CHAPTER 2: FUTURE WIFE

5.3K 76 2
                                    

HALOS hindi na makahinga si Maxine nang makipagsiksikan sila ng lalaki palabas ng club. Nang makarating sila sa may parking, kapwa na sila hinihingal.

Napasandal si Maxine sa naka-park na sedan sa gilid niya. Ngunit ilang sandali lang ay nagulat siya nang lumapit ang tatlong lalaki. Bigla siyang nakaramdam ng kaba. Naka-civillian lang kasi ang mga ito. Malalaki rin ang katawan tulad ng mga bouncer sa club.

"It's okay," anang lalaki sa mga ito.

Napakunot ang noo niya. "Kilala mo sila?"

"They're my bodyguards. Now, can we talk?"

Umirap siya rito. "Bakit? Sino ka ba para kausapin ko, ha? I don't even know you. If you want some f-ck tonight, then sorry. Wala ako sa mood. I just wanna go home and-"

"Then tell me your address. Ihahatid na kita."

Salubong ang kilay na hinarap niya ang lalaki. "Are you seriously telling me that? You're a stranger and you expect me to trust you?"

He scoffed. "Come on, it's been a couple of years but I can still clearly remember you. Do you want me to tell you how we spend that night together-"

"Shut the f-ck up! Ano ba kasing gusto mo? Ikaw na nga ang nagsabi. 2 years na, 'di ba? So, ano, gusto mo pang ulitin 'yon? I told you, I can't!"

"I'm Luke," pakilala ng lalaki sa sarili at pagkuwa'y naglahad ng kamay sa kaniya.

Maang siyang napatingin sa lalaki.

"I just want to know you. Kung hindi magpapakilala sa 'kin, malalaman ko rin naman kung sino ka. You came to my sister's party. I'm sure, kilala ka niya."

Halos malaglag ang panga niya sa narinig. Mukhang pinaglalaruan talaga siya ng tadhana nang gabing 'yon.

"Kapatid mo si Erin? What the hell?"

He laughed. "Yeah. So, kaya mo na ba 'kong pagkatiwalaan?"

She pouted her lips. Hindi na rin naman talaga niya kaya pang mag-drive. Nakakahiya naman kung magpapahatid pa siya sa kung sino para lang makauwi sa condo niya.

"Sige. Pero hatid lang, ha? 'Pag ikaw may ginawa sa 'kin, ipapahanap kita sa daddy ko. He's a general, if you don't know," banta niya rito.

Napakunot naman ang noo ni Lucas nang may maalala. "Pwede mo na bang sabihin ang pangalan mo?"

Nabitin sa pagpasok sa kotse si Maxine. Napangisi siya nang may maisip.

"Alexa," aniya at agad ding tumalikod.

Bihira lang ang tumatawag sa kaniya ng ganoon. Her name is Maxine Alexandria, pero nasanay na ang mga kakilala niya na Maxine o Max ang tawag sa kaniya. Iilan lang ang nakakaisip na tawagin siyang Alexa-including her mom, who passed away two years ago.

"Alexa."

Nakagat niya ang pang-ibabang labi nang banggitin nito ang pangalan niyang iyon. Why does it sound so hot when he's the one saying it?

Ipinilig niya ang ulo. Naramdaman niya na inalalayan siya ng lalaki sa pagpasok niya sa kotse. Umupo ito sa tabi niya at saka inutusan ang driver na ihatid sila sa address na ibinigay niya.

Marahas namang napalunok si Lukas nang makatulog si Alexa. Nakasandal ang ulo nito sa kanang braso niya. He adjusted his position para makatulog ito nang maayos.

Nang makarating sila sa Millen Tower, saka lang niya ginising ang katabi. Gustuhin man niyang hindi na abalahin pa ang pagtulog nito, hindi naman niya alam kung ano'ng floor at saan mismo ang unit ng dalaga.

"What floor?" tanong niya nang hindi man lang ito nag-abalang idilat ang mga mata.

"Hmm..."

"Come on, Alexa. We're already here," malumanay niyang sabi rito.

Ngunit sa halip na sumagot ay isinubsob lang nito ang mukha sa dibdib niya.

Mariing ipinikit ni Lucas ang mga mata. "Alexa..."

Wala pa ring sagot mula sa dalaga.

He sighed. "Manong, sa hotel na lang."

His family owns a luxury hotel in Almendras kaya alam na ng kaniyang driver kung saan sila dadalhin. Nang huminto ang kotse sa parking, nag-aalalang lumingon sa kaniya ang driver na si Dylan.

"Sir, sigurado ba kayong bababa kayo kasama ang..." He trailed off.

"Of course not. Baka may makakita sa akin na paparazzi sa labas. I don't wanna have an issue lalo na't kauupo ko pa lang as the city mayor. Dalhin mo siya sa presidential suite. Susunod ako."

Magalang naman itong tumango.

"Be careful, Dylan," mariin niyang sabi nang buhatin na nito ang tulog pa ring si Alexa.

"Alright, sir. Ako na pong bahala."

Pinalipas muna niya ang ilang minuto bago nagpasyang sundan sina Dylan. Tuwing pumupunta siya sa Almendras, palaging ipinahahanda ng kaniyang ina ang presidential suite para makapagpahinga pa rin siya. Habang nasa elevator ay tinawagan niya ang kapatid na si Erin para ipaalam na dumiretso na muna siya sa hotel.

"I'm sorry, baby. I'm not feeling well right now. Babawi na lang ako sa 'yo, alright? Enjoy the party. Kuya loves you so much."

Marahas siyang napabuntong-hininga matapos magsinungaling sa kapatid. Erin could manage her own party. At si Alexa... mukhang hindi niya maaaring iwan sa ganoong estado nito.

Naabutan niya ang driver na si Dylan na nakatayo sa labas ng kwartong pinagdalhan kay Alexa. Tinanguhan na lang niya ito para bumalik na sa kotse.

"You can rest for a while. Babyahe rin tayo mamaya."

Nilapitan niya ang dalagang payapa nang natutulog sa malaking kama. Hinila niya ang kumot para takpan ang katawan nito.

Umupo siya sa gilid ng kama at pinagmasdan ang maamo nitong mukha. Kaagad siyang napatayo nang kumilos ang dalaga para tumagilid ng pagkakahiga. Dumako ang tingin niya sa purse nitong nahulog sa sahig at sa mga gamit nitong sumabog na roon. Nakabukas na pala iyon.

Yumuko siya para isa-isang pulutin ang mga gamit ni Alexa. Ngunit nang dadamputin na niya ang driver's license nito, bigla siyang natigilan. His hand frooze when he read the name written on the card.

Fedelin, Maxine Alexandria Lopez

"F-ck." Nakaawang ang bibig na sinulyapan niya ang dalaga. "Siya si Maxine?"

FRIENDS WITH BENEFITSWhere stories live. Discover now