Kabanata 17

3 1 0
                                    

GANDELOUNE
The Prophecy of The Tyrant Emperror

Chapter 17: Alina, The God's Favorite II
Gemsparks' Golden Palace
Winter 1610 | During the banquet

Nakatayo ang lahat sa baba, pati na rin ang imperial family habang ang pope ay nakatayo sa malaking espasyo sa gitna ng hagdan pataas sa trono. Inihahanda ng ibang pari ang magic circle at ang mana crystals na gagamitin sa seremonya.

Ang mga tao naman ay naguusap-usap habang nakatayo sa unahan ang imperial family. Tumingin si Alina sa direksyon ng kanyang nakakatandang kapatid nang lumapit ito sa kanila.

"Kuya, you're back." salubong ni Alina rito at nakangiting lumapit.

"Are you ready?" tanong ni Clyde sa kanyang kapatid at ipinatong ang kanyang kamay sa ulo nito.

"A little bit nervous but yes." sambit ni Alina.

"Anak." pinalapit ni Aaron ang kanyang anak. Lumapit naman ang dalawa sa kanya. Humarap na sila sa pope na naglakad papalapit sa kanila.

"The preparations are done, your majesty." sambit nito at yumuko upang magbigay galang.

"Alright." sabi ni Aaron. Umakyat nang ilang hagdan ang rmperador at tinawag ang pansin ng mga tao gamit ang bilog na magical tool na nalutang sa gilid nito.

"Everyone, please be quiet as the ceremony will start soon." sambit nito na ikinatahimik ng mga tao. Nagtinginan sila sa isa't isa at mahinang nagbulungan ang iba, hinuhulaan ang mangyayari sa seremonya.

"May I call upon Princess Alina Apricity of the Gemsparks Empire" sambit ng pope nang makataas ito. Yumuko ang prinsesa sa kanyang mga magulang bago umakyat papataas ng hagdan kung nasaan ang pope.

"Today, everyone in this hall would witness the sacred ceremony of the princess of the Gemsparks Empire. Let the gods' gaze upon this land as we start the ceremony of its guardian family." sambit nito. "Please kneel at the center of the circle."

Lumuhod si Alina sa gitna at yumuko habang magkahawak ang kamay nito. Nagsimulang magsalita ang pope ng ibang lenggwahe at itinapat ang palad sa prinsesa.

"—"

Unti-unting nagliwanag ang magic circle habang nagsasalita ang pope. Namangha ang mga tao nang maraming mga liwanag ang nakislap sa paligid ng prinsesa. Iba't iba ang kulay nito ngunit may isang gintong liwanag sa gitna ang lumalaki nang lumalaki.

"This...." tumingala ang lahat. Napakaganda tingnan, para bang maraming mga dyos ang tumitingin sa kanilang direksyon at pinagmamasdan silang mga mortal.

'Anong nangyayari...' takang isip ni Avarica habang pinagmamasdan ang liwanag at ang mga taong nagbubulungan.

"The princess..."

"Is she favored by the gods?"

"Oh gods..." pinagmasdan nilang maigi ito. Tumigil na sa pagsasalita ang pope at lumuhod sa isang tuhod sa presensya ng mga diyos na nagnamasid sa prinsesa. Nang mapansin ng iba ang pope ay nagsiluhuran na rin sila, pati ang imperial family na mataas ang rangko.

'Alina...' isip-isip ni Clyde habang tinitingnan ang kanyang nakababatang kapatid na napapaligiran ng liwanag. Kumunot ang noo nito ng mapansin ang gintong liwanag na sinasakop ang paligid ng kanyang kapatid. Anong nangyayari? Bakit siya nilalamon ng liwanag?

Gandeloune: The Prophecy of The Tyrant Emperor Where stories live. Discover now