Chapter 3

2.9K 191 21
                                    

Chrisen

"Dito ka na for good Chrisen?"

Tumango ako sa tanong ni Cael habang kumakain.

"Ibig sabihin non ay dito mo na ipagpapatuloy ang pag-aaral mo?" Si Cindy.

"Oo at siguro papasok ako sa school kung saan kayo nag-aaral para mas comfortable ako kaysa pumasok sa ibang school na wala akong kakilala."

"That's good." Si Cael habang ngiting ngiti ito.

"Chrisen is that you?"

Lumingon ako at nakita ko si mommy Karina. Kapatid ito ni mommy Kaede. Napangiti ako saka tumayo.

"Hi mommy, it's so nice to see you here." Bumeso ako rito saka yumakap.

"Kailan ka pa nakauwi?"

"Today mommy. Anyways, I'm with my friends Cael and Cindy if you remember them." Sasabihin ko rin sanang kasama ko si mommy Porcia pero nasa corner ito na table. Nakita ko pa itong nakatitig ng matiim sa akin.

Matunaw ako mommy.

Kumindat ako rito at nakita kong namula ang mukha nito sa inis.

"I do remember them." Tumayo naman ang dalawa saka bumeso kay mommy Karina.

"Mom let's go." Si Kuya Liam pinsan ko, anak ni mommy Karina. Mukhang nanggaling ito sa washroom dahil ngayon lang sumulpot kasama nito ang isang lalaking hindi ko kilala.

"Hey Chrisen!" Agad itong yumakap sa akin ng mapagsino ako. "It's so nice to see you. You're back. Nagbabakasyon ka ba?"

Umiling ako rito. "Hindi kuya, I'm staying here for good."

"This is my best friend, Levi. Levi this is my cousin, Chrisen."

Napangiti ako rito ng abutin nito ang kamay ko at ng akmang hahalikan ay pinilit kong itagilid at imbes na halikan nito ay pinilit ko ring makipagkamay lang.

Wala akong pakialam kahit sino pa ang matalik nitong kaibigan sa pamilya ko. Ang matalik lang na kaibigan ni mommy Kaede ang pwedeng humalik sa akin. Nakareserba ako kay mommy Porcia sa kahit anong aspeto.

"Nice to meet you." Wika nito na halatang napahiya. Agad ko ring binawi ang kamay ko rito.

"Likewise."

Tumikhim si mommy Karina. "We'll go ahead hija. Regards kay Kaede ok?"

"Sige po mommy. Mag-iingat po kayo."

Ng makaalis ang mga ito ay natawa si Cindy.

"Ang lupit mo Chrisen."

Naupo ako. "Walang pwedeng humalik sa akin na una ko pa lang beses makilala. Ako ang humahalik pero syempre." Lumagpas ang tingin ko sa likuran ni Cindy. Nakita ko si mommy Porcia na humihigop ng kape. She's so gorgeous. I hate the fact that she's not aging.

"Pili lang ang hinahalikan ko."

Ng matapos ang dinner at makaalis sina Cael at Cindy ay dahan dahan akong lumapit kay mommy Porcia na busy sa cellphone nito.

I cleared my throat at ang ilan sa mga costumers na malapit rito ay nakatingin sa akin. I know I'm gorgeous pero huwag naman silang magpahalata.

"Mom, let's go home."

Nag-angat ito ng tingin sa akin at ng mapansing may mga taong nakatingin sa amin ay namula ito.

Ang laki naman ng anak niya. Siguro maagang naglandi.

Napakagat labi ako para supilin ang ngiting gustong sumilay rito. Kung alam lang nilang wala pa itong jowa paano pa kaya ang anak. Oh yes, I can be her baby.

"Stop calling me mom. I am not your mother Chrisen."

Napalabi ako. Ayaw mo ng mom ha. Nagpuppy eyes ako rito ng makatayo ito.

"Let's go home my love."

Mas lalong namula ang mukha nito sa inis kasabay non ang paghatak nito sa akin papalabas ng restaurant. Ng makarating kami sa parking lot kung nasaan ang sasakyan nito ay bigla ako nitong binitawan.

"Stop messing around Chrisen." Malamig nitong suway sa akin. I wiggled my eyebrows to her.

"Chill mommy. I'm not doing anything wrong to you, yet." I blow her a kiss.

"You're such a flirt."

"Sa iyo lang Porcia." Binuksan ko ang passengers door at saka naupo sa loob.

Nakita ko ito sa labas na parang kinakalma ang sarili nito. Napahagikhik ako. Ang ganda nitong magkontrol. Ilang sandali pa ay pumasok na rin ito ng sasakyan.

"Mom-"

"Chrisen don't. Don't start with me. Shut up for Pete's sake!" Nakita ko kung paano humigpit ang pagkakahawak nito sa manibela.

"You one hot wild mommy."

Nakita ko itong nagpikit ng mga mata. Wala na itong sinabi pa at pinaandar na lang ang sasakyan. Wala kaming imikan habang nasa biyahe. Napapangiti na lang ako dahil ang cute nito, parang nagtatampo.

Ng makarating kami sa mansyon ay pinagbuksan kami ni kuya Jack ng gate. Ng tuloyang huminto ang sasakyan sa harapan ay hindi pa rin ako nito nililingon.

"You're not coming inside mommy?"

"Too late. Out of my car Chrisen."

Napalabi ako. Bakit kailangan nitong magsungit sa akin samantalang wala akong ginawa kundi mahalin ito.

"You know I love you right?"

"Shut up brat."

I giggled. "Pakakasalan pa kita Porcia."

"Oh for Pete's sake." Mahinang nababanas nitong bulong.

Napahagikhik pa ako lalo.

"Drive safe mommy." Bumaba ako ng sasakyan then I blow her a kiss bago ko sinara ang pintuan.

Agad nitong pinatakbo ang sasakyan makalayo lang sa akin. Nakangiti pa rin ako habang nakatanaw ng makalabas na ito ng gate.

"If you think you can get away from me Porcia. No you can't dahil ipinanganak ako para talaga sa iyo. I'm claiming it."

Tumalikod ako saka na pumasok sa mansyon. Nadatnan ko si mommy na naghihintay sa akin sa may sala. Lumapit ako rito saka humalik sa pisngi nito.

"Mommy bakit hindi pa po kayo natutulog?"

Ngumiti ito sa akin. "Hinihintay kitang makauwi."

"Malaki na po ako."

"It doesn't mean na hindi na ako pwedeng mag-alala sa iyo anak. I'm a mother at maiintindihan mo ako kapag ikaw na rin ang nagkaroon ng anak."

Napangiti ako rito ng lumitaw si Porcia sa aking isipan. Magiging mabuting ina ito sa mga anak namin.

"Opo. Let's go and sleep mommy."

"How about si ninang mo Porcia? Hindi mo naman siguro siya binigyan ng sakit ng ulo kanina diba?"

Siya nga itong nagbibigay sa akin ng sakit ng ulo. Pakipot pa kasi. Kapag talaga nagkaroon ako ng access sa matres non. Pupunan ko ng marami.

"Of course not mommy. Alam mo na diba? I'm a good girl."

"You better be, Chrisen."

I wiggled my eyebrows.

Pero para kay Porcia, kaya kong maging masama.

So Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon