CHAPTER 22: Traffic

498 12 1
                                    

CHAPTER 22

NAGING lutang ako nang pumasok sa campus. Hindi ko nga maalis ang aking ngiti dahil sa conversation namin ni Easton. Jusko, nahihiya pa rin talaga ako kapag tinatawag ko siyang Daddy. Namumula ang magkabilang pisngi ko dahil doon.

Buti na lamang ay pumayag siyang i-end muna ang video call namin. Pa-lowbattery na talaga itong phone ko. Chinarge ko muna itong phone and saka ko kinuha ang towel sa likod ng pinto. Heto, ang dating k'warto ni Tita Jenny, kaya rito na ako natutulog. Magkasama kami ni Mariel sa iisang room, hindi na sila pwedeng magtabi ni Ariel dahil dalaga at binata na silang dalawa.

Bumaba ako sa may first floor ng bahay namin, pumasok sa banyo at naligo. Wala naman kasing banyo sa second floor, tanging dalawang room lamang ang nandoon at wala na. Ang banyo namin ay katabi ng kusina. Binilisan ko na lamang ang pagligo.

Hindi rin naman nagtagal ay natapos na ako. Umakyat ako sa k'warto namin na nakatapis lamang. Binilisan kong nagbihis ng uniform, magluluto pa kasi ako ng aking babaunin na pagkain. Ang mamahal naman kasi ng mga pagkain doon. Nakakalula, kaya ginaya ko na lamang si Alistair na laging may baong pagkain. Nag-aalala nga ako roon, paano kasi laging tulala lamang at kapag nagsalita na ako ay roon lamang sasagot.

Brinush ko na ang aking buhok, mabilisang brush ang ginawa ko. Hindi ko na nga pinatuyo ang buhok ko. Hinayaan ko na lamang tumulo dahil anong oras at baka ma-late pa ako! Masungit pa naman ang first subject namin ngayon.

Binuksan ko na ang kalan at nilagay ko roon agad ang kawaling gagamitin ko, papainitin ko na agad iyon. Nilabas ko na ang jumbo hotdog, tatlo na ang kinuha ko. Ini-slice ko iyon and nilagay sa kawali. Naglagay muna ako ng konting tubig para roon. Habang hinihintay na maubos ang tubig na iyon ay naglagay na ako ng kanin sa tupperware. Tinakpan ko na agad iyon and inasikaso ang jumbo hotdog. Nang mawala ang tubig ay naglagay na ako ng mantika. Prinito ko iyon hanggang medyo tustado na. Sinunod ko ay ang itlog, isang itlog ang babaunin ko at ang isa ay kakainin ko na lamang.

Nang matapos akong makapagluto ay kumain na rin ako. Mabilis ang aking kilos at muntik pa akong mabulunan. Buti na lamang ay may tubig akong nakahanda. Matapos kumain ay naghugas na rin ako. Mamaya lamang alas-tres ng hapon ay uuwi na sina Mariel at Ariel. Kaya kailangan kong panatilihing malinis ang bahay, para wala na silang gawin.  Lalo na si Mariel na maraming gagawin dahil graduating na siya ng senior high.

Sinulyapan ko muna ang bahay. Inalala ang lahat ng mga saksakan, natanggal ko naman na. Maging ang kalan naman ay pinatay ko rin. Marunong naman mag-on si Mariel ng gas. Nang wala na akong nakalimutan ay ni-lock ko na bahay at dali-daling lumabas. Lakad-takbo na ang aking ginagawa para hindi ma-late. Pasadong 12:30 na ng tanghali at until now ay nasa jeep pa rin ako. Traffic, langya, ʼyan!

Salit-salitan ang tingin ko sa relos na suot ko at sa labas. Wala talagang galawan. Maging ang mga kasabayan kong estudyante ay bakas sa mukha nila ang pag-aalala. Mukhang mala-late na rin sila tulad ko.

Pinag-iisipan ko kung bababa na ba ako? Kahit tatlong stop light pa ang lalakarin ko bago makarating sa Carter's University. Pero, dahil ayokong ma-late ay bumaba na ako, naalala ko ring terror ang professor namin sa next subject, mauna lang siya sayo pumasok ay automatic na absent ka na sa kanya. Ganoʼn siya kahigpit.

Pagkababa ko sa jeep and nakita ko rin ang ibang kasabayan ko na estudyante na bumaba na rin. Lakad-takbo na ang ginagawa ko para lamang umabot sa first subject namin. Nakapasok na ako sa Carter's University at napahawak muna ako sa aking tuhod dahil hinihingal na ako, naalala ko pa na sa 4th floor ang room namin. Kaya kahit pagod pa ako ay lumakad na ulit pa-akyat hanggang makarating sa room namin.

Pagod akong umupo sa silya ko. Hinahabol ko pa ang aking hininga at kinuha ang baon kong tubig. Fresh ako nang umalis sa bahay at dumating ako sa campus na sobrang haggard na.

Grabe.

“Traffic, Gizzy?”

Napatingin ako sa aking kaliwa nang marinig ang boses ni Alistair. Ang kalmado niyang boses habang umiinom ako.

Tumango ako sa kanya. “Sobra. Walang galawan. Ikaw, na-traffic ka papunta rito?” pagtatanong ko sa kanya. Para kasing walang bakas na na-haggard siya sa byahe.

“Medyo, pero nag-shortcut si dad, e.” sabi niya sa akin kaya napatango ako sa kanya.

Binalik ko ang baon kong tubig at tinignan si Alistair para iba siya ngayon, ha? Napakunot akong tumingin sa kanya. “May problema ka ba, Alistair?” pagtatanong ko sa kanya.

Hindi ko alam pero ramdam kong may problema siya pero ayaw lamang niya sabihin sa akin.

Umiwas siya nang tingin sa akin. “Huh? W-wala naman, Gizzy. Bakit mo naman naitanong iyon?” sabi niya sa akin pero halata sa boses niya na nauutal.

“Nafe-feel ko lang, Alistair. Ayos lang ba kayo ng boyfriend mong si Xerxes?” Nag-aalala kong tanong sa kanya.

Tumango siya sa akin nang paulit-ulit. “Ah, oo naman! Okay na okay kaming dalawa.” Mabilis niyang sabi sa akin kaya tumango na lamang ako sa kanya.

Hindi ko na siya pipilitin kung ayaw niya sabihin sa akin. Pero, kung ano man ang problema niya sana ma-solve rin agad niya.

Nag-umpisa ang klase namin, naging matiwasay naman ang unang subject namin, iyong nga lang sa second subject kung saan ang terror teacher namin ay bigla nagpa-exam. Lahat kami ay nagulat nang dahil doon. Hindi man lang niya kami pinag-review nang ilang minuto. Kaya ang ending ay dalawa lamang ang pumasa sa amin. Kami ni Alistair ay bagsak, out of 50 items naka-twenty three lamang ako at si Alistair ay naka-twenty five. Hindi iyon pasado dahil ang pasado para sa kanya ay thirty points.

“Grabe, si Sir, ano, Alistair? Wala man lang akong nasagutan nang tama roon sa enumeration niya. Buti na lamang ay may 1 to 20 na multiple choice kung hindi baka ako ang lowest sa class.” sabi ko kay Alistair habang pababa kami.

Break time na namin at balak namin sa garden kumain, mas malamig doon kumpara sa canteen na akala mo ay nasa impyerno ka na.

“Wala, e. Terror si professor natin. Pero, marami tayong bagsak at dalawa lamang ang pumasa.” Pagpapagaan niya ng loob ko.

Tumango-tango ako sa kanya. “Oo nga naman. Saka, bawi na lang tayo sa next exam niya.” sabi ko at ngumiti sa kanya.

Habang naglalakad kami papunta sa garden ay napahinto siya sa paglalakad. Nakita ko ang tingin niya sa may papuntang canteen kaya tinignan ko rin iyon. Doon ko nakita ang boyfriend niyang si Xerxes.

“Sino kasama ng boyfriend mo, Alistair?” Nakatingin pa rin ako roon habang sinasabi ko iyon.

“Classmate namin noong high school...” Mahinang sagot niya sa akin. Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya. “Same course and major silang dalawa... And, same club din.” Ganoʼn pa rin ang boses niya.

Hinawakan ko ang kanyang kaliwang kamay. “Tara na nga kain na tayo! ʼDi ba nagugutom ka na? Tara na sa garden, huwag ka na malungkot. Alam mo namang ikaw lang girlfriend niyang boyfriend mo. Ang ganda mo kaya, kaya huwag kang kabahan. Hindi maaagaw sayo iyon. Ikaw na rin nagsabi sa akin na simula pagkabata kayo ay magkakilala na kayo ni Xerxes. Kaya smile ka na at huwag intindihin iyon.” Pagpapanatag ko sa kanya at lumakad na kami papunta sa garden.

Kung lolokohin man siya ni Xerxes, iyong boyfriend niya maghihinayang. Sobrang bait at ang ganda kaya ni Alistair. Malas kung iiwanan niya ito.

°°°

Thank you to those who continue to read and wait for updates.💛

Easton Maravilla: Taste Of HeavenWhere stories live. Discover now