Extra Chapter 1.0

17 2 0
                                    

GANDELOUNE
The Prophecy of The Tyrant Emperror

Extra 1.0: The Prince's Adventure
Gemsparks' Empire
Autumn | Imperial Year 1610

"HAHAHA!" tumatawang tumakbo ang isang binata sa gitna ng kalsada. Sa likod nito ay makikita sa kalayuan ang pataas na lupain kung saan makikita ang malaking palasyo ng Imperyo.

Madaling araw pa lamang ngunit marami nang tao ang gising at naglalakad sa kalsada ng Kapitolyo. Napapatingin ang iba sa direksyon ng binata dahil sa suot nitong mahabang cloak at dahil na rin sa mahinang pagtawa nito.

Earlier... (flashbacks are italicized)

"Pwede bang makipagpalit ng damit?" nakatingin ang isang lalaki sa binatang nakasuot ng simple ngunit magarbong damit nang tanungin siya nito.

"..." tiningnan ito ng lalaki na para bang timang ang binata sa kanyang harapan para ipagpalit ang damit na suot nuto sa damit na supt niyang mumurahin lamang.

"Labinlimang barilang pilak, kasama ang bag, sapatos at cloak mo." sambit pa ng binata. "Kasama ang damit ko, siyempre."

Nakangiti ang binata habang nakataas ang kamay nito at inaabangang sumangayon ang lalaking nagdadalawang isip.

"Kumusta po kayo, Mang Carlos?" sambit ng binata at ngumiti sa lalaking nagbebenta sa isang stall.

"Oh, suki!" pagbati ng nagtitindang lalaki nang makita ang suki nitong marami kung bumili.

"May bagong dating kaming karne ng Ramong Pinyen! Nahuli ito ng aking anak sa gubat ng Ripario." pagkwento ng lalaki.

"Oh– pabili nga po ng sampu." sambit nito.

"Sige, maupo ka muna diyan sa tabi." nagsimula nang ihawin ni Mang Carlos ang karneng ramong pinyen. Umupo naman sa gilid ng stall ang lalaki at tumingin sa paligid. Naaamoy sa paligid ang iniihaw na ramong pinyen at nagsimula na ring bumili ang ibang nadaan.

Napatingin sa direksyon ng lalaki ang ibang bumibili kaya umiwas ng tingin ang nakacloak. Inayos nito ang hood sa ulo nito nang mapansin niyang tumataad ito at nakikita ang pilak na buhok nito.

"Ito na ang binili mo, hijo." sambit ni Mang Carlos at iniqbot ang inihaw na ramong pinyen na nakabalot sa malaking dahon ng saging at nakatali ang isang katsang tela. Ngumiti rito ang lalaki at nagpasalamat. Kinuha ng lalaking nakacloak ang bag sa likod niya at inilagay roon ang pagkaing nakabalot sa dahon ng saging.

"Mauuna na po ako, Mang Carlos!" kinawayan niya ang lalaki bago siya tumakbong muli. Nagpunta siya sa sakayan ng karwahe at pumunta sa susunod na siyudad sa timog ng kapitolyo, ang Ripario.

Inalis ng lalaki ang hood ng kanyang cloak at bumungad rito ang kumikislap na pilak na buhok nito. Ang prinsipe ng Imperyo, si Prinsipe Liwan Clyde vier Gemsparks. Tumakas lamang siya ngayong madaling araw dahil bantay sarado siya ng ibang kawal sa umaga't gabi.

Huminga ng malalim ang prinsipe at inilapag ang lumang bag nito sa kanyang tabi. Magisa lang naman siya sa karwahe kaya't ayos lamang kung alisin niya ang takip sa kanyang ulo. Mamaya siguro ay madadagdagan na ito. Dapat talaga ay balak niyang sumakay sa tren ngunit masyado pang maaga.

Nang bumukas ang pinto ng karwahe ay inilagay na niya ang kanyang hood at binitbut sa kanyang hita ang luma niyang bag. Unti-unting nagkaroon ng tao sa karwahe hangga't maging apat na sila. Nagsimula nang umandar ang karwahe at tahimik lamang ang tao sa loob.

Pinagmasdan ni Clyde ang lugar mula sa bintana, sa kanyang pwesto. Ang mga naglalakihang istraktura sa kapitolyo ay unti-unting napalitan ng mga maliliit na bahay hanggang sa bumungad ang magandang tanawin ng pagsikat ng araw sa likod ng bundok sa kalayuan. Isa ito sa mga paboritong tingnan ng prinsipe sa tuwing siya'y umaalis sa kapitolyo ng Imperyo.

•••

To już koniec opublikowanych części.

⏰ Ostatnio Aktualizowane: Apr 07, 2023 ⏰

Dodaj to dzieło do Biblioteki, aby dostawać powiadomienia o nowych częściach!

Gandeloune: The Prophecy of The Tyrant Emperor Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz