Chapter 21

2.7K 113 12
                                    

Chrisen

"Ang pogi mo naman Sir." Wika ng bading na barbero matapos nitong magupitan si Cael. "Bagay na bagay kayo ni ma'am." Baling nito sa akin.

Napangiti lang ako rito habang namumula si Cael.

"Ako na magbabayad." Si Cindy. "At dahil bumagay ng husto ang gupit ng kapatid ko, may tip ka sa akin." Regular customer pala nito si Cindy rito.

"Madam! Iyan ang gusto ko sa iyo kasi kapag natutuwa ka. Nagiging galante ka!"

Napairap dito si Cindy kaya natatawa ako. Ng makaalis kami doon ay dumiretso kami sa isang coach outlet store. Pumili ako ng damit na babagay kay Cael.

"Bagay ang dalawang ito sa iyo." Itinaas ko pa ang isang hawak kong charcoal signature polo para isukat sa katawan nito habang hawak ko sa isang kamay ang isang khaki signature polo.

Hinawakan ni Cael ang kamay ko.

"Chrisen." Paglingon ko ay pinicturan kami ni Cindy habang kinikilig ito. "Ang perfect niyo namang dalawa!"

Lumapit ito saka ipinakita sa akin ang picture namin pagkatapos kunin ni Cael ang mga napili ko para isukat sa fitting room.

Stolen shot pero maganda nga at tunay na bagay kami pero lintik na puso at nasa kay Porcia ang tibok nito.

Nakangiting nakatitig sa akin si Cael habang hawak nito ang isang kamay ko habang ako naman ay nakatingin sa camera.

"Beastie ipo-post ko ito sa instagram ko ha kung ok lang?"

Nagkibit balikat ako rito. "Suit your self. I don't mind."

Parang kinikilig itong nagta-type doon. Bumalik si Cael at suot nito ulit ang sando nito.

"It fits and I look good. Thank you Chrisen."

Napangiti ako rito. "Walang anuman."

Kinuha ko ang dalawang polo at saka ito binayaran. Napakamot pa ito sa ulo ng makita kung magkano ang binayaran ko.

"Chrisen kahit isa na lang sana." Namumula ito habang napapakamot sa likuran ng ulo nito.

I giggled bago ko pisilin ang pisngi nito. "It's nothing Cael."

Ito na ang naghuhat ng paperbag dahil nakakahiya daw na binilhan ko tapos ako pa ang magbubuhat. Namili rin ng ilang pirasong damit si Cindy pagkatapos ay naglibot pa kami bago napadpad sa isang infinitea.

"Masarap ang gawa nila rito." Si Cindy. "Ano ang gusto niyo?"

Pinasadahan ko ng tingin ang menu. "Can I have blueberry milk tea."

"Um, chocomalt cheesecake frappe." Hindi siguradong wika ni Cael.

"Ako gusto ko ang biscoff caramel cream puff."

Tahimik kaming uminom ng makaorder si Cindy hanggang sa maubos namin. Ng makalabas kami ay nadaanan namin ang isang photo booth.

Itinulak ni Cindy si Cael para pumasok ito sa booth.

"Take a picture Chrisen."

Pumasok ako at nakaupo na rito si Cael. Natawa ako ng makitang namumula ulit ito.

"Let's take a photo Cael." Wika ko saka pinindot ang touchscreen para lagyan ng timer at kung ilang shots.

Unang shot ay pinisil ko ang isang pisngi nito. Natawa ito bago ako nito yakapin para kilitiin. It took a shot of us, and another shot, and another hanggang sa anim. Lumabas ang kuha namin at natigil ako ng makita ito.

We look good together. No, we look perfect pero hindi ko ito makapa sa puso ko. Ang saya saya namin sa picture na para kaming magkasintahan.

Ilang sandali lang ay pumasok si Cindy at pati ito ay nakisali. Ang gulo gulo tuloy namin sa loob ng photo booth.

"Oh wem gee!" Sigaw ni Cindy habang nakatingin sa mga pictures namin ni Cael ng makalabas kami sa booth.

"Pahiram beastie. Ang perfect niyo!" Pinicturan nito ang mga pictures namin.

"Can I keep it?" Si Cael. Tumango ako rito.

Kumain muna kami bago umuwi. Ginabi kami dahil na rin sa pag-iikot ikot.

"Thank you Chrisen. Ang saya ko sa araw na ito." Hinawakan ni Cael ang kamay ko saka nito hinalikan.

"Pagaling ka Cael. That's all I want."

Napaubo kunwari si Cindy sa likuran ko. "Let her go Cael. Ihahatid ko na siya."

"Good night Chrisen." Humalik ito sa pisngi ko at namumulang umalis para pumasok sa bahay.

Sumakay ako sa sasakyan ni Cindy.

"May amnesia pero patay na patay pa rin sa iyo ang loko."

Natawa ako. "Maaaring nakalimutan niya ako pero sa puso't mata niya nakatatak ako Cindy."

"Gusto ko lang malaman mo na kung hindi magiging kayo at masaktan ang kapatid ko. It's completely fine for me Chrisen. Some people are meant to be. This is life. Hindi lahat ay umaayon, hindi lahat ay itinadhana. Magkaibigan pa rin tayo and I couldn't ask for a great friend other than you."

"Salamat." Niyakap ko ito.

Nagmaneho na ito at ng malapit na ako sa mansyon ay saka ko lang naalala ang cellphone ko. Napakagat labi ako ng makitang maraming missed calls si Porcia. May missed call din si mommy. Patay ako, masyado akong nalibang sa araw na ito na hindi ko nagawang i-update si mommy kung anong oras ang uwi ko. Alam ko namang hindi ito magagalit pero matindi ito kung mag-alala.

Ng makarating ako ay agad akong nagpaalam kay Cindy. Ng makapasok ako sa mansyon ay nandoon si mommy na mukhang naghihintay sa akin.

"Mommy, I'm sorry. Hindi ko po sinasadyang hindi makapag-update sa iyo." Yumakap ako rito bago halikan ang pisngi nito.

"It's ok anak. Tumawag kaninang hapon si Xyline para ipaalam sa akin na lumabas kayo para magpagupit si Cael kaya sabi ko baka masyado kang nawili. How is he?"

Napangiti ako rito. "He's doing good mommy. Wala lang siyang maalala."

Hinaplos nito ang likuran ko. "Everything will be alright. Babalik sa dati si Cael anak."

"Sana nga po."

"Sige na. Umakyat ka na para makapag-shower at makapagbihis ka. Kailangan mo ring magpahinga. Papasok na rin ako now that you're here. Good night anak." Hinalikan nito ang noo ko.

Sabay kaming umakyat pero pagdating sa taas ay naghiwalay kami ng daan. Pumasok ako sa silid ko at dumiretso sa banyo para mag-shower. Ng matapos ay mabilis akong nagbihis at nagpatuyo ng buhok saka nahiga.

Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang ilang messages doon. Napunta ang tingin ko sa pangalan ni mommy Porcia.

You're really testing my patience. Galit na naman. Kahit sa text ang sungit nito.

Napalunok ako bago nagtipa sa phone ko.

What did I do mommy?

I'm going to kill you for being unfaithful!

Sukat sa nabasa ko ay napabangon ako ng wala sa oras.

"Nakakainis! I've been faithful to you ever since I was born!"

Nagtipa ulit ako.










Stop scamming me!

So Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon