Chapter 6

2.2K 114 12
                                    

Chrisen

"Chrisen." Kumamot pa si Cael sa batok nito na parang nahihiya.

"Hmm?" I hummed bago inabot ang tubig at saka uminom.

"Pwedeng manligaw?"

I choke.

Naubo ako habang binabayo ng mahina ang dibdib ko.

"Chrisen!" Si Cael bago ito tumayo at akmang hahagurin nito ang likuran ko.

"Don't touch her." Si Porcia at ito na mismo ang humimas sa likuran ko.

"Sorry Tita. Hindi ko alam na-"

"It's fine. She's careless."

Lihim akong napairap. Ang bilis naman nitong nakalapit. And true to her words ay pinayagan nga akong makipagkita kay Cael pero kasama ito at hanggang lunch date lang wala ng sineng magaganap.

Daig pa nito si mommy Kaede kung makabantay sa akin. Inaako na ba talaga ako nitong anak kaysa sa maging asawa?

Hindi ko matatanggap!

Ng maging ok ako ay hindi na umalis si mommy Porcia. Mukha itong bored at alam kong gusto na nitong umalis kami.

"Cael." Baling ko kay Cael na medyo namumula ang mga tainga nito. He's cute!

"I would love to say yes pero hindi na pwede. I am in love with someone else already."

Nakita kong parang nalungkot si Cael sa sinabi ko.

"Sino siya Chrisen? I would love to know about that person para masabihan kong alagaan ka niya ng mabuti."

Napangiti ako rito habang nananatiling tahimik at seryoso si Porcia sa tabi ko. I can feel her cold stare at me.

"Huwag kang mag-alala Cael. Inaalagaan naman niya ako. Iyon nga lang ay madali siyang mainis, maikli ang pasensya pero naiintindihan ko naman kasi matanda na-aray!" Hindi ko mapigilan ng may umapak sa paa ko.

Alam ko na kung sino. Si Porcia. Napangiwi ako dahil talagang nasaktan ang hinliliit ko.

"Anong nangyari sayo Chrisen?" Nag-aalalang tanong ni Cael sa akin.

"W-Wala. Sumakit lang ang tiyan ko."

"Iuuwi ko na siya." Si Porcia at ito na rin ang naglatag ng pera sa lamesa para sa bill namin.

"Naku Tita hindi na po kailangan. Ako na po ang magbabayad sa kinain namin. It's my call-"

"It's fine."

Napakamot na lang si Cael sa tainga nito at walang nagawa.

"Let's go, kid."

Iiissh! Kid my ass!




●●●●●




"You're no longer welcome here Aiken." Wika ko sa lalaki pagkatapos nitong ihatid si Porcia.

Nagpunta ako sa mansyon nito dahil alam kong natuloy ang dinner date nito kay Aiken. She ruined my date with Cael this afternoon. Pinayagan ko itong makipag-date by not following them kaya hindi pwedeng may happy ending ang mga ito ngayon habang nasasaktan ang puso ko. Hindi ako papayag.

Akin lang si Porcia.

Mukhang nagulat si Porcia ng sumulpot ako mula sa loob ng mansyon nito. Kakauwi lang kasi nito at nakatayo pa ang mga ito sa harapan ng pintuan.

There will be no kiss tonight or whatsoever. Napangiti ang lalaki sa akin pero ang pangit naman nito sa aking paningin. Hindi ko alam kung anong nakita ni mommy Porcia dito.

Bulag talaga ang matandang ito dahil hindi nito makita ang kagandahan at kabutihang taglay ko.

"She already said yes to me." Proud pang wika ng baog na ito sa akin. Nasaktan ako pero nungka kung ipapakita ko rito.

"I see, are you worth it?" I asked him instead.

"Chrisen." Suway sa akin ni Porcia.

Porcia na lang talaga ngayon at wala ng ninang mas lalo naman ang mommy.

Break na kami.

"Whatever." Bago ako umalis ay tinignan ko ang lalaki mula ulo hanggang sa paa nito.

"Cheap."

"Chrisen." Suway ulit sa akin ni Porcia pero tinignan ko lang ito bago tinaasan ng isang kilay at saka umirap.

Then I started to walk away with so much elegance. Kung ayaw niya sa alindog ko. Maraming nagkakandarapang iba diyan sa akin.

Papasok na sana ako sa aking sasakyan ng may pumigil sa aking braso. Awtomatiko ko itong tinanggal bago humarap dito.

"Stop being childish and stop being a brat."

"And then what Porcia?" Pabulong ngunit madiin kong wika rito dahil ayaw kong marinig ng lalaking hilaw ang mga sasabihin ko rito.

"I am so stupid for falling in love with someone like you. Well my dear Porcia. Ayaw ko sa taong hindi loyal kaya ngayon. Divorce na ako sa iyo. I don't ever want you near me anymore."

Lumagpas ang tingin ko sa likuran nito kung nasaan ang lalaking naghihintay rito at nakatingin sa amin.

"You can have him Porcia. Ang cheap ng taste mo." Sumakay ako sa aking sasakyan at saka ito pinaandar. At dahil nakababa ang salamin ng sasakyan ko ay tinignan ko ito ng isa pang beses. Nakatitig ito sa akin ng malamig at walang emosyon.

"You might be welcome in our house dahil kay mommy Kaede but you're no longer welcome in my life Porcia." I blow her a kiss.

Hindi ako ang pwedeng maging talonan porket ako lang ang nagmahal rito.

Oo masakit pero wala akong magagawa. Porcia will always be Porcia. Mahirap mag-move on pero siguro kailangan na talaga. Ayaw ko naman itong ikulong kung sakali o piliting mahalin ako.

I might be young but there's no age limit para sabihing hindi tunay ang nararamdaman ko para dito.

Ng tuloyan akong makalayo sa mansyon nito ay tinawagan ko si Cindy.

"Oh?"

"Inom tayo Cindy." Bungad ko rito.

"Anong nangyari sa iyo? May problema ba?"

"Marriage didn't work. I just filed a divorce." Himutok ko rito.

"Sira! Hindi ka kailan man kinasal." Tumatawa ito sa kabilang linya. "Ni hindi ka nga nagkaroon ng jowa e." Kantiyaw nito sa akin. "Gabi na kaya anong problema Chrisen?"

"Pinagpalit nga ako sa matanda Cindy!"

Tumawa ulit ito. "I don't understand you Chrisen pero sige sasamahan kita kung heartbroken ka." Pagsakay nito sa akin.

Akala siguro nito ay nagbibiro ako. Kapag ako talaga naka-move on. Who you sa akin si Porcia.

"Just come and pick me up pero huwag tayo sa bar ha. Punta tayo sa isang resort at mag-take out tayo ng inomin. Mas mabuti ng maging ligtas kaysa pasensya ang abutin natin."

Sabagay mas maganda na iyon. Ayaw ko rin namang mag-alala si mommy Kaede sa akin kaya mabuti na rin ang ganun. Kasama ko rin naman si Cindy.

"On my way."


You will regret this day Porcia.

So Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon