CHAPTER 12: BIRTHDAY SURPRISE

2.9K 59 7
                                    

MARIING ipinikit ni Maxine ang kaniyang mga mata nang maramdamang pumasok na si Lucas sa kanilang silid. She heard his footsteps coming towards the bed.

“Lex, are you still awake?” anito sa malambing nitong boses.

Naramdaman niya ang kamay nitong marahang humaplos sa braso niyang hindi gaanong natabunan ng comforter. Nakatagilid siya ng higa at nakaharap sa kabilang panig ng kama kaya hindi nito makikita ang kaniyang mukha.

Bumigat lalo ang kaniyang dibdib at hindi na napigilan ang paglandas ng mga luha. Kinagat niya ang labi para pigilan ang pagyanig ng balikat niya habang tahimik na humihikbi.

“I know you’re still awake. I’m sorry. I just have to visit her. Hindi pa niya alam na… na kasal na tayong dalawa. Sinamahan ko muna siya hanggang sa maka-recover siya sa trauma. I’m really sorry.”

Kumilos ito sa kama.

He crawled up to the bed. Naramdaman na lang niya ang mainit nitong hininga sa may punong tainga niya. “Hey...”

Itinukod nito ang siko sa unan para silipin ang mukha niya ngunit mas lalo pa niya itong ibinaon sa unan. “I said it’s fine. Pagod lang ako, Luke.”

Laking pasasalamat niya nang hindi siya napasinghot habang nagsasalita.

She stiffened when he wrapped his arms around her waist. Ibinaon nito ang mukha sa pagitan ng leeg at balikat niya. Nanatili silang ganoon sa loob ng ilang sandali. Walang nagsalita, walang gumalaw. Tanging isipan lang nila ang nag-uusap.

Unti-unti na ring kumalma ang puso ni Maxine. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya sa yakap na iyon ni Lucas.

“How is she?”

She heard him sighed. “Can we not talk about her, please?” anito sa mas malambing pang boses.

Napalunok siya bago sumagot. “O-Okay.”

She felt his lips touched her bare shoulder. “Rest, baby.”

Her heart suddenly hammered in her chest.

Hindi na namalayan ni Maxine na nakatulog na sila ni Lucas sa ganoong posisyon.

NAGISING si Maxine nang tumama ang sikat ng araw sa kaniyang mukha. Napakurap-kurap siya at nakiramdam bago kumilos. She was expecting na wala na roon si Lucas paggising niya pero nagulat siya nang maramdaman ang mabigat na nakapatong sa kaniyang hita. Then she found his hand inside her top, touching her left breast. Napamura siya sa isip niya.

“Wala ba siyang pasok?” Sa isip-isip niya. 

Dahan-dahan niyang hinila ang braso nito at saka marahang inangat. Ganoon din ang ginawa niya sa hita nito para makawala siya mula sa pagkakayakap nito. Gustuhin man niyang manatili roon ay may kailangan pa siyang gawin. Pumasok siya sa banyo at agad na nag-asikaso. She was already drying her face with her clean towel when she felt someone hugged her from behind.

“Good morning,” bati ni Lucas sa napapaos nitong boses.

“You left me.” Hindi niya alam kung himig ba ng pagtatampo iyon.

She cleared her throat. “It’s already late, Lucas. Hindi ka ba papasok ngayon?”

Mabigat itong bumuntonghininga. “Do you want me to work today?”

Maang niya itong tinitigan sa salamin. “Why are you asking me? You’re a public servant. Alam mo naman dapat ang gagawin,” masungit niyang sagot dito.

Tamad itong sumandal sa sink. “I don’t feel like working today, but yeah. You’re right.”

Iniwan na niya ito sa loob ng banyo para magpahanda ng breakfast.

FRIENDS WITH BENEFITSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon