CHAPTER 25: I OWN THIS

2.4K 43 8
                                    

NAPAHINTO sa pag-uusap ang mga empleyadong nakakalat sa city hall nang makitang walang kangiti-ngiting pumasok doon si Lucas.

“Good morning, Mayor,” bati ng mga ito na simple lang niyang tinanguhan. Taliwas sa ginagawa niya noong pakikipagbiruan dito.

Mas lalong nangunot ang kaniyang noo nang makita ang mahabang pila sa isang department.

“Bakit maraming tao?” tanong niya sa sekretaryang agad na nakasunod sa kaniya.

“Ah, Mayor, ngayon po kasi ang bigayan ng 1000 pesos na assistance para sa mga estudyante sa Castillejos City College.”

“Masyadong siksikan. Baka mamaya may mag-collapse na student d’yan. Tell them to provide extra fan, and provide them bottled water and biscuits while they wait.”

Nagulat naman ang dalawang babaeng nakatoka sa pamimigay nga assistance sa biglaan niyang paglapit doon.

“Nasaan ang ibang staff na naka-assign dito? These students still have classes. Double time, everyone! Ano’ng oras na, hindi pa umuusad ang pila.”

Napalunok naman ang empleyadong naroon na panay pa ang pakikipagkuwentuhan sa kasama.

Narinig na lamang niya ang nahihiyang pasasalamat ng mga estudyante roon.

Sa maikling panahon na naging mayor siya roon, tinupad niya ang pangako na gagamitin ang posisyon niya para mas madaling makatulong sa ibang tao. Kung tutuusin ay barya lamang ang sweldo niya roon kumpara sa kinikita ng mga negosyo nila sa Almendras at sa Castillejos City. Isa pa’y mas madali na rin para sa kaniya ang makakuha ng sponsors para sa mga proyekto niya sa lungsod. Patapos na ang ipinagagawa niyang bagong ospital. Mas malaki, at mas maganda ang serbisyong maibibigay sa mga tao dahil hindi na kakailanganin ng mga ito na pumunta sa ibang lugar lalo na’t kompleto ang doktor sa bagong ospital na proyekto niya.

Nasa kalagitnaan ng pakikipag-meeting si Lucas nang lumapit sa kaniya ang sekretarya.

“Mayor, nasa labas po si Ma’am Maxine,” bulong nito sa kaniya.

Napatuwid siya ng upo at tumikhim bago magsalita.

“Let her in.”

Gulat itong napatingin sa kaniya. Nasanay na kasi ito na hindi nagpapapasok doon ng kahit sinong bisita maging family member pa niya.

“Mayor?” anang sekretarya niya, sa pag-aakalang nagkamali lang siya ng sinabi.

Mariin niyang pinaglapat ang mga labi. “You heard me right. Let my wife in.”

Napalunok naman ito sa paghina ng boses niya at agad na tumalima pabalik sa labas.

Ilang sandali lang ang lumipas at pumasok na nga roon si Maxine. Agad naman siyang humingi ng paumanhin sa mga kausap na LGU officers.

“Gentlemen, I think you already knew my wife. She’s joining us here.”

Bahagyang nangunot ang kaniyang noo nang agad na umiling si Maxine na wari’y nag-aalangang makisali roon.

Nakagat nito ang labi nang bigla siyang tumayo. He slowly brushed his hand on his wife’s arm, then entwined their fingers.

Mabilis na lumipat ng upuan ang isang kapitan ng barangay na nakaupo, malapit sa kaniya. Kumuha ito ng monoblock na isiningit na lamang sa kabilang panig ng mahabang mesa.

Maxine gave the captain an apologetic smile.

The meeting went on. Tahimik lang namang nakikinig doon si Maxine. Paminsan-minsan ay hinihingi rin ng mga ka-meeting niya ang opinyon nito. He couldn’t help but smile everytime Maxine shares her brilliant and honest thoughts.

FRIENDS WITH BENEFITSWhere stories live. Discover now