Chapter 5

2.8K 197 17
                                    

Chrisen

"Porcia."

Napasimangot ako ng hindi ako nito pansinin. Busy talaga ito sa mga papeles samantalang nasa harapan naman ako nito pero bakit ba hindi ako nito makita.

Nakakabulag ba ang kagandahan ko?

Maya maya ay may kumatok sa pinto. Nakita kong may pinindot ito sa lamesa nito. Ilang saglit pa ay pumasok ang isang babaeng nadaanan namin kanina. This must be her secretary.

"Ma'am, nandiyan po si Mr. Aiken."

Mula sa binabasang mga papeles ay umangat ang tingin nito sa akin bago ito napatingin sa babae.

"Tell him we'll talk later over dinner."

Napataas ang isang kilay ko dahil sa sinabi nito. She's ignoring me tapos may plano pala itong sumama sa kung sino man mamaya. Ako nauna rito so ako ang makakasama nito over dinner.

"Tell him Porcia's not going with him." Napatingin ang babaeng sekretarya sa akin.

"Go ahead and tell him what I told you." Hindi nito pinansin ang sinabi ko.

Napasimangot tuloy ako. I am very much loyal to her and she's treating me this way? I need to move on for a bit.

Tumayo ako with my poise bago pinagkrus ang mga braso sa aking dibdib.

"I'm leaving. I never knew you are going to get old as a cheater Porcia."

Napaawang ang mga labi ng sekretarya nito. Nakita kong nagsimulang mamula ang mukha at nagsalubong ang mga kilay nito. Humakbang ako paalis sa opisina nito at nilagpasan ko lang ang sekretarya nitong nakatitig na lang ngayon sa akin.

"Chrisen! Shit." Huling narinig ko ng maisara ko ang pintuan.

Agad bumungad sa akin ang lalaking matangkad, maputi, at gwapo pero mas maganda naman ako. May hawak itong bulaklak na alam kong para kay mommy Porcia.

Napangiti ako dito ng makita ko itong tumitig sa akin. Pinasadahan pa ako nito ng tingin mula ulo hanggang paa na parang hindi makapaniwala kaya mas lalo akong napangiti.

Men.

Lumapit ako sa lalaki kasabay ng pagbukas ng pintuan sa likuran ko kaya hindi ko alam kung sino ang lumabas mula dito. Baka ang sekretarya ni Porcia dahil hindi naman ako non pinapansin kaya kampante akong hindi ako nito susundan.

"Hi, what's your name?" I asked him seductively bago ko haplosin ang kamay nito pataas sa braso nito at balikat.

Parang natuod na lang ang lalaki sa akin at nanatiling nakatitig.

"Chrisen!" Biglang may humablot sa kamay ko at inilayo ako sa lalaki. Si Porcia. Nakita ko ang sekretarya nitong nakalabas na rin at hindi makapaniwalang nakatingin sa mga nangyayari ngayon. Napatakip pa ito sa bibig nito.

"Aiken, umalis ka na muna."

"But-"

"I'll just message you later."

Ah-ah. Mabait ito pagdating sa lalaking ito but when it comes to me. She's just ignoring me. Ibinalik ako nito sa loob ng opisina nito.

"What are you doing for Pete's sake Chrisen!" Napasuklay pa ito sa buhok nito gamit ang mga daliri dahil sa frustrasyon.

"Stop flirting around and be mature enough!"

Napangiti ako rito kaya napatitig ito ng hindi makapaniwala sa akin.

"You gotta be fucking kidding me." Mahinang bulong nito pero narinig ko pa rin.

I giggled. "I came here to see you kasi nami-miss talaga kita Porcia and you're just ignoring me!"

Nawawalan ito ng pasensyang napasandal sa lamesa nito.

"And you look more hot kapag nagagalit ka ng ganyan mommy."

Pinandilatan ako nito kaya mas lalo akong napahagikhik.

"For Pete's sake Kaede, how could you have a daughter like this."

Mas lalo akong napangiti pero biglang nag-vibrate ang phone ko mula sa sling bag ko kaya kinuha ko ito.

Cael calling..

I cleared my throat bago ko ito sinagot. Nakangiti pa akong nakatitig ngayon kay Porcia habang malamig at walang emosyon itong nakatingin sa akin.

"Yah?"

"Um.. Chrisen, aayahin sana kitang mag-lunch ngayon sa labas kung ayos lang sa iyo. Manonood na rin tayo non ng sine. Alam mo na, may pasok na sa susunod na ikalawang linggo. Kung gusto mo sasamahan din kitang mag-enroll."

I beamed. Total naman ay hindi ako pinapansin ni Porcia. I'll just have fun with Cael.

"Sure, I'll just message you. Thank you Cael."

Ng maibalik ko ang cellphone ko sa loob ng bag ko ay tumingin ako kay Porcia saka ako ngumiti rito.

"I'm leaving you at peace mommy."

"I can't believe this." Hindi makapaniwalang sambit nito. Pabulong pero madiin.

"You're really such a flirt Chrisen! After what you did to Aiken awhile ago, now you're going out with that loser boy-"

"Hold on mommy." Putol ko sa sasabihin nito. "Hindi ko tipo si Aiken. You can have your daddy later but for now, I'm gonna have mine since you're ignoring me. I'll just go out with that boy na alam kong aalagaan ako at bibigyan ng oras at atensyon." Nag-flying kiss ako rito.

"Hasta la vista mommy Porcia."

Lalabas na sana ako ng muling hablotin nito ang braso ko.

"You're not going anywhere near that little boy without me you idiot!" Isinuot nito sa akin ang puti nitong blazer. "Next time, don't go out na ganito ka-eskandalosa ang suot mo. I hate it when they're staring at you like you're some kind of delicacy!"

"Don't worry Porcia. I'm all yours!"

"Oh fuck sake!"

Napahagikhik ako rito. She's so adorable!

Sabay kami nitong lumabas ng opisina nito at hindi talaga ako nito binitawan.

"Cancel all my appointments!" Banas na banas na utos nito sa sekretarya nito ng madaanan namin.

Napaawang ang mga labi ng babae sa dragon nitong boss. I giggled bago kumapit sa braso nito. Wala kaming imikan ng makapasok kami sa pribadong elevator nito. Seryoso lang ito samantalang hindi ko mapigilang mapangiti.

Ng bumukas ang elevator ay bumungad ang ilang empleyadong naghihintay ng elevator sa kabila. Mabilis na bumati ang mga ito at mukhang takot na takot kay Porcia samantalang wala namang pakialam ang isa.

Ng dumaan kami sa lobby ay nakita kong iba na ang mga gwardyang nagbabantay sa malawak na entrada. Ang bilis naman napalitan ang dalawa kaninang humarang sa akin.

Ngingitian ko sana ang dalawang gwardya ngayon na bago pero-

"Eyes on me Chrisen."

"Don't worry mommy. You not only have my eyes but also my heart and body."

"Oh gahd, Kaede." Nagsalubong pa ang mga kilay nito bago namula ang mukha dahil sa inis.

I giggled.

Bago ako humiwalay para pumasok sa sasakyan ay ninakawan ko muna ito ng halik sa pisngi nito.



"You little stubborn!"

So Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon