Kabanata 22

6 1 0
                                    

WARNING: violence, death, and blood ahead. read at your own risk. Also, armies and soldiers' commands, and the likes, will most likely not be as accurate as it is in real life.

GANDELOUNE
The Prophecy of The Tyrant Emperor
ARC I : A Controversial Adoration

Chapter 22: The Essemal III
Hespero Desert,
Farovartija Kingdom
Same day | Late Afternoon

"KAILANGAN NG TULONG DITO!"

"WALA NANG PANGGAMOT RITO!"

"MAY PAPARATING SA PARTENG IYON!"

Nagtatakbuhan ang mga kawal at sundalo ng Farovartija upang malabanan agad ang mga paparating na wyverns. Lahat ay sugatan habang ang iba ay wala nang malay dahil sa pagod at malalim na sugat. Halos ubos na rin ang mana ng mga mage na may kapangyarihan ng liwanag.

Naka-istasyon sila ngayon sa isang nayon sa disyerto ng Hespero. Wala na ang mga naninirahan dito dahil pinalikas na nila ang mga ito. Sira-sira na ang karamihan sa bahay ngunit maigi nilang pinoprotektahan ito dahil sa mga kagamitan nila. Isa pa ay kapag hindi nila roon nilabanan ang mga wyverns ay pupunta ito sa malapit na siyudad.

"Maghanda kayo!" sigaw ng Brigadyer-Heneral ng mga kawal ng Farovartija, na nagngangalang Eino, at naglakad sa pinaka-harap. Humihinga na ito ng malalim dahil sa pagod. Ilang araw na silang naroroon ngunit kada mauubos nila ang kalaban ay may bago na namang dumadating. Wala na rin silang tulog at mauubos na ang rasyon ng pagkain kaya't mas napapagod ang mga ito.

*
R
A
A
A
H
*

shrieks of wyverns

Nanginginig na tumingin sa kalangitan ang ibang sundalo at kawal sa isang dosena ng wyverns na paparating nang marinig nila ang sigaw nito. Ang mga wyverns sa kalangitan ay hindi ganoong kabalanse lumipad dahil sa nabubulok na patay na katawan nito. Ang iba naman ay halos o buto na lamang at tumatakbo papalapit sa kanila.

"H-hindi ko na kaya..." napaluhod sa buhangin ang sundalo.

"HOY GESVAL—!" sigaw ng katabi nitong kawal at nilapitan ang sundalong ngayon ay nakalumpasay na sa lapag.

"Gumising ka, Gesval! Paparating na sila!" sigaw ng kawal sa lalaking nakatingin sa kanya. Inalog niya ng bahagya ito habang sinasampal-sampal ito sa pisngi upang gumising. Malalim ang paghinga ng sundalong si Gesval at ang tingin nito sa kawal na katabi niya ay hindi pokusado. Nandidilim ang paningin nito at nahihilo. Unti-unti ay nawalan na ito ng malay.

"Bitbitin mo siya roon sa mga sugatan at walang malay, Dennis." sambit ng Brigadyer-Heneral. "Kahit magising pa iyan ay hindi yan makakalaban."

"Brigadier General..."

"NGAYON DIN!" galit na sigaw nito.

"M-masusunod po!" tumakbo ang kawal na nagngangalang Dennis habang buhat sa likod ang sundalo pagkatapos nitong sumagot.

Masama ang tingin ni Brigadyer-Heneral Eino sa isang dosena ng wyverns sa kalangitan. Kinuyom niya ang kanyang kamao at huminga ng malalim. Malapit nang bumigay ang katawan niya ngunit hindi siya pwedeng sumuko. Kahit ang ibang Colonel ng mga kawal ay bumigay na rin ang katawan dahil sa patuloy na pagdating ng mga wyverns. Ngayon ay siya naman ang kailangang magpahinto sa mga ito.

"AIR DEFENSE ARMY!"

"On my command!" sigaw ni Brigayder-Heneral Eino. Naghanda na ang mga sundalo at ang mga mage na tutulong palakasin ang sandata laban sa wyverns.

Gandeloune: The Prophecy of The Tyrant Emperor Where stories live. Discover now