CHAPTER 9: Flavor Of The Month

1.1K 15 0
                                    

CHAPTER 9

Naging successful ang dalawang gabi namin bilang baguhan sa ‘Flavor of the Month’ bar. Maraming nagbibigay na tips sa amin, hindi dahil tinatable nila kami kung 'di masaya sila sa nagiging performance naming tatlo.

Sabi sa akin ni Toni ngayong gabi namin malalaman kung sino ang magkakaroon ng solo prod tuwing saturday sa bar. Sa aming tatlo, kung sino man ang pipiliin sa amin ayos lang dahil ginawa namin ang best na mayro'n kami everytime na sumasalang kasi sa stage.

Ngayon ang pangatlong gabi namin bilang dancer sa bar na 'to. Naka-suot na ako na-black and blue, high waisted panties and bra, then may black mesh ito sa aking balikat at sa aking hita and kumikinang ang suot namin dahil sa beads and glitters. Magkakaiba ang kulay na suot naming tatlo, kay Sasha ay kulay pink and white combination at kay Zoe and yellow and white combination naman.

Habang tumatagal hindi na ako kinakabahan sa bar na ito. Kapag sumasayaw ako ini-enjog ko na lang ang lahat dahil ni-isang beses ay walang nambatos sa amin dito.

“Pole dancers, ready na ba kayo? Galingan niyo ang pagpapaka-sexy sa stage habang lumalambitin sa stage pole!” Malakas na sigaw ni Mamu at kumindat pa sa aming tatlo.

“Kung sino man ang makakakuha sa atin ng solo prod tuwing saturday, congratulations agad! Deserve nating tatlo niyon!”

Napatingin kami ni Sasha kay Zoe, “Yes, walang samaan ng loob ito kung sino man sa ating tatlo. Ginalingan naman natin, e.”

Tumango-tango ako sa sinabi ni Sasha. “Yup, walang samaan ng loob.” ani ko sa kanilang tatlo.

Pinatong-patong namin ang aming kanang kamay sa bawat isa at sumigaw kami nang malakas na “Let's grind!”

Hawak kamay kaming tatlong lumabas sa dressing room at tumungo sa backstage. Naghihintay na lang na tawagin kami ng emcee para magpakitang gilas na sa mga loyal customer ng bar na ito.

“Let’s welcome ‘Tres Marias NewGen’ with a big round of applause!” Loud and cheerful introduction of the emcee to us.

Nakangiting lumabas kaming tatlo sa backstage at dumiretso kami sa pole bar na nandito. Sina Sasha and Zoe ay sa kabilang stage na pabilog pumunta, nasa magkabilang gilid niyon at ako ay nasa pinaka-gitna ng stage mismo.

Nakahawak ang kaliwang kamay ko sa pole bar at maging ang kaliwang paa ko ay naroon, ganito ang pose naming tatlo bago mag-umpisa ang kanta.

Dahan-dahan kaming umikot sa pole bar habang nag-uumpisa na ang tugtog namin. Ginawa ko ang knee spin at umikot sa pole bar. Habang tumatagal ang tugtog namin ay lalo naming pinakita sa mga manonood ang aming ka-sexy-han habang kasamang sumasayaw ang pole bar.

Umakyat ang sa pole bar hanggang sa tuktok nito at lumambitin ako tinatawag itong ‘Straddle V’, nakataas ang magkabilang paa ko at nakahugis itong letter ‘V’ sa tuktok ng pole bar habang ang aking ulo ay nasa ilalim. Dumausdos ako pababa ng pole bar at nagpalit ako ng position, from ‘Straddle V’ to ‘Inside leg hag’ ang ginawa kong position. Tanging kanang binti ko na lamang ang nakakapit sa mismong pole bar.

Umikot ako sa pole bar after gawin ang gano'ng position at sa pagtatapos ng kanta ay sabay-sabay naming ginawa ang ‘shoulder mount twisty grip’ tanging kanang kamay ko lang ang naka-support sa pole bar at ang kaliwang kamay ko ay naka-support naman sa kanang kamay ko.

Gano'n ang posisyon namin ng mag-end ang kanta. Nakarinig ako nang malalakas na palakpakan galing sa mga customer namin. Umalis na ako sa pagkakalambitin ko at ngumiting yumuko sa kanilang lahat.

Hindi ko alam pero nagugustuhan ko na itong pole dance. Masakit sa katawan dahil sa bakal pero nakaka-enjoy itong sayawin lalo na kapag sexy song ang pina-play.

Easton Maravilla: Taste Of HeavenDär berättelser lever. Upptäck nu