CHAPTER 7: You're Hired

710 19 0
                                    

CHAPTER 7

It was past eleven o'clock in the evening when I got home. Sobrang dilim sa sala namin kaya binuksan ko ang ilaw.

Nilapag ko ang bag na dala ko at maging supot ng National Bookstore sa sofa. Dumiretso ako sa kusina para uminom ng tubig.

Kumuha ako ng baso at isang pitchel sa refrigerator namin, nakabukas ngayon ito dahil may imbak pa kaming baboy at manok sa freezer nito. Pinapatay kasi namin ito pars bumaba ang bill ng kuryente namin.

Nakita ko ang dining table namin dito. May nakatakip doon sa gitna ng lamesa, inangat ko niyo at nakita ko ang pritong manok.

Napangiti ako ng makita ang notes doon sa gilid ng plato:

“Ate Gizzy, ito po ang dinner niyo, ha? Kainin niyo po, okay? Ayaw po namin magkasakit kayo. Love you always, ate!

Love,
Mariel and Ariel.

PS: may meeting po ng mga magulang bukas, p'wede po ba kayo?”

Hinila ko ang upuan, kinuha ko ang kanin na nakalagay na rin sa plato at kinain na rin ito. Marunong na ang dalawa sa mga gawaing bahay kaya hindi na ako kinakabahan kapag nagluluto na sila, nang sila lang.

After kong kumain, hinugasan ko na rin ang pinagkainan ko. Kailangan ko pa lang mag-leave muna bukas sa Donut shop. Nagtext na agad ako sa manager namin na hindi muna ako makakapasok bukas at may importante akong gagawin. Laking gulat kong nagreply din siya agad sa akin, na pumapayag siyang hindi ako pumasok.

Nilapag ko na ang phone sa tabi ng kama ko, nagset ako ng alarm ng six am and agad na rin akong nakatulog.

WALA pang alas-sais ng umaga ng magising ako. Mas nauna pa ako ngayon sa alarm ko. Nag-ayos na rin ako ng aking sarili. Nag-suot lang ako ng jeans and light blue long sleeves at sa loob nito ay isang puting sleeveless.

Bumaba na ako sa sala namin para makapagluto na at makapaghanda ng baon ng dalawa kong pinsan. Mas gusto nila magbaon ng kanin dahil mas nakakatipid sila.

“Good morning, ate Gizzy!”

Napalingon ako sa bukana ng kusina at nakita ko si Mariel na inaayos ang kanyang palda.

“Good morning din, Mariel! Si Ariel nakahanda na rin ba?” pagtatanong ko sa kanya habang nilalagyan ang kani-kanilang tupperware.

Nakita kong tumango siya sa akin. “Opo, ate Gizzy. Nagsasapatos na lang po siya sa sala.” Umupo siya sa silya sa hapagkainan namin. “Ate, sasabay ka na po ba sa amin pagpunta sa school?”

Nilingon ko siya at nilagay sa plastic ang tupperware nilang dalawa. “Oo, sasabay na ako sa inyo ngayon. Nakapagsabi naman na ako sa manager ko na hindi ako papasok sa shift ko today.” sagot ko sa kanya. “Ariel! Kumain ka na baka ma-late tayo sa school niyo!” Malakas na tawag ko sa pinsan kong lalaki.

Nagsandok na rin ako ng kanin at isang hotdog and itlog. “Oo nga pala, Mariel...” Nakita ko si Ariel na pumasok na rin sa kusina at umupo sa tabi ng kapatid niya. “May pupuntahan akong trabaho sa Makati, inalok ako ni Toni na mag-apply sa bar na pinapasukan niya bilang dancer.”

“Iyong kapitbahay po ba natin niyon, ate Gizzy?” Tumango ako sa sinabi ni Mariel.

“Hiring daw sa kanila ang dancer ngayon. Sayang naman kung 'di ko susubukan. Malaki ang pa-sweldo nila kada buwan.” saad ko sa kanilang dalawa. Tinignan ko ang mga reaksyon ng mga mata nila sa sinabi ko.

“Hindi po ba delikado ang trabaho na niyon, ate? Bar po niyon at baka mapaano po kayo?” Bakas sa boses ni Ariel ang pag-aalala sa akin.

Umiling ako sa kanya. “Sabi naman ni Toni sa akin, disente ang mga damit na sinusuot nila roon. At, hindi rin p'wedeng i-table ang mga dancer nila. Sayang kasi ang 30K pesos per month nila kaysa sa dalawang trabaho ko na almost 6K pesos per cut off ko.” saad ko sa kanilang dalawa at sumubo ng pagkain.

Easton Maravilla: Taste Of HeavenWhere stories live. Discover now