CHAPTER 21: Daddy Easton

817 17 3
                                    

CHAPTER 21

WE'RE OFFICIALLY COUPLE. Hindi ko alam pero napasagot niya agad ako. Sa ilang linggo niyang pagsulpot-sulpot sa bahay namin, walang palya kaya maging ang mga pinsan ko ay nakilala na siya bilang manliligaw ko hanggang nahulog na nga ako sa kanya.

Napadilat ako ng aking mga mata ng makita ang cellphone kong umiilaw at nag-appear doon ang pangalan ni Mr. East– este Easton. Kaya kahit pumupungay ang aking mga mata ay sinagot ko ang tawag. Hindi ba niya alam na may pasok ako mamayang tanghali, Monday ngayon at kauuwi ko lamang kaninang madaling araw. Bale limang oras pa lang ang tinutulog ko.

Sinagot ko ang tawag niya. “Hello...” Husky na boses na sagot ko sa kanya.

“Baby...”

Parang tumakas ang aking kaluluwa nang marinig ko ang tawag niya sa akin. Simula nang maging kami ay baby na ang tawag sa akin, at pinapatawag naman niya sa akin ay daddy. Sobrang ilang talaga ako nang sabihin niya iyon.  Kaya kahit nahihiya ako ay binanggit ko pa rin iyon sa kanya.

“B-bakit po, D-daddy...” Naikagat ko ang aking ibabang labi nang sabihin ko iyon. Nag-iinit na ang aking pisngi dahil sa sinabi ko.

“Oh my, baby. Did I wake you up?” Malambing na boses na tanong niya sa akin. Kaya napabangon ako bigla.

Ganito na ba talaga ang epekto niya sa akin. Bigla-bigla na lamang bumibilis ang tibok ng aking puso.

“Um,” Hindi ko alam kung sasagutin ko ba ang tanong niya. “Kagigising ko lang po dahil sa tawag niyo.” Pero, sinabi ko pa rin ang totoo.

“I'm sorry, baby. What time did you and Toni get home? I wish I could just take you to your house. It looks like you are still tired from your trip. What time do you go to school later?” Sunod-sunod ang tanong niya sa akin at bakas sa boses niya ang pag-aalala.

Ramdam na ramdam ko na ang pamumula ng aking pisngi. “Um, East—”

“Daddy.” Pagtatamang sabi niya sa akin. Madiin pa ang kanyang pagkakasabi.

“D-daddy...“ Biglang humina ang aking boses sa sinabi ko. “M-mga before four in the morning po kami nakauwi, Daddy. M-may dinaanan pa po kasi kami ni Toni. Then, nakatulog ako mga four fifteen po. Iyong pasok ko naman po mamaya ay ala-una pa po ng tanghali.” sagot ko sa kanya.

“Okay, you have two more hours to sleep, baby. Sorry if I woke you up.” Hingi niya nang sorry sa akin.

Bale, almost nine in the morning pa lang kasi.  Tama nga siya na may two hours pa ako pwedeng matulog.  Pwede naman kasi akong gumayak ng 11:30 ng umaga, hindi rin ako mabagal kumilos at lalong kalahating oras lamang ang byahe ko papunta sa Carter's University. Kaya hindi ako magagahol sa oras.

“Sige po, daddy, matutulog na po muna ako. Bumabagsak pa rin kasi ang aking mga mata.” sabi ko sa kanya. “See you po sa weekends.” Papatayin ko na sana ang tawag pero nagsalita siya.

“Baby! Don't. Huwag po putulin ang tawag, let's do video call.” Putol niyang sabi na muntikan ko ng pagpatay sa kanyang tawag.

Gulat akong napatingin sa phone ko. “H-huh? V-video call po?” pagtatanong ko sa kanya at sumagot siyang yes sa akin.

Nag-iisip pa nga akong idadahilan sa kanya pero nakita ko ang phone kong nag-re-request na siyang mag-video call. Kaya sinagot ko na lamang ito at nagtalukbo ako ng kumot, hanggang sa kahalati ng aking mukha. Nakikita lamang niya ay ang aking ilong at mata.

“Bakit ka nakaganyan, baby?” Natatawang sabi niya sa akin.

Napaiwas ako ng tingin nang makitang naka-topless siya. Anong ginagawa niya?

“Ah, my baby looked at me shyly. I'm sorry, I'm at the gym today with one of my brothers, Silas... Wait, I'm just going to get dressed.” Ramdam kong nakangisi siya ngayon sa akin.

“No! I mean, baka basa ang likod mo at magkaroon ka ng pneumonia. Punasan mo muna ang likod mo ng tuyong towel, daddy...” Pag-aalala kong sabi sa kanya.

“Aww... That's why I'm so in love with you, Baby.” Nakangiting sabi niya sa akin na siyang paggising ng aking buong diwa.

Jusko, ganito ba talaga siya? Ganito ba talaga ang charisma niya? Kasi kung ganito siya, sinong hindi talaga mai-inlove, ʼdi ba?

“Oh, by the way, you need to take a nap, baby. Go to sleep and later I'll wake you up when it's time to go in. You go to school later at 1PM, right?” pagtatanong niya sa akin, kaya tumango ako sa kanya. Nakatalukbong pa rin ako ng kumot hanggang sa kalahati ng mukha ko.

“Nandyan ba ang mga pinsan mo ngayon, baby?”

Nagulat ako sa tanong niya. Nakita kong lumalakad na siya. Hindi ko alam kung saan siya papunta.

“Um, w-wala po, daddy. Pumasok na sila sa school, pang-umaga kasi silang dalawa. And, paniguradong mamaya pa ang uwi nang mga iyon.” sabi ko sa kanya.

Tumagilid ako nang pagkakahiga. Naglalakad pa rin siya at nagulat ako nang may makitang ibang tao sa likod niya. Napaiwas ako ng tingin. May nakita lang naman akong naka-topless na lalaki sa likod niya.

“Oopps, my baby saw something unpleasant. I'm in the gym bathroom right now, I'm about to take a shower then I need to go to the company owned by Zairus.” saad niya at nakita kong may nakasampay ng towel sa kanyang balikat.

“Maliligo ka na po ba?” tanong ko sa kanya kahit alam ko naman ang kasagutan.

“Yes, baby...” kalmadong sabi niya sa akin, siyang pagpula na naman ang aking pisngi.

“Um, should we end the video call. Maliligo ka na, e.” sabi ko sa kanya pero inilingan lamang niya ako.

Pumasok siya sa isang bathroom and narinig ko na lamang ang tunog ng Tubig. Kaya tinaob ko muna ang phone ko. Baka kasi may makita akong hindi dapat makita.

Naririnig ko pa rin sa phone ko ang lagaslas ng tubig na mukhang dumadaloy sa shower ng bathroom ng gym. Alam kong pagmamay-ari rin nila ang gym na pinupuntahan nila, pagmamay-ari ni Silas, kakambal ng crush ko rati na si Tucker.

Habang pinapakiramdaman ko ang lagaslas ng tubig ay bigla akong nakaramdam ng antok. Kaya hanggang nakatulog na ako.

Nagising na lamang ako dahil sa alarm ng aking phone. Napabangon ako at tinignan ang aking phone. Nandoon pa rin ang video call naming dalawa.

“Baby, wake up! It's already twelve noon already. Mala-late ka sa school niyo. Wake up!” Paulit-ulit kong naririnig ang boses ni Daddy Easton.

Kinuha ko iyon, mukhang naipit ko pa nga yata. “Gising na po ako.” Namamaos pang sabi ko at tumayo sa kama. “Papatayin ko po muna ito, daddy. Malapit na po kasi ma-lowbattery. Need ko po muna i-charge.” sabi ko sa kanya. Nakita kong nasa sasakyan na siya. “Saan ka po pupunta?” Sunod na tanong ko sa kanya.

“Papunta pa lang ako sa company ni Zairus, baby. Nag-usap pa kasi kami ni Silas kanina after kong maligo at magpalit ng damit. Tinulugan mo ko kanina, baby. Buti na lamang ay sobrang ganda mo kapag natutulog.”

Lalong kumabog ang aking dibdib dahil sa sinabi niya. Oh, jusko, puso. Hulog na hulog na ako kay Easton.

“Ganoʼn po ba? Ingat po kayo, daddy. Charge ko po muna itong phone. Mamaya na lang po ulit tayong mag-usap.” sabi ko sa kanya, kasi kung hindi ko ibababa ang video call na ito, baka malunod na ako lalo kay Easton.

“Sure, baby, ingat sa byahe papuntang campus. I love you until I die.”

Nakangiti pa siya habang sinasabi niya iyon sa akin. Tunaw na tunaw na ako kay Easton.

---

Maraming salamat po sa lahat ng mga nagbabasa nito. 🫶

Easton Maravilla: Taste Of HeavenWhere stories live. Discover now