Chapter 4

22 2 0
                                    

CHAPTER 4

FANTASSIA’S POV


“SA ‘KIN na sabi ‘to eh kanina ka pa kumakain nito!” Nilagay pa ni Yuki ang chocolate bar sa likod niya para hindi makuha ni Tashina.

“Akin na ‘yan, sa ‘kin naman galing ‘yan eh!” Hinatak niya ang buhok ni Yuki pero hindi pa din nito ang binibitawan ang chocolate bar.

“Aray! Gäg0 ka masakit!” Hiyaw nito dahil sa paghila ni Tashi ng buhok niya.

Hindi nila napansin ang pagbaba ko dahil busy sila sa pagbabangayan na may konting sakitan. Ganyan sila magbonding na magpinsan.

Dahil hindi nila napapansin ang pagdating ko kaya dumiretso ako sa likuran ni Yuki at hinablot anv chocolate bar na pinag-aawayan nila.

“Ayy hala nawala.” Natigilan si Yuki nang mawala sa kamay niya ang chocolate bar kaya napatigil din si Tashi at napatingin sa akin dahil nasa likuran ako ni Yuki.

“Bîtch, bakit mo naman kinuha?!” Nayayamot na tanong sa akin ni Tashi dahil nakita niyang hawak ko na ang pinag-aagawan nila.

“Ano magshoshopping pa ba tayo o pag-aawayan niyo na lang ‘to?” Tanong ko sa kanila at itinaas ang hawak na chocolate bar. Dali-dali naman silang tumayo na parang walang bangayan na nangyari at inayos ang mga sarili.

“Grabe ang tagal mo magbihis ah, akala namin natabunan ka na ng sandamakmak na mga damit mo.” Sarkastikong pahayag ni Yuki habang inaayos ang nagusot na polo shirt.

“Ehh kung tinulungan niyo kaya akong maghugas kanina eh ‘di sana at this moment nasa Mall na tayo, ‘di ba?” Naaasar ko nang sabi dahil ang lakas magreklamo ng mga siraulong ‘to.

“Okay enough, since everyone is ready let’s go baka mamaya hindi na tayo matuloy niyan.” Singit ni Tashi at dali-dali na kaming hinila ni Yuki palabas ng bahay ko.

Habang nasa loob kami ng sasakyan ni Yuki ay tahimik lang akong kumakain ng Chocolate bar na pinag-aagawan nila kanina habang nakasimangot si Tashi sa backseat ng kotse. Si Yuki ang nagd-drive habang ako ang nasa passenger seat at kumakain ng chocolate bar.

“Gusto mo?” Pang-aasar ko kay Yuki, inismiran lang ako at binalingan si Tashi na nakasimangot pa rin.

“Tanongin mo si Tashi baka gusto niya.” Sagot nito at binalingan ng tingin si Tashi, umirap naman ang isa at nag-crossed arms pa.

“Kainin niyo na, baka kulang pa sa inyo ‘yan!” Asar na sagot ni Tashi at umirap pa ulit.

Parehas na lang kaming natawa ni Yuki sa inasal niya.

“Btw I met France last night, and what the hell is he doing on his own Bar? Bartender, really? Wala na ba siyang magawa sa buhay niya?” Naalala ko ang nangyari kagabi sa Bar ni France.

“Wala siguro kaya nagbabartender na naman ang gäg0 sa sarili niyang bar.” Sagot ni Yuki habang naka-focus ang tingin sa daan.

Sumabat si Tashi sa usapan, mukhang hindi na naaasar ang bruha. “Si France hindi mo alam kung walang pera o mukhang pera eh. Ang yaman-yaman niya tapos magbabartender sa sarili niyang bar, siraulo talaga.”

Natatawang sumagot naman si Yuki. “Bored na naman siguro ‘yon at napagtripan na naman niyang maging bartender sa Bar niya. Minsan nga nag-w-waiter ‘yon sa sarili niyang Restaurant.” Napakunot naman ang noo ko.

“Really? What about his own company? Sino naghahandle doon?” Nagtataka kong tanong.

“His twin brother, Fraxe. Silang dalawa ang nagmamanage ng company since silang dalawa ang may-ari.” Natigilan ako sa sinabi ni Yuki.

Compass Series #1: Midnight Pleasure (Callan Lexus Griffin)Where stories live. Discover now