Chapter 18

2.4K 107 8
                                    

Chrisen

Napangiti ako ng makitang nakatitig sa akin si Cael. Nagising ito isang linggo na ang nakakaraan. Ang masaklap ay nagkaroon ito ng amnesia. Wala itong maalala sa naging buhay nito. Sa mga taong nakapaligid rito. His parents, his sister, and his friends. He doesn't know even his name.

After school ay dumidiretso ako rito para samahan ito.

"Bakit Cael?"

I saw him blushed na madalas mangyari kahit noon. Mahiyain talagang maginoo ang lalaking ito.

"Uhm." Naglumikot ang mga mata nitong parang bata.

"Maganda ba ako?"

Mas lalong namula ang mukha nito bago tumango.

I giggled.

"Aray!" Wika ko ng may kumurot sa braso ko.

Tinignan ko si Porcia na nasa tabi ko at patay malisyang nakatingin lang sa kung saan.

"Matanda na, wala pa ring manners." Bubulong bulong kong wika.

"You flirt." Balik nito sa akin.

Napairap na lang ako. Kung hindi ko lang mahal ang matandang ito paniguradong kay Cael ako nahulog.

Sa isang linggo kong pabalik balik rito ay palagi ako nitong sinasamahan na parang nakabantay sa akin. Kung alam nitong maaabutan namin minsan ang dinner ni Cael at akmang pakakainin ko ito ay hindi ako nito pinapayagan. Dinadala pa nito si Starr, ang kasambahay nito para ito ang magpakain kay Cael kahit may pribado naman itong nurse na itinalaga ni Tita Xyline para dito.

"Nagugutom ka na ba Cael?"

Umiling ito. "I have a question for you, Chrisen." Imbes ay wika nito.

Naglakad ako para mapalapit rito saka naupo sa gilid ng kama nito.

"What is it?" I stare at him.

Inabot nito ang kanang kamay ko saka nito marahang pinisil.

"If we're good friends. Nanligaw ba ako sa iyo?"

Napangiti ako ng bahagya rito. Ngiting may lungkot.

"Yes. Isa iyon sa mga rason kung bakit ka narito ngayon." Ayaw kong maglihim o magsinungaling rito. There's no point. "Pero nangyari na ang nangyari Cael. Ang gusto ko na lang sa ngayon ay gumaling ka."

Dinala nito ang kamay ko sa bibig nito saka ito hinalikan.

"From the moment I laid my eyes on you when I woke up. I-"

"Are you done? Because if not, uuwi na kami ni Chrisen. It's getting late and we have classes tomorrow." Bastos na sabad at putol ni Porcia sa sasabihin ni Cael.

Lumingon ako at tinignan si Porcia na parang nabo-bored. Kahit kailan ang talas talaga ng dila nito.

"And save that fantasy of yours. May mahal na siyang iba."

Napapikit ako sa inis. Pwede naman nitong sabihin ang bagay na iyon kapag magaling na ito ng kusa. Bakit kailangan nitong patulan ng husto si Cael.

"Chrisen, totoo ba iyon?" Tanong ni Cael kaya bumaling ako rito. May lungkot sa mga mata nito. Marahan kong pinisil ang kamay nito.

"Hindi pa naman kami Cael. We can talk about it next time, ok? Gusto ko ngayon ay gumaling ka. Aalis na kami at bukas babalik ulit ako. Magpahinga ka na."

Napangiti ito pero hindi abot sa mga mata nito. Badtrip kasi itong si Porcia. Why does she have to be so mean all the time?

She was born that way Chrisen..

So Into YouWhere stories live. Discover now