Chapter 5

27 2 0
                                    

CHAPTER 5

FANTASSIA’S POV

“NAISAHAN ka na naman ng kambal mo.” Napapailing naman si Yuki dahil sa ginawang pagtakas ni France.

“May araw din sakin ang gäg0ng ‘yon.” Nakasimangot na saad ni Fraxe at tinawag na ang waiter para magbayad ng bill namin.

Tumayo na kami at nagsimula nang umalis sa Restaurant.

“May bibilhin pa ba kayo?” Tanong naman ni Yuki sa aming dalawa ni Tashi.

“Wala akong mabibili, naiwan ang wallet at pera ko sa condo.” Walang ganang sabi ko at nililibot ang paningin sa mga store na nadadaanan namin.

“Kawawa ka naman, kaya pala kanina ka pa nakasimangot.” Tumawa pa ng nakakaloko si Fraxe at nag-apir pa sila ni Yuki habang si Tashi naman parang nawawalan na ng gana sa dalawa.

“Don’t worry, libre kita ngayon.” Sabi ni Yuki at umakbay pa sa akin.

“Really? Walang kapalit?” Napapangiting tanong ko.

“Kailan ba ako naghingi ng kapalit sa mga binibigay ko sayo?” Nakataas ang kilay na tanong niya, napatigil naman ako sa sinabi niya.

“Ohh sure! Sabi mo ‘yan ah?” I punched his shoulder lightly.

Hinila ko siya papasok sa isang jewelry shop nang may madaanan kami at masayang pumili ng necklace na gusto ko.

A necklace caught my attention, it’s an Emerald Bulgari Serpenti necklace!

Agad ko itong kinuha at ipinakita kay Yuki.

“Hey, look at this Kio. What do you think?” I asked him while staring at this beautiful necklace.

“I think it’s expensive as fück.” Nakakunot na ang noo niya habang tinitingnan ang necklace na hawak ko.

Isang sales lady ang lumapit sa kinaroroonan namin ni Kio. “Hello Ma’am and Sir good afternoon po, bibilhin niyo po ang necklace na ‘yan. I’m sure bagay po sayo ang necklace na ‘yan Ma’am.” Nakangiting sabi pa ng sales lady.

“No, we’re not----.” I cut him off and glared at him.

“Yes, please put it inside a box and secure it. We will wait here.” Nakangiti kong binalingan ang sales lady.

“Tangina mauubos na naman ang pera ko nito.” Bubulong-bulong na sabi ni Yuki pero hindi ko na ito pinansin.

Binalingan ko sila Tashi at Fraxe nang makita ko silang nasa likuran lang namin at pumipili din ng necklace.

“Biatch, try this one para same tayo.” Tinuro ko sa kaniya ang isang Rose Gold Bulgari Serpenti Viper necklace with diamonds na katabi lang ng pinili kong necklace.

“Wow! It’s beautiful...hey Fraxe I'll take this one.” Sabi niya at tinawag si Fraxe na busy sa pagtitingin ng ibang jewelry na pang-lalaki.

Lumapit siya sa amin at tiningnan ang hawak ni Tashi na necklace.

“Pota Bvlgari pa talaga ang pinili niyo ah. May pambayad kayo?” Hindi na maipinta ang hitsura niya nang mapagtanto kung anong brand ng necklace ang hawak ni Tashi.

“Libre mo naman ‘di ba? Don’t you dare to deny it Fraxe!” Pinanlakihan niya ng mata si Fraxe, napanguso naman ang isa at kinuha ang Cellphone at nagtype ng kung ano.

Nag-apir pa kami ni Tashi nang walang magawa ang dalawang lalaki at tuluyan nang nagbayad gamit ang credit cards nila.

“Pagkasama mo talaga ang dalawang ‘yan mamumulubi ka sa kanila.” Narinig namin ni Tashi na bumulong si Yuki kay Fraxe pero hindi na namin ito pinansin.

Compass Series #1: Midnight Pleasure (Callan Lexus Griffin)Where stories live. Discover now