Chapter 3

21 2 0
                                    

CHAPTER 3

FANTASSIA’S POV


BUMABA na ako at sa hagdan pa lang ay naaamoy ko na ang niluluto ni Kio.

Pagpasok ko sa kusina ko ay naabutan ko silang dalawa na nagtatalo sa harapan ng stove.

“Anong niluluto niyo?” Tanong ko at tiningnan ko ang mga platong nakahanda sa lamesa.

“Ayy g@g0! Para naman ‘tong t@nga nanggugulat na lang bigla!” Hiyaw ni Yuki nang mapaso ang labi niya sa tinitikman na fried rice.

“Ohh sorry,” natawa na lang ako sa hitsura niya “‘bat ba tinitikman mo pa ‘yan? Ayos na ‘yan nagugutom na ako.” Sabi ko at sumubsob sa lamesa habang nakangusong tinitingnan silang dalawa na nagtatalo pa rin.

“Maghintay ka PO MAHAL NA PRINSESA! Sinasarapan ko pa PO kasi ang niluluto kong fried rice, nakakahiya naman PO sa inyo kasi nag-request po kayo na sarapan ko PO ang luto para sa inyo,” Damang-dama ko ang sarkastiko sa boses niya habang sinasabi ‘yon.

“Ikaw naman! Maghintay kang patay-gutom ka puro ka reklamo tapos sasabihin mo nagugutom ka, eh kung ikaw na kaya magluto dito, ano?” Tinampal niya ang kamay ni Tashi na kumukuha ng slice ng ham, muntik pa tuloy mahulog sa sahig.

Pikon na naman ‘tong hilaw na Hapon na ‘to.

“Ano bang niluluto niyo? Antagal naman ata niyan?” Pang-uusisa ko pa.

“Marami akong niluto, sa sobrang dami parang bibitayin na kayong dalawa ni Tashi, mga patay-gutom na reklamador sa buhay.” Salubong na ang makakapal na kilay ni Yuki, konti na lang baka mahampas na niya kami ni Tashi ng sandok kaya tinawag ko si Tashi.

“Biatch, anong niluto ni Yuki?” Tanong ko habang nagtitimpla na ng kape para sa akin.

“Hmmm, fried rice na may ham, greenpeace, sliced-longganisa, sliced-hotdog with bacon.” Sagot niya habang ngumunguya pa.

“Ehh anong ulam naman ang niluto niya?” Tanong ko pa dahil wala naman siyang binabanggit kung may niluto ba si Kio na itlog.

“Andiyan na nga sa friedrice ang mga ulam tapos maghahanap ka pa, patay-gutom ka ba?” Si Kio ang sumagot habang hinahain ang friedrice na niluto niya.

“Bakit naman pinagsama-sama mo?” Nakakunot-noong tanong ko pa at sinimulan nang sumandok at tinikman ang niluto niya.

“Tinatamad na akong magluto ng marami kaya inisang luto ko na lang,” sabi niya at umupo na sa gilid ko. “Tashi timpla mo nga akong kape para naman may magawa ka at hindi puro reklamo pero ang lakas naman lumamon.” Sabi niya sinimulan nang sumubo.

Nasamid naman ako at dali-daling uminom ng tubig at natatawang tiningnan si Tashi na natigilan sa pagsubo.

“Oh bakit ako? Ehh ikaw ang iinom ng kape.” Reklamo ni Tashi at akmang itutuloy na niya ang pagsubo nang agawin ni Kio ang plato niya.

“Oh sige, ‘wag kang kakain ah.” Sabi naman ni Kio at akmang tatayo na nang dali-daling inagaw ni Tashi ang plato niya at tumayo na rin.

“Ito naman hindi na mabiro. Oo na! Eto na oh.” Bumalik na sa pag-upo si Kio habang nakangisi, napailing na lang ako sa kalokohan ng dalawang ito. Napatingin siya sa akin dahil sa pag-iling ko at tuluyan nang natawa kaya pati ako ay natawa na rin at nag-high five pa kaming dalawa.

Nakasimangot na inilapag ni Tashi ang kape ni Kio at ang siraulo pangisi-ngisi pa, parang hindi napipikon kanina.

“Dōmo arigatōgozaimasu.” Nakangising pagpapasalamat ni Kio sa nakasimangot na si Tashi.

Compass Series #1: Midnight Pleasure (Callan Lexus Griffin)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora