CHAPTER 4: THE NEWLY WED

4.3K 55 3
                                    

UMUPO si Lucas sa tabi ni Maxine nang makarating sila sa dinning area. Kani-kaniya naman ng usapan ang mga matatandang kasama nila. Samantalang silang dalawa ni Lucas ay nanatiling tahimik at walang imikan.

Pinipigilan ni Maxine ang sarili na magsalita dahil baka madulas pa siya sa harapan ng kaniyang ama na hindi iyon ang unang beses na nagkakilala sila ni Lucas na noong isang linggo lang ay Luke ang pagkakakilala niya.

"Oh, kayong dalawa, bakit hindi kayo nagpapansinan? Naku, e pasasaan ba't magkakasama na rin kayong matulog sa iisang kuwarto," pilyong sabi ni Don Matteo, ang ama ni Lucas.

She faked a soft laugh to hide her embarassment. Isa pa ang bagay na 'yon. Nauna pang may mangyari sa kanila bago sila ikasal.

Lucas cleared his throat before he spoke. "Dad, masyado pang maaga para d'yan."

Ngunit tumawa lang ang matanda sa sinabi ng anak.

"Naku, anong maaga pa e nasa tamang edad na kayong dalawa? Siguro naman, e, handa na ring magkaanak itong si Maxine. Hindi ba, hija?" baling nito sa kaniya.

Muntik na niyang maibuga ang nginunguyang pagkain. Dali-dali siyang uminom ng tubig at alanganing ngumiti sa Don.

She hates kids. At wala talaga sa plano niya ang magkaroon ng anak. Nagpapa-depo shot pa nga siya kahit hindi naman siya sumasama sa kung sinu-sinong lalaki. Just in case lang na maulit ang nangyari sa kaniya noon-with Lucas.

Tila nabunutan ng tinik si Maxine nang matapos ang dinner na iyon. Nang makahanap ng pagkakataon ay pasimple niyang hinila si Lucas palabas ng mansion. Dumiretso siya sa hardin, malayo sa kinaroroonan ng matatanda.

"So, alam mo na pala? Bakit 'di mo man lang sinabi sa 'kin?" bungad agad niya sa lalaki.

Lucas crossed his arms, staring at the night sky. "I didn't know how to tell you that. Late ko na rin naman nalaman. Your purse. Nahulog ang mga gamit mo, then I accidentally saw your driver's license. That's it."

Bigla siyang natahimik sa sinabi nito. She was somehow relieved na hindi naman pala siya sa ibang tao maipapakasal. Kahit hindi pa niya gaanong kilala si Lucas, sa tingin naman niya ay mabuting tao ang lalaki.

"So payag ka talaga na ikasal sa 'kin? Oy, 'wag kang umasa, ha. 'Di kita type. What happened between us, a couple years ago, pareho lang tayong nadala ng init ng katawan. 'Yon lang 'yon," aniya na inunahan agad ang lalaki.

Nagsalubong ang kilay nito sa sinabi niya. "Look, I don't like you either. Pero tradisyon na ng family namin ang fixed marriage. Kung ako lang naman ang masusunod, hindi kita pipiliting pakasalan ako."

Nagkibit-balikat siya. "But we have no choice. Ikakasal pa rin tayo kahit anong mangyari o kahit ano pang sabihin natin. Paano naman magwo-work 'yon?"

"We'll try," tipid nitong sagot.

"Kung 'di naman natin gusto ang isa't isa, then let's just try to be friends habang kasal tayo. Malay mo, mahulog ka rin sa 'kin," biro niya sa binata.

Ngunit mukhang hindi nito iyon nagustuhan. Namulsa ito at naglakad-lakad sa gilid ng pool. Siya naman ay umupo sa gilid ng rattan table na nakalagay doon.

"What's bothering you? Sabihin mo na sa 'kin para magkasundo na tayo. Nag-decide na sila for us. Ngayon, tayo na ang magpaplano kung paano natin paninindigan 'yon."

Lucas massaged the bridge of his nose. Still bothered with something.

"Look... I-I have needs, Lex," he said in a hoarse voice. "And we're going to live under the same roof."

Nakagat ni Maxine ang pang-ibabang labi. Bakit nga ba hindi niya naisip 'yon?

"You can cheat on me while we're married. Bring women to your-"

FRIENDS WITH BENEFITSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon