CHAPTER 4: Bagong Problema

658 14 0
                                    

CHAPTER 4

“Gizzy,”

Napalingon ako ng marinig ang boses ni tita Jenny. Busy kasi ako ngayon sa assignment ko. Last year ko na sa senior high kaya need kong mag-focus.

Halos apat na taon ang nakakaraan ng mawala sina Mama at Papa sa akin, maging ang angel na baby namin. Unti-unti na rin akong nakakapag-move-on dahil na rin sa tulong nila tita Jenny.

Si tita Jenny na ang tumatayong magulang ko at siya rin ang nagsabi sa aking kailangan kong tumayo sa sarili kong mga paa dahil wala ng tutulong sa akin, kung 'di ako mismo. Sarili ko lang mismo.

Nalulungkot pa rin ako kapag naaalala ko ang pagkamatay nila Mama pero ginawa ko itong sandata para lalong maging malakas at maging matagumpay in the future.

Tutuparin ko ang pinangako nina Mama at Papa sa akin. Hindi ko rin sasayangin ang mga inipon nilang pera sa pag-aaral ko. Gagawin ko ang lahat para maging teacher sa hinaharap.

“Gizzy!”

Narinig ko na naman ang pangalan ko kaya tumayo na ako at lumakad papuntang kusina. “Bakit po, tita Jenny?”tanong ko sa kanya ng makarating ako.

Nakita kong nag-aayos siya ng mga order sa kanyang ukay-ukay. Ito pa rin kasi ang business ni tita Jenny dito kami kumukuha ng pang-araw-araw namin at maging ang upa-ng binabayad sa bahay nila tita Jenny. Iyon lang ang nagiging income namin.

Ayaw naman ni tita Jenny na mamasukan akong waitress sa isang fast-food chain baka raw kasi ma-apektuhan ang pag-aaral ko.

“P'wede mo ba itong i-abot kay Mrs. Juanez, iyong sa kabilang street. Sampung maong pants niyan and benteng summer dress ang inorder niya sa akin. Mag-traysikel ka na lang, Gizzy, dahil mabigat ang mga ito. Marami pa kasi akong aasikasuhing orders.” saad niya sa akin at tinuro ang isang sako.

Tumango ako kay tita Jenny. “Sige po! Bayad na po ba ito, tita?” pagtatanong ko sa kanya.

Hindi na ako tumanggi sa utos niya. Kita ko kasing nag-aayos pa siya ng ibang orders. Marami sigurong nag-mine kagabi sa live niya, nakatulog na kasi ako dahil sa pagod.

Sobrang hectic maging graduating student. Nakaka-drain ng utak.

“Oo, Gizzy, bayad na ang mga iyan. Nag-advance payment siya sa akin.” saad ni tita Jenny sa akin habang inaasikaso ang paglagay ng mga order sa may supot.

“Sige po, tita Jenny, tatawag lang po ako ng traysikel sa labas.” ani ko sa kanya at lumabas na sa kusina.

After kong makatawag ng traysikel, binuhat namin ni tita Jenny ang sako at binayaran na rin ni tita ang traysikel driver papunta kila Mrs. Juanez at pabalik sa amin.

Hindi ko alam pero parang pumapayat lalo si tita Jenny. Halata sa mukha niya ang pagkakaroon niya ng bawas sa timbang. Hindi ko lang maitanong sa kanya kung anong dahilan niyon. Ang iniisip ko kasi ay kulang siya sa tulog dahil sa pag-aasikaso ng ukay-ukay niya.

Wala pang tatlong minuto dumating na kami sa tapat ng bahay ni Mrs. Juanez, tinulungan ako no kuyang traysikel driver – siya na ang nagbuhat ng sako. Pagkatapos din niyon ay bumalik na rin kami sa amin.

“Salamat po, kuya.” saad ko sa traysikel driver at saka pumasok sa loob ng bahay.

Wala pa ang mga pinsan ko. Busy siguro sila sa school kaya hanggang ngayon hindi pa sila nakakauwi.

“Tita Jenny, nahatid ko na po– para saan po niyan?” nagtatakang tanong ko sa kanya na makita ang pag-inom niya ng gamot.

Tinago niya agad ang isang banig na gamot niya sa kanyang likuran. “N-nandyan ka na pala, Gizzy. Nahatid mo ba nang maayos ang mga order ni Mrs. Juanez?” Ngumiti siya sa akin at tumalikod.

Easton Maravilla: Taste Of HeavenOnde as histórias ganham vida. Descobre agora