siya patay o kung ano man, andoon lang siya sa bahay namin at sigurado akong gumagawa iyon ng takdang aralin niya.” Sagot ni Kuyang Tindero at ako naman ang tinanong kung nag-aaral daw ba ako.

“Opo, nag-aaral po ako pero dalawang araw po kaming walang pasok.” Sagot ko habang dinidilaan ang hawak kong Ice Cream at natigilan ako nang maalala ko si Callan kaya dali-dali na akong nagpaalam kay Kuyang Tindero.



***********



PAGBALIK ko sa inuupuan kong bench ay wala akong naabutan na Callan, naubos ko na lang ang Ice Cream ko ay hindi pa siya dumadating kaya tiningnan ko ang Pink Watch ko na gift pa sa akin ni Daddy noong nakaraang birthday ko.


Pinagtitinginan na ako ng ibang mga bata dito, marahil ay nagtataka sila kung bakit wala akong kalaro at kanina pa ako nandito kaya napayuko na lang ako dahil nagsisimula na akong mahiya at nagmumukha na akong tanga dito mag-isa.


Compass Series #1: Midnight Pleasure (Callan Lexus Griffin)Where stories live. Discover now