CHAPTER 19: Label

432 11 0
                                    

CHAPTER 19

Hindi ko maalis sa isipan ko ang aking nalaman. Si Mr. Easton ang may-ari ng Flavor of the Month bar! Paanong walang nakakakilala sa kanya?

Shete!

“Huy, ayos ka lang? Naging balisa ka na simula ng date niyo ng customer mo, Gizzy.” Napatingin ako kay Zoe ng magsalita siya at kalabitin ako.

Napabuntong hininga ako at napatingin sa may salamin na nandito. Okupado na ng utak ko ang naging usapan namin ni Mr. Easton kagabi, simula ng sabihin niya sa akin na siya ang may-ari, hindi ko na inaalis sa pangalan niya ang Mister na salita. Siya ang boss ko, boss namin.

“Ah? Um, ayos lang ako. Hindi lang ako masyadong nakatulog kanina. Tinapos ko kasi niyong report ko para bukas.” Half-lie, half-thruth naman ang sinabi ko sa kanya.

Isa rin sa iniisip ko ang report ko para bukas. Feeling major pa man din n'yon. Tapos, walang k'wenta mga naging ka-groupmate namin ni Alistair. Mukha silang mga sabog este grade conscious, magkaka-grupo naman kami pero ayaw nila kami tulungan.

Masyadong mayayabang. Masyado sila sakim sa grades.

“Nakaka-stress talaga ang college life! Same tayo ng dinadanas ngayon, Gizzy! Pero, kaya natin ito! Fighting!” Ngumiti ako sa kanya.

Group production namin ngayon. Kaya pare-parehas kami ng suot ngayong tatlo.

Napatingin ako kay Sasha na tahimik sa kanyang kinauupuan. Anong nangyari sa isang ito? Ba't ang tahimik niya yata ngayon?

“Isang himala, ano? Hindi siya nagtatanong kung anong nangyari sa date mo kahapon. Kanina pa siya ganyan. Nauna pa nga sa atin dumating, e.” bulong sa akin ni Zoe at sabay kaming napatingin kay Sasha. “Oo nga pala, ano pala nangyari sa date niyo, Gizzy? Hmm...” May pilyong ngiti sa kanyang labi.

Kinabahan ako sa tanong niya. Hindi ako makatingin kay Zoe. Hindi ko naman p'wedeng sabihing, ‘nalaman kong siya pala ang may-ari ng bar na ‘to, Zoe. Boss natin siya.’ Edi natanggal ako sa trabaho ko. Wala pa naman akong gaanong naiipon dahil unti-unti ko ng pinapaayos ang nasunog na bahay ni tita Jenny. Pauupahan ukit kasi naman niyon.

“Um, a-ayos lang. Nagkakilala kami nang maayos. Hehe.” ani ko sa kanya at kinuha ang phone ko sa backpack na dala ko.

Jusko naman, Zoe! Huwag ka na magtanong. Ayokong madulas at masabi sa inyo ang tungkol sa aking nalaman.

“Iyon lang, Gizzy? Wala bang nangyaring halik?” Ngisi niya sa akin at pinagdikit niya ang mga daliri sa kanyang magkabilang kamay at pinaglapat ito sa isa't-isa. Gano'n ang ginawa niya habang may ngisi sa kanyang labi.

Kissing scene? Walang nangyari gano'n. Pero, ang paghalik niya sa aking magkabilang pisngi, iyon ang nagpagimbal sa aking pagkatao. Nagulat ako sa kanyang ginawa. Sa sobrang gulat ko, hindi ako naka-react man lang tapos nag-thank you pa ako.

Pinapanalangin ko ng araw na ‘yon, na kainin ako ng lupa upang mawala ang hiya ko sa kanyang harapan. Jusko.

“Wa-wala... Walang nangyari gano'n!” deny ko sa kanya at tinuon ang aking tingin sa phone ko.

“Gano'n ba? Okay! Sabi mo, e. Pero, masarap ba siyang humalik?”

“Wala talagang nangyari!” sigaw ko sa kanya at halos mapatayo pa ako.

Napayuko ako at napakamot sa aking buhok. Nakatingin silang lahat sa akin. “Sorry po.” hingi ko ng paumanhin sa kanila.

Si Zoe kasi, eh!

“Eh, anong mayro'n sa inyong dalawa?”

Bumalik ako sa aking pagkakaupo at tumingin kay Sasha ng magtanong siya sa aming dalawa.

Easton Maravilla: Taste Of HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon