Chapter 12

21 2 0
                                    

CHAPTER 12

FANTASSIA’S POV


“BAKIT ba bigla-bigla ka na lang nag-p-preno?!” Singhal ko dahil muntik na akong masubsob sa dashboard.

“Eh bakit ba bigla-bigla ka na lang sumisigaw?!” Napipikong singhal niya sa akin, inirapan ko naman ito at kinalas na ang seat belt.

“We’re here, a$$hole.” Sabi ko at binuksan na ang pintuan ng kotse niya at lumabas na.

Sumunod naman siyang lumabas at nakakunot-noo na tumingin sa akin.

“You have a beautiful house.” Komento niya at inilibot ang paningin sa paligid. “Mag-isa ka lang bang nakatira dito?” Tanong niya at lumipat ang tingin sa akin.

“Nope...” pambibitin ko at tiningnan ang reaksyon niya.

“Do you live here with someone? Husband? Boyfriend? Are you in a relationship?” Nakita kong nandidilim na ang histura niya, halatang nagagalit.

“Hold on. Yes I LIVE here together with my pets.” I said while laughing softly, he rolled his eyes at me in a manly way so I laughed even more.

Natatawa pa rin ako pero mahina na lang nang mahuli ko siyang nakatitig sa akin kaya bahagya akong tumikhim at umayos ng tayo. Gosh nawawala ang poist ko!

“You should always laugh, you look prettier when you smile or when you laugh.” Sanay na akong sinasabihan ng mga tao na maganda ako, pero bakit parang kakaiba kapag siya ang nagsabi?

“Are you saying that I’m not pretty?” Kahit naiilang sa paraan ng pagtitig niya ay sinusubukan kong maging mataray. Hindi ako pwedeng magpadala sa mga matatamis na salita ng isang tao, lalo na pagdating sa mga lalaki.

He laughed softly and stepped closer to me, he put his index finger on my chin and lifted my face then he looked me in the eye and spoke softly in a way that only I could hear.

“You have always been beautiful in my eyes, from then until now your beauty has not changed.” Bumilis ang pagtibok ng puso ko lalo na ng inilapit niya ang mukha sa akin at marahan akong hinalikan sa mga labi. Akmang tutugon na ako sa halik niya nang inilayo niya na ang mga labi sa labi ko at hinaplos ang pisngi ko.

“Can I come here tonight?” Masuyo niyang tanong.

“At bakit naman?” Medyo nairita ako dahil sa paghalik niya, nambibitin bwesit!

“I just want to be with you again.” Sagot niya at tumingin sa mga mata ko.

“Ganyan din ba ang ginagawa mo sa mga babaeng naikama mo?” Halata namang natigilan siya sa tanong ko.

“Who told you that?” Kumunot na naman ang noo niya.

“Yung lalaking French fries.” Tukoy ko sa lalaking nasa bahay niya.

Natigilan naman siya at maya-maya pa ay natatawang tiningnan ako. “That ässhole. Don’t mind him okay?” He kissed my forehead and stared at me. “Pangako babalik ako dito mamayang gabi. I need to go.” Pagkasabi niya no’n ay bumalik na siya sa sasakyan niya at pinaandar paalis.

Napapabuntong-hininga akong pumasok sa loob ng bahay ko at inilibot ang paningin sa paligid.

When I turned 17 I pursued my dream to be a Supermodel. And when I turned 20 I already build my own house, I became an independent and successful woman, and I decided to separate from my parents.

And now I am already 26 years old, happy and contented with my life!

Napagdesisyon kong maglinis ng bahay dahil ilang linggo din akong hindi naka-uwi dito, usually sa condo unit ako nag-s-stay.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 17 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Compass Series #1: Midnight Pleasure (Callan Lexus Griffin)Where stories live. Discover now