CHAPTER 11: ERIN'S REVELATION

3K 56 2
                                    

INASIKASO ni Maxine ang paglabas ni Noah sa ospital. Ayaw niya na kasanayan nito ang environment doon kaya mas pinili niyang sa bahay na lang ito magpagaling. Pwede naman siyang kumuha na lang ng doctor para kay Noah. Humingi na rin ng tawad ang pet owner dahil sa nangyari kay Noah at nakiusap na huwag na lang itong ireklamo. Mabuti na lang at maayos na ang lagay ng anak niya dahil kung hindi, hindi rin siya papayag na walang mananagot. Hindi na rin niya ipinasalo rito ang gastusin dahil kaya naman niyang bayaran ang hospital bills ni Noah. Isa pa’y stockholder din siya sa malaking ospital na iyon.

Binuhat niya si Noah palabas ng silid. Hindi na niya inalintana kung nakasuot man siya ng heels sa pagpunta roon. Hinagod niya ang likod ng anak at masuyo itong hinalikan sa pisngi.

“Ma’am, ‘wag n’yo po sanang mamasamain pero hindi po ba ninyo sasabihin sa daddy ni Noah ang nangyari?” tanong ni Dahlia na agad nag-iwas ng tingin matapos niya itong sagutin ng matalim na tingin.

“No more questions, Dahlia,” mariin niyang sabi rito.

“Sorry po, ma’am.”

Nasa exit na sila ng Almendras City Doctors Hospital nang makasalubong ni Maxine si Erin—ang bunsong kapatid ni Lucas.

Nanlaki ang mga mata niya at biglang namutla. Gustuhin man niyang umiwas sa kaibigan ay huli na ang lahat.

“Max! Hey, kumusta?” nakangiti nitong bati sa kaniya, ngunit ang mga mata nito ay agad na napako sa batang karga niya.

Sunod-sunod siyang napalunok nang makitang natigilan ang dalaga. Ilang beses itong napakurap-kurap habang nakatingin kay Noah.

“Is he your son?”

Nakagat niya ang ibabang labi. Hindi na siya maaari pang magsinungaling. She had seen younger photos of Lucas, at natitiyak niyang napansin din ni Erin ang resemblance ng dalawa.

Natutop nito ang bibig nang tumango siya.

“Oh my gosh. He’s your husband. Why don’t you tell him about this? I mean, he deserves to know the truth,” ani Erin na hindi pa rin makapaniwala sa nalaman. Sumama pa ito sa kaniya sa pag-uwi para makita na rin ang tinitirahan nilang condo.

Maliit lang ‘yon at hindi ganoon kagara pero komportable naman sila ni Noah.

“Alam ko naman ‘yon, pero hindi pa ako handang sabihin sa kaniya. I don’t even know kung anong magiging reaction niya.”

“He will definitely accept Noah. He loves kids, Max! Isa pa, it would be better na may kalalakihang ama si Noah. Anong plano mo? Saka na lang sabihin sa kaniya ang totoo kapag malaki na siya? It would just be more complicated. Believe me, Max.”

Napayuko siya. Nagtatalo pa rin ang isip sa gagawin.

“I don’t know, Erin. Just... just give me time, okay? Basta, ako nang magsasabi sa kaniya. Please? Let me do this,” aniya at ginagap ang mga palad ng kaibigan.

Ngunit bakas pa rin sa mukha nito ang pag-aalangan.

“Please, Erin?”

Erin sighed. “Fine. Pero ‘wag mo na ‘tong patagalin, okay? Kasi mapipilitan talaga ako na sabihin kay Kuya Luke ang totoo.”

Tumango-tango siya. “I promise. I just need some time to do this.”

Nakangiting tumango si Erin. Marahan nitong hinagod ang likod niya nang yakapin siya ng dalaga.

“I thought you hate kids? Na-mention mo sa ‘kin ‘yon dati na ayaw mo pang magkaanak.”

Napayuko siya. “It’s because, madi-disappoint ko si Dad. And yes, I hated kids. Not until I realized na hindi ko pala kayang pabayaan na lang si Noah. When he got sick, I worried a lot. Siguro noon, hate ko pa ang mga bata. Pero ngayon, I think, nagbabago na ‘yon because of Noah. Hindi ko rin naman ine-expect noon na mabubuntis ako. I had regrets na bakit hindi ko naisip na magpa-depo shot noon? Late ko na ginawa kung kailang may nangyari na.”

“But I admire you for being a strong mother for Noah. Ang hirap itago nito, knowing na isa pang general ang daddy mo—” Naputol ang pagsasalita ni Erin nang tumunog ang phone nito.

It’s Erin’s cousin from Castillejos, Nadia. “Excuse me, sasagutin ko lang.”

“Couz?” she answered.

“Girl, have you heard the news?” anito mula sa kabilang linya.

“What news? Alam mo namang hindi ako mahilig manood ng balita,” walang ganang sagot ng dalaga.

“That’s why I called. Si Ate Nympha, she’s alive! Natagpuan siya sa kampo ng sindikatong nang-ambush noon sa kanila. She wasn’t in the car when it exploded. Nakuha raw siya ng mga bad guys na ‘yon. And you know what, I saw her personally. She looked so sick. And based on the test, it said that… she was r-ped.”

Nanlaki ang mga maya ni Erin sa narinig. Nabitiwan nito ang phone at saka lumingon kay Maxine na nagtataka rin sa naging reaction ng dalaga.

“Erin, what happened?”

“C-Can I have some water, please,” nanginginig na sabi ni Erin.

Agad namang nag-utos si Maxine kay Dahlia. Pagkatapos uminom ng tubig, bakas ang magkahalong emosyon sa mukha ni Erin nang humarap sa kaniya.

“Max, I have something to tell you.”

Hindi maunawaan ni Maxine kung bakit bigla siyang kinabahan kay Erin.

“Si Ate Nympha. She’s alive.”

PAULIT-ULIT na naglaro sa isipan ni Maxine ang nalaman niya mula kay Erin. Kung buhay si Nympha, tiyak na kasama na nito si Lucas.

Alam na niya ngayon kung bakit ilang araw itong hindi umuwi. Nanikip ang dibdib niya at nangilid ang mga luha. Hindi naman sa hindi siya masayang buhay pa si Nympha. Buhay ang pinag-uusapan doon. She couldn’t wish someone to die. Lalo na si Nympha na isa namang mabuting tao.

Kagat-labi niyang hinaplos ang pisngi ni Noah. “Paano ko pa sasabihin sa kaniya na anak ka niya?”

The love of his life is back. At hindi niya alam kung may lugar ba siya sa puso ni Lucas gayung kaibigan pa rin ang turing nito sa kaniya. 

Matapos masigurong maayos na ang kalagayan ni Noah, nagpasya na ring bumalik sa Castillejos si Maxine. Pagdating niya sa mansion, naabutan niya si Lucas na naghihintay sa sala.

Napalunok siya nang matalim itong tumingin sa kaniya.

“Where have you been?”

Walang gana siyang lumapit dito at marahang humalik sa pisngi.

“May inasikaso lang sa Almendras. Nagkaroon lang ng konting problem sa business ko roon,” pagdadahilan niya.

Narinig niya ang mabigat nitong buntonghininga. Halata sa mukha nito ang pagod at puyat. Marahil ay dahil sa pagbabantay kay Nympha.

“You could have called me para nasundo kita. You didn’t have to travel alone,” anito sa nag-aalalang tono.

Dumaan ang sakit sa puso niya. Bakit kailangan pa nitong magpanggap na nag-aalala sa kaniya?

Mapait siyang ngumiti. “I’m fine. Kaya ko naman ang sarili ko. Ikaw, you look so tired. Hindi ka ba nakakatulog these past few nights?”

Umiling ito at namulsa habang nakatingin pa rin sa kaniya, wari’y sinusuri ang magiging reaction niya.

“May sinabi ba sa ‘yo ang daddy mo?”

Umiling siya kahit alam na niya kung saan patungo ang tanong na ‘yon.

“I have something to tell—”

“Alam ko na, Luke. Nasabi na sa akin ni Erin. Kung hinintay mo ‘kong dumating para magpaliwanag sa ilang araw mong pagkawala, then you don’t have to worry dahil ayos lang sa ‘kin ‘yon. She needs you.”

She faked a smile. “Good to know she’s alive. Take care of her. Magpapahinga na muna ako.”

Hindi na niya hinintay pang sumagot si Lucas. Mabibigat ang mga hakbang na tinungo niya ang hagdanan. Yumuko siya para itago ang namumuo niyang mga luha.

 

FRIENDS WITH BENEFITSOn viuen les histories. Descobreix ara