CHAPTER 8: First Night

1.4K 15 0
                                    

CHAPTER 8

Para pa rin akong nakalutang sa alapaap. Nakangiti nga lang ako habang may sinasabi sa akin ang secretary ni Mr. Phil. Pinapirma na rin niya ko ng contract sa bar na ito at binigay sa akin ang copy ng contract na pinirmahan ko at ang rules and regulations ng bar.

Sinabi rin ng secretary ni Mr. Phil na tatlo lang daw kaming natanggap sa mahigit 20 applicants na nag-try kanina. Hulog ng langit si Toni sa akin.

Ang kailangan ko na lang gawin ay mag-resign sa dalawang trabaho ko: ang Donut shop and sa restaurant.

Hindi na ako nakapagpaalam kay Toni dahil ilang oras na lang daw ay magbubukas na rin ang bar. 5PM hanggang 2AM ang operation hour ng bar na ito. Not bad sa malaking sahod na binibigay nila.

“Ate Gizzy! Nakapasa ka po ba?”

Pagkapasok ko pa lang sa bahay ay sinalubong na agad ako ng tanong ni Mariel. Umupo ako sa sofa at ngumiti nang napakalaki sa kanya.

“100% pasok ang ate Gizzy niyo!” masayang sabi ko sa kanilang dalawa at tinalunan nila ako nang mahigpit na yakap.

“Congratulations, ate Gizzy!” Sabay na sabi nila sa akin.

“Kailan ka po mag-uumpisa sa work mo, ate?” Napatingin ako kay Mariel dahil sa tanong niya.

Tinanggal ko ang sapatos ko at tinabi sa gilid ng sofa at maging ang suot kong loose long sleeve ay inalis ko na rin.

“By next weekend, need ko na mag-umpisa. Kaya kailangan ko na mag-resign sa dalawang trabaho ko.” Bigla tuloy akong nalungkot. Maiiwan ko sina Lily and Rachel sa restaurant.

“Ang bilis po! Ano pong requirements kailangan mong ipasa sa new work niyo po as a dancer?” Nakapanglumbaba tanong sa akin ni Ariel.

“Pinasa ko na kanina niyong NBI, philheath and iba ko pang government ID's sa kanila. Wala na akong ipapasang iba bukod doon sa medical na ginawa sa amin kanina. Tinignan nila kung wala kaming sakit. Kaya ayos na ako sa requirements.” saad ko kay Ariel.

“Wala ka pong ginastos sa medical, ate Gizzy?” Umiling ako sa tanong ni Mariel. “Wow! Ang yaman nila!” manghang sabi niya.

“Oo nga pala...” Kinuha ko ang backpack na dala ko kanina at nilabas ang plastic envelope kung nasa'n ang contract and ang rules and regulations ng bar.

Kinuha ni Mariel ang rules and regulations at binasa niya ito. “Rules and Regulations of Flavor of the Month bar:
1. Don't fall inlove to the boss. Sinong boss ang tinutukoy rito, ate?”

Napaisip ako sa sinabi ni Mariel. “Iyong pinaka-may-ari yata ng bar na iyan. Mr. Maravilla ang name ng may-ari pero hindi ko pa naririnig ang full name niya.” saad ko sa kanya.

Tumango-tango siya sa akin. “Number 2: Don't be jealous. Number 3: Don't be greedy. Number 4: Don't be too nice to everyone. and last, Enjoy every moment you have here.” Pagtatapos na basahin ni Mariel sa Rules and Regulations ng bar. Binaba niya ang papel na hawak niya at tumingin sa akin. “Sa lahat ng nakalagay r'yan sa papel, sa huli lang ako sumang-ayon, ate Gizzy.”

Hindi ko na pinansin ang sinabi ni Mariel at binalik ko na ulit sa plastic envelope ang rules and regulations ng bar.

“Masaya kami sa'yo, ate Gizzy, na makakasayaw ka na ulit sa maraming tao, niyon nga lang sa bar pero high-end class na bar naman niyong pinag-ta-trabahuan mo! Maganda po ba ang loob ng bar, ate?” Nakita ko ang pagningning ng mga mata ni Mariel sa akin ng sabihin niya ang kanyang tanong.

Tumango ako sa kanya. “Super ganda ng loob! May second floor pa mismo ang bar na niyon! Ang dingding ng bar kumikinang sa kulay blue and purple. Ang stage roon pinapalibutan sa taas ng maraming ilaw at may tatlong hagdan sa harap sa stage. Napaka-comfortable rin ng mga upuan doon.” masiglang sabi ko sa kanilang dalawa.

Easton Maravilla: Taste Of HeavenWhere stories live. Discover now