Chapter 11

22 2 0
                                    

CHAPTER 11

FANTASSIA’S POV

“YOU’RE not going anywhere baby,” napahiyaw ako nang bigla niya akong binuhat at inilagay sa kaliwang balikat niya na parang isang sako ng bigas, “Luxe, bring my coffee to my room!” Sigaw niya sa lalaki kanina dahil nasa kusina ito at pagkatapos ay naglakad na paakyat sa hagdan.

Pinaghahampas ko ang malapad niyang likod. “Put me down ässh0le! Masisilipan ako sa ginagawa mo!” Narinig ko lang siyang tumawa at hinampas ang pang-upo ko, natigilan naman ako nang makaramdam ng kakaibang init dala ng paghampas niya.

“Ako lang naman ang makakakita niyan.” Napaka-swabe ng pagtatagalog niya kahit halatang hindi siya purong Filipino.

Tumigil ako sa paghampas sa likod niya nang makita ko na naman ang Tattoo niya sa likod sa bandang itaas. It’s a Jaguar Tattoo, it looks scary but it looks hot at the same time.

Hindi ko namalayan na nadala niya na ako sa isang kwarto, ito ang kwartong pinanggalingan ko kanina.

Pagpasok namin sa kwarto ay sinarado niya ang pintuan at inihiga niya ako sa malambot na kama at pumatong sa ibabaw ko, agad ko namang itinukod ang dalawang palad ko sa dibdib niya para hindi siya tuluyang mapadikit sa akin dahil iba na ang nararamdaman ko sa pagkakadikit ng mga balat namin.

“Let me go! I need to go home.” Pagpupumiglas ko pero hinawakan niya ang dalawang kamay ko at nilagay sa ibabaw ng ulo ko para hindi ako makapumiglas.

“You’re not going home wearing only polo and undergarments.” Mariing sambit niya at tinitigan ako sa mata, nailang naman ako at iniiwas ang mga mata.

Pumasok sa isipan ko na tanging polo nga lang pala ang suot ko at undergarments lang sa ilalim.

Sinalubong ko ang titig niya at tiningnan siya nang masama.

“Of course you ruined my dress last night! What should I wear then?!” Hindi ko mapigilang mapasinghal sa kaniya. Natigilan naman siya sa sinabi ko at umalis na sa ibabaw ko.

Nakahinga naman ako ng malalim dahil sa paglayo niya, pagtingin ko sa kaniya ay nakayuko siya at tinitingnan ang sira-sirang tela na nagkalat sa carpeted floor. Nag-init ang magkabilang pisngi ko at dali-daling umalis sa kama para damputin ang nasira kong dress.

Nakaluhod ako sa carpeted floor habang dinadampot ang nasira kong dress nang biglang bumukas ang pintuan, natigilan ako at napatingin sa pintuan at nakita ko ang lalaking sinampal ko kanina na nakatingin na rin sa dress kong sira kaya dali-dali ko itong dinampot at tinago sa likuran ko pero huli na dahil nakita niya na ito.

“Learn how to knock first before entering!” Hindi ko mapigilang mapasinghal sa lalaking nasa pintuan at tumayo nang diretso.

Parehas silang dalawa ng amo niya, mga siraulo!

Nagsalubong ang kilay nito at tiningnan ako bago nagsalita. “I’ve been knocking three times but it seems you two are busy.” Diniinan nito ang salitang busy kaya lalong nag-init ang pisngi ko. Letse talaga itong lalaking ‘to!

Akmang sisinghalan ko na naman ito nang may marahang kamay na humawak sa braso ko at hinaplos ito para mapakalma ako. Natahimik naman ako nang hinila ako nito ng marahan, napalingon ako sa gumawa no’n at naalalang andito pa pala ang lalaking may tattoo sa likod.

“Calm down, ang aga-aga init ng ulo mo.” Bulong nito sa tainga ko at humawak pa sa bewang ko at hinaplos ito, inirapan ko naman ito at muling nilingon ang isang lalaki.

Nahuli ko namang nakatingin ito sa kamay ng lalaking nakahawak sa akin sa bewang ko. Mabilis naman akong lumayo dito at hinawakan ng mahigpit ang sira kong dress.

Compass Series #1: Midnight Pleasure (Callan Lexus Griffin)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz