CHAPTER 8: NOT YOUR RESPONSIBILITY

3.2K 57 8
                                    

SABAY na napalingon sina Maxine at Elizabeth nang bumukas ang maindoor. Walang kangiti-ngiti itong lumapit sa ina para humalik sa pisngi nito, at pagkuwa’y dire-diretso nang pumanhik sa hagdan.

Nagkatinginan ang dalawa.

“What happened? Nag-away ba kayo?”

Mabilis siyang umiling. Nagulat nga rin siya sa inasal ni Lucas.

“S-Susundan ko na lang po.”

Bagama’t kabado ay lakas-loob pa rin niyang sinundan ang lalaki. Medyo masama pa ang loob niya sa nangyari kanina pero wala namang ibang pwedeng sisihin doon kundi siya.

“Was it that hard for you to call me?” malamig na bungad sa kaniya ni Lucas pagpasok niya sa kanilang silid.

Kunot-noo siyang sumandal sa kasasaradong pinto.

“What’s your problem?” patay-malisya niyang tanong.

“You came to my office before lunch. Do you really think, Chin wouldn’t tell me that?” anito na halos magsalubong pa rin ang kilay.

“I’m sorry. I thought okay lang na—”

“That’s not my point, Maxine! If you came there to bring my lunch, you could have called me. Hindi ‘yong basta mo na lang ipinamigay ‘yong—”

She faked a laugh. “Is that it? ‘Yon lang ikinakagalit mo? Come on, Luke. Makain mo man ‘yon o hindi, ipamigay ko man o hindi, that’s not a big deal. Your mom told me to cook lunch for you. And as your friend, nagmagandang loob na akong hatiran ka kahit hindi naman kailangan. Sigurado rin naman ako na hindi mo ‘yon magugustuhan kung ako ang magbibigay. Unless it’s Nympha—”

“Huwag mong idamay ang pangalan niya rito. She’s already dead, for Pete’s sake, Maxine!”

Napipilan siya sa pagtataas nito ng boses.

“Fine. I’m sorry. Huwag na lang nating palakihin pa ‘to.” Nanghihina siyang umupo sa dulo ng kama. Then she looked down, trying to avoid his gaze.

“I’m sorry. I just want to—”

Tumayo siya at inilang hakbang lang ang pagitan nilang dalawa. She felt him froze when she brushed her lips against him. It was quick. Then she stepped back right away.

“I think, I found a new way to shut you up.” Nagkibit-balikat siya at umaktong parang walang nangyari.

“I know where I stand. Malinaw sa akin ‘yon. I promise, hindi ko na babanggitin ang pangalan niya. We’re still friends naman, right?”

Tiim-bagang itong tumitig sa kaniya.

Her heart hammered in her chest. Oo lang naman ang isasagot nito pero bakit parang hirap na hirap pa itong sabihin ‘yon?

“Don’t tell me nafa-fall ka na sa ‘kin?” she teased him.

“What if I am?” walang kangiti-ngiti nitong sabi.

Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib niya. Bigla siyang napipilan sa naging sagot nito. Is he freaking serious?

Then realization hits her. Paano ito mahuhulog sa kaniya? When obviously, he’s still not over with Nympha. Kahit na wala na ang dalawa. Tila mahirap yatang paniwalaan kung magkakagusto ito sa isang kagaya niya na exact opposite ni Nympha.

She laughed to hide her disappointment. “You’re kidding, right? That could never happen. Maghihiwalay rin naman tayo after your term. After that, pwede ka nang magka-girlfriend.”

Ngunit sa halip na sumagot ay matalim siya nitong tinitigan. Tila hindi makapaniwala sa mga sinabi niya. He raked his hair with his fingers.

“Sa labas muna ako,” pagkuwa’y paalam nito sa mababang boses.

FRIENDS WITH BENEFITSWhere stories live. Discover now