CHAPTER 16: I'M JEALOUS

3.1K 52 13
                                    

MALAWAK ang ngiti ni Lucas nang bumaba mula sa bullet-proof nitong sasakyan na minamaneho ni Mang Joe. Sinulyapan niya si Noah na nasa loob pa ng kotse.

"Come on, baby," nakangiti niyang sabi sa anak. Bumaba ito sa upuan at saka nagpabuhat sa kaniya.

"Everyone, this is my son-Noah," pakilala niya sa mga empleyado.

Iyon ang unang beses na isinama niya si Noah sa munisipyo. A couple years ago, mas pinili nilang gawing pribado ang tungkol sa anak upang maiwasan ang kung anu-anong issue na maaaring makaapekto kay Noah. Ayaw din niya na gamitin pa ito bilang kasiraan sa kaniya lalo na't bago pa sila ikasal ni Maxine ay nagkaroon na sila ng relasyon ni Nympha. Maaaring palabasin ng mga tao na nag-cheat siya noon kay Nympha kahit na ang totoo'y hindi pa niya noon nakikilala ang dalagang guro.

May nakausap na siya mula sa press. Ngayong araw lalabas ang kaniyang statement tungkol kay Noah. He told the truth. Wala naman siyang dapat na ikahiya roon. He was young back then, and he wasn't a politician yet at the time it happened.

"Good morning, Mayor!"

Nakipag-fist bump siya sa mga empleyadong bumabati sa kaniya habang kalong sa kaliwang braso ang apat na taong si Noah.

"Good morning, people!" magiliw namang bati ni Noah sa mga ito.

He softly laughed. "Ohh, the future mayor of Castillejos City!"

Noah pouted his lips. Kuhang-kuha nito kung paano niya ginagawa iyon.

"What does it mean, Daddy?"

He tap his head and smiled. "Nevermind that, son. I was just kidding. Whatever you want to be in the future, your mom and I will always support you."

Wari'y nauunawaan ang sinabi ng ama na ngumiti ang batang si Noah.

Maya-maya ay nagpababa ito sa kaniya nang may makitang batang babae na naglalakad kasama ng isang may edad nang lalaki. Hinayaan ni Lucas na lapitan ito ng anak. Mas gusto kasi niya na marunong itong makipag-socialize at hindi kagaya ng ibang bata na maselan at takot sa ibang tao.

Napaawang ang mga labi niya nang walang anu-ano'y pinindot ni Noah ang ilong ng batang babae. Lumingon sa kaniya ang anak.

"Why is her nose like that?" Pinindot ni Noah ang sariling ilong. "I can't squish mine."

"Hey, what are you doing?" nangingiting tanong ni Lucas sa anak.

Inosente namang nag-angat ng tingin si Noah, at saka ipinaliwanag ang napansin sa ilong ng batang babae na bahagyang may pagkapango.

"Your nose is pointed, and hers isn't, but there's nothing wrong with that, anak. That's normal."

Tumango-tango lang naman si Noah. Ngumiti ito sa batang babae at sa isa pang kasama nito na kadarating lang.

"What's your name?" Sa halip ay tanong ni Noah sa isa pang batang babae.

Bahagyang natawa si Lucas nang umirap ito sa anak. Unlike the younger girl, matangos ang ilong nito. Maputi rin ito at mukhang may foreign blood. Probably, arab.

"France," tipid nitong sagot, at saka hinila na ang kasama papalayo kay Noah dahil ang inang kasama ng mga ito'y nakapila na sa treasurer's office.

"Let's go?" aya niya kay Noah. Tulad kanina'y ipinakilala rin niya ang anak sa mga empleyado sa labas ng kaniyang opisina. Ang iba sa mga ito'y hindi na nagulat pa dahil nauna nang makilala ng mga ito si Noah sa pamamagitan ng mga kuwento niya tungkol sa anak. He's a proud father. Hinintay lang talaga niya ang tamang pagkakataon para maipakilala si Noah personally sa mga empleyado.

FRIENDS WITH BENEFITSWhere stories live. Discover now