Chapter 4

2.7K 216 23
                                    

Chrisen

Napangiti ako ng makita ang matayog na gusali ni Porcia. Nagpunta ako rito dahil tatlong araw ko na itong hindi nakikita. I am missing her so bad.

I need to see my Porcia.

Naglakad ako papasok sa building pero hinarangan ako ng dalawang gwardya.

"I.D niyo po ma'am."

Napangiti ako sa mga ito bago inilabas ang driver license ko. Natawa ang isang gwardya sa akin.

"Employee I.D niyo po ma'am."

"Linawin mo kasi kung anong klase ng I.D kuya saka hindi ako empleyado dito. I'm just visiting my mommy Porcia."

Natawa naman ngayon ang isang gwardya. Pinagloloko ba ako ng mga ito?

"Sa pagkakaalam po namin ay wala pang anak si ma'am."

"She's really my mommy." I insisted.

"May appointment po ba kayo ngayon?"

"No, I just came here to visit my beloved Porcia."

"Miss sa ibang araw ka na lang bumalik kung wala kang appointment ngayon at sinasayang mo ang oras namin." Wika nito pero sa katawan ko naman nakatingin.

Inilabas ko ang cellphone ko saka ko tinawagan si mommy Kaede. Nag-ring ito ng dalawang beses bago nito sinagot.

"Anak bakit? Everything alright?" May pag-aalala sa boses nito.

"Mommy! I need mommy Porcia's number ngayon na po. Salamat, I love you!"

"Ayos ka lang ba diyan?"

"Yes po mommy. Kailangan ko lang talaga ngayon ang number niya." Bakit kasi hindi ko pa kinuha noon rito at ngayon ko lang naisipan.

"Sige, ipapasa ko sa iyo. I love you too. Mag-iingat ka diyan."

"I will."

Nakatingin lang sa akin ang dalawang gwardiya ngayon na walang sinasabi pero panay ang titig sa katawan ko. Ilang sandali pa ay pinasa na ni mommy ang number nito. Mabilis ko itong dinial.

Unang ring ay pinatay nito agad. Dinial ko ulit ito pero ganun pa rin. Ok, last na ito. Pag-dial ko ay sinagot naman nito.

"Mommy it's Chrisen! I need your help right now!" Agad kong bungad dahil baka patayan ako nito ng tawag dahil unknown ang number ko rito.

"Chrisen for pete's sake! I am busy right now-"

"I'm here in front of your building. Ayaw akong papasukin ng dalawang gwardya. Kailangan mo akong sunduin at wala daw silang pakialam sa kahit na sinong Porcia. Pinagtatawanan pa nila ako."

"What the heck-." Agad kong pinatay ang tawag at ngiting ngiti habang nakatingin sa dalawang gwardyang hindi makapaniwalang nakatitig sa akin.

"Ma'am wala kaming sinabing wala kaming pakialam sa kahit na sinong Porcia. Kayo po nagsabi non."

I giggled.

Wait til my mommy comes!

Ilang sandali pa ay nakita ko ng eleganteng naglalakad si mommy Porcia mula sa pribadong lift nito.

"Oh-la-la mama mia." Hindi ko mapigilang bigkasin ng makita ito. She's so damn sexy!

Nakasuot ito ng navy blue tie neck button front blouse at tinuck in nito sa suot na frenchy slant suit pants na may belt. Ang liit ng beywang nito. She's so sophisticated and professional idagdag pang naka-heels ito.

Samantalang nakasuot naman ako ng casual see through glittering backless anchor dress at itim rin na high heels.

Ng makalapit ito ay hindi agad nakapagsalita. Tinitigan ako nito mula ulo hanggang paa. Mula paa hanggang ulo bago ito namula sa inis.

So Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon