Chapter 9

2.1K 112 3
                                    

Chrisen

"Kung pwede po sanang ligawan ko si Chrisen Tito at Tita." Paalam ni Cael na nasa tabi ko ngayon habang namumulang nakatingin kina daddy at mommy samantalang kaharap naman ng mga ito sina Porcia at ang boyfriend nitong si Aiken.

"You have our blessing Cael." Si mommy.

"Tama iyan hijo." Wika ni daddy. "Kaya hanga ako sa iyo at kung sakali mang magustohan ka ng anak ko. Hindi kami makikialam sa desisyon niya dahil hangad namin ang ikakabuti at ikakasaya niya. Pakiusap ko lang na sana ay huwag mong lolokohin ang anak ko."

Napakamot si Cael sa batok nito. He's cute! I giggled.

"Opo, makakaasa po kayo Tito."

"Siguro hinihintay na kayo sa party kaya sige na para hindi kayo gabihin. Kung sakaling malasing ay doon na lang kayo matulog. I know Xienna will take good care of my daughter."

"Opo, sige po." Bumaling ang tingin ni Cael kay Porcia at sa boyfriend nito. "Goodnight po sa inyo."

Pero si ex-mommy ay walang reaksyon samantalang si Aiken ay ngumiti lang.

Yuck!

"Sige po mommy at daddy, alis na po kami. Bye po." Paalam ko para sa lahat para hindi naman ako magmukhang bastos.

Inalalayan ako ni Cael hanggang sa makalabas kami ng mansyon at pinagbuksan ako nito ng pintuan sa sasakyan. Naupo ako sa loob at ikinabit agad ang seatbelt ko.

Naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko kaya binuksan ko ito.

I will pick you up later.

Umangat ang gilid ng kaliwang labi ko. Si Porcia. Ang sarap lang nitong asarin ngayon.

I still can't believe I am her first kiss. She's thirty six already. Alam ko namang wala pang naging boyfriend si Porcia simula noon. Iyon din ang sabi ni mommy dahil nga masungit ang ninang kong ito at sobrang pihikan pero ngayong nagkameron ito ay naunahan ko naman ang boyfriend nito.

Ang bait talaga ng tadhana sa akin.

"You ok Chrisen?" Si Cael ng makalabas kami ng mansyon habang maingat itong nagmamaneho.

"I'm ok." Nginitian ko ito bago ibaling ang pansin sa aking phone.

Who are you? Saka ko ito sinend.

Ilang saglit pa ay nakatanggap ulit ako ng mensahe mula dito.

Don't fucking give me that attitude Chrisen Miller.

Napairap ako sa ere. Sino kaya ang may attitude sa aming dalawa?

Ang sama talaga ng ugali nito pati tabas ng dila. Hindi ko alam bakit ako nain-love sa matandang ito. Basta noong una ko itong makita ay minahal na ng musmos kong puso.

It's just so unfair kasi ako lang ang nagmamahal rito. She loves me but as her godchild. I want her to see me as her one true love.

Itinago ko ang cellphone ko sa aking bulsa at hindi na nag-reply pa. Bahala ito sa buhay nito. May Aiken naman na. Ayaw kong maging kabit at mas lalong ayaw kong may kahati.

I am not just a woman with dignity, worth, and pride. I'm fearless and independent.



●●●●●




"Have you ever been in love Chrisen?" Halos mabingi ako dahil sa kalasingan.

I don't know whose asking me that question. Tatlong oras na kami rito I think at naparami na talaga ako ng inom. Hindi ako manginginom na tao at mas lalong mababa ang tolerance ko sa alcohol. Noong huling naglasing kami ni Cindy sa isang resort ay nakatulog agad ako.

So Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon