CHAPTER 5: Sunog

559 13 0
                                    

CHAPTER 5

Ilang linggo rin ang nakakaraan ng sabihin ni tita Jenny ang tungkol sa sakit niya kina Mariel and Ariel.

Katulad ng reaksyon ko ang ginawa nilang dalawa. Naaawa ako sa kanila ng makita ko kung paano humagulgol ang dalawang pinsan ko. Kung paano nila tawagin si tita Jenny at paano sila tumawag sa Panginoon na huwag ang mama nila.

Tatlong buwan ang nakalilipas ng malaman namin ang tungkol sa sakit niya. Ginawa namin ang lahat ng makakaya namin para maramdaman ni tita Jenny na mahal na mahal namin siya.

Pinapahinto na nga namin siya mag-live para sa business niyang ukay-ukay, hindi siya pumapayag sa mga sinasabi namin. Ang palagi niyang sinasabi sa amin kapag pinapahinto namin siyang mag-trabaho ay:

“Ito na lang ang tanging magagawa ko para sa inyong tatlo hanggang kaya ko pang gumalaw-galaw, magbebenta pa rin ako ng ukay-ukay.”

Kaya wala rin kaming magawa kung 'di tulungan na lang din si tita Jenny. Ako na ang nagsusulat ng mga nag-ma-mine sa live video and kaming tatlo na rin ang naghahatid ng mga order sa mga miner.

Hanggang sumapit ang ika-anim na buwan ni tita Jenny doon na talaga siya humina nang husto. Hindi na rin siya makatayo katulad ng dati at maging ang pag-la-live sa kanyang facetagram ay hindi na rin niya magawa. Tumigil ang business niyang ukay-ukay.

Munti na rin ako ma-drop out sa school dahil sa palagi kong pagliban sa klase. Wala kasing mag-a-asikaso kay tita Jenny, ayoko namang pagtigilin din sa pag-aaral ang mga pinsan ko.

Nakita ko mismo kung paano humina nang humina ang pangangatawan ni tita Jenny hanggang tuluyan siyang mawala sa amin. Halos isang linggong hindi pumasok ang dalawang pinsan ko ng mailibing namin si tita Jenny sa mismong puntod din nila Papa.

Naranasan na rin ng mga pinsan ko ang tuluyang mawalan ng magulang. Kami na lamang ang magdadamayan sa isa't-isa.

--

“Ate Gizzy! Ate Gizzy!”

Napa-angat ako ng tingin at tumingin sa pinto ng bahay. Narinig ko kasi ang malakas na tawag ni Ariel sa pangalan ko.

Kasalukuyan akong naglilista ng mga gastusin namin ngayon. Sobrang kapos kami ngayong buwan dahil sa sabay-sabay na gastusin nina Mariel at Ariel sa school.

Tumigil pala ako ng isang taon dahil kapos talaga kami sa gastusin namin dito sa bahay. Naghanap ako ng trabaho, kapag umaga cashier ako sa may Donut shop, isang sakay lang naman niyon. At, kapag gabi naman waitress ako sa isang fancy restaurant sa may Megamall.

Kulang kasi ang isang trabaho para sa pang-araw-araw na gastusin naming tatlo at isama pa ang ilaw at tubig na binabayaran namin buwan-buwan.

“Ariel, nandito ako sa kusina!” sigaw ko pabalik sa kanya.

Nagsimula ulit akong magsulat. Kailangan kong pumunta sa paupahan mamaya, kukunin ko ang bayad nila sa upa at iyon ang pag-go-grocery ko this month.

“Itong 350 pesos pang bayad sa tubig namin then itong 1,500 pesos ay sa ilaw...” Isinantabi ko ang 1,850 pesos at nilagyan niyon ng maliit na papel kung para saan niyon.

“Ate...” Tinignan ko si Ariel na hingal na hingal. Tumakbo ba ang isang ito?

“Ang aga mong umuwi, ha? Wala ka bang itu-tutor ngayon?” takang tanong ko sa kanya at bumalik ang tingin ko sa perang nasa lamesa.

Tumatanggap kasi siya ng tuturuan lalo na kapag elementary ang bata. Matalino itong si Ariel same naman sila ni Mariel, e. Parehas silang nag-e-excel sa mga klase nila kaya nga ayokong huminto sila sa pag-aaral.

Easton Maravilla: Taste Of HeavenWhere stories live. Discover now