Chapter 8

2.1K 117 2
                                    

Chrisen

"Sasama ka ba mamaya?" Tanong ni Cael habang magkapanabay kaming naglalakad. Katatapos lang ng klase namin at pauwi na .

"Birthday party ba iyan? Cael alam mong hindi ako pumapasok sa mga bar."

Binansagan akong brat na good girl kaya gusto ko ganun pa rin. Magbigay na ako ng sakit ng ulo huwag lang maging disappoint sa mga ito.

Napakamot si Cael sa ulo nito. It's his mannerism kapag nahihiya o may gusto itong sabihin na parang nagdadalawang isip ito.

"Spill Cael."

"Kasi Chrisen, pool party mismo sa bahay nina Cash. Walang ibang tao doon kundi tayo tayo lang at mga kaibigan niya. She said to invite you."

Pinsan nito sa mother side si Cash at anak ni Tita Xienna. I know what Cael meant na kami kami lang. Syempre party ng isang millennial kaya walang mga matatanda to talk about businesses at mga amiga o amigo na ibubugaw ang mga anak nila para sa ikabubuti ng mga kompanya nila.

Napangiti ako rito. "Sige sasama ako."

Inihatid ako nito sa may parking lot kung nasaan ang sasakyan ko.

"Chrisen, mag-iingat ka ha. Drive safe." Wika nito saka hinalikan ang kamay ko.

I beamed. "Thank you Cael. Ikaw rin."

"Susundoin na lang kita mamaya para maipagpaalam kita ng mabuti kay Tita Kaede."

"Sige."

Binuksan pa nito ang pintuan para sa akin ng ma-unlocked ang sasakyan ko.

"Thank you." Wika ko ng makapasok ako. Kinabit ko agad ang seatbelt ko bago paandarin ang sasakyan at ibaba ang salamin.

"See you later Cael." Kumaway pa ito sa akin. Sinara ko ulit ang bintana.

Paalis na ako ng mahagip ng paningin ko ang nakatayong si Porcia sa may hall. She couldn't see me inside dahil heavy tinted ang sasakyan ko but I can clearly see her na matamang nakatitig sa sasakyan ko ngayon.

Bakit nakatayo lang ito doon? Hindi pa ba uuwi? Baka susunduin ng boyfriend nito.

My face crunched in disgust.

Pinaharurot ko ang sasakyan ko. I need to go home and rest a bit dahil dadalo ako sa party mamaya. Halos inabot ako ng fourty five minutes dahil sa traffic. Ng makarating ako sa bahay ay mag-aalas kwarto pa lang ng hapon. Alas tres kasi ang huling subject ko kanina.

"Hi mommy!" I beamed ng makita si mommy na abala sa pagpe-prepara ng mga sangkap sa lulutoin nito. Yumakap ako rito bago humalik sa pisngi nito.

"Chrisen!" Sambit nito dahil nagulat talaga ito sa akin. "Kumusta? How's school anak?"

"School pa rin." Nakangiting sagot ko rito bago kumalas sa yakap at kumuha ng baso saka naglagay ng gatas na kinuha ko mula sa ref pagkatapos kong ipatong ang shoulder bag ko sa may counter.

"Ang aga niyo naman pong magluto mommy." Saka ko ininom ang gatas. Ang sarap sa pakiramdam dahil malinamnam ito at malamig.

"Kailangan anak dahil pupunta dito si Porcia at ipapakilala ng pormal ang nobyo niya."

Naibuga ko ang iniinom kong gatas bago nagkandaubo. The news choke me.

Mabilis na nakalapit sa akin si Mommy at hinimas himas ang likuran ko.

"Ano ba naman Chrisen. Mag-iingat ka naman anak. Pinag-aalala mo ako." Reklamo nito.

Binigyan ako nito ng tubig. Ng makainom ako ay guminhawa ang pakiramdam ko.

So Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon