CHAPTER 13: LATE BIRTHDAY SURPRISE

2.9K 66 9
                                    

PINAGSALIKOP ni Lucas ang kamay nilang dalawa nang maglakad pabalik sa party.

“Wait,” pigil niya rito.

“Hmm? Ayaw mo na bang bumalik do’n?” malambing nitong tanong.

Mabilis naman siyang umiling. “No, no, no. Uhm, ‘yong gift ko kasi para sa ‘yo... nasa kotse.”

Ngumiti si Lucas at marahang pinisil ang kamay niya. “It’s okay. Mamaya mo na lang ibigay sa bahay,” anito at makahulugang tumingin sa kaniya.

Natatawa niya itong inirapan. “Fine. Mamaya na lang.”

Pagbalik nila sa party, napansin kaagad ni Maxine ang pangingilag ni Nympha sa kaniya. Bumaba ang tingin ng dalaga sa magkasalikop nilang kamay. Kitang-kita niya ang sakit na dumaan sa mata nito ngunit agad ding ibinaling ang tingin sa mga bisita.

The whole time na naroon siya, hindi ito lumapit kay Lucas.

“Hey, you okay here?” untag sa kaniya ni Lucas nang mapansing halos hindi niya magalaw ang kinakain niya. Katatapos lang nitong makipag-usap sa dumating na bisita para mag-abot ng regalo.

“Yeah. Busog lang talaga ako kaya hindi rin makakain masyado. Ikaw? Gusto mo bang kuhaan kita?”

Marahan itong umiling. “I’m fine. Kukuha na lang ako mamaya. May kakausapin lang ako.”

Tumango-tango naman siya rito. It’s his birthday at normal lang na may dumarating na bisita roon. Nang iwan siya ni Lucas doon, hindi niya inaasahan kung sino ang lalapit sa kaniya sa mesa.

“H-Hi,” mahinhing bati ni Nympha at alanganing ngumiti sa kaniya.

Hindi siya ngumiti. She just couldn’t fake it.

“Pwede ba kitang makausap?”

Dinala siya ni Nympha sa hardin, sa labas ng city hall at malayo sa mga bisitang makakarinig sa kanila. Humalukipkip si Maxine at saka tumitig sa fountain na naroon.

“What do you want?” diretsa niyang tanong sa dalaga. Alam niyang hindi rin naman maganda ang pinagdaanan nito at hindi nito kasalanang inakala ng mga tao na namatay sa ambush. Pero hindi niya kayang magpanggap na gusto niya ang pagiging malapit nito kay Lucas.

“Gusto ko lang sanang mag-sorry. Mukhang na-offend yata kita sa in-organize kong party para kay Lucas. Akala ko kasi... may plano na rin kayong dalawa.”

Napalunok siya at mariing kinagat ang labi. She didn’t know how to react. Kaya hinayaan na lang niya itong magpatuloy sa pagsasalita.

“Maxine, may gusto sana akong hilingin sa ‘yo.”

Nagtagis ang bagang ni Maxine. She didn’t want to hear it. Mukhang alam na niya kung ano ‘yon, pero hinayaan muna niya itong magsalita.

“H-Hindi ko kayo balak na sirain. H-Hindi ako manggugulo,” hirap nitong sabi.

“Pwede ko bang hingin ang araw na ‘to para makasama si Lucas?”

Matalim ang tingin na nilingon niya ang dalaga. “Are you insane?! I am his wife now. Your relationship with him is over, kaya huwag kang aakto sa akin na parang kayo pa.”

Mabilis itong umiling. “N-No, no, no. Hindi gano’n. G-Gusto ko lang na magkaroon kami ng closure. Please, Maxine? Babae ka rin. Alam kong maiintindihan mo ‘yong sakit na nararamdaman ko ngayon. Hindi ko naman gustong manggulo, e. Ayaw kong masira kayo dahil sa ‘kin at ayoko nang patagalin pa ‘yong nararamdaman kong sakit. Closure na lang, Maxine. Kahit ‘yon na lang, please?”

Bumuhos ang luha ni Nympha.

May kung anong kumurot sa puso ni Maxine nang mapagmasdan ang kausap. It’s his special day. At balak pa niyang bumawi kay Lucas.

FRIENDS WITH BENEFITSWhere stories live. Discover now