ELEVEN

422 20 0
                                    

Wow...

Nairam really tried her best to hide her gasps and amusement. Kung ano ang ikinaganda ng cruise ship na iyon sa labas ay mas triple pa ang ganda ng loob niyon. The place is huge, beautiful, and familiar... kahit hindi pa naman siya nakapapasok sa isang cruise ship, sa buong buhay niya.

Ilang palapag na ang kanilang nadaanan magmula nang makapasok sila. At sa katanuyan ay wala siyang ideya kung saan sila pupunta. Basta’t nakasunod lamang siya sa mga ito. Kumpleto ang cruise ship sa mga facilities, at marami ring tao ang nagpapatakbo ng iba't ibang pasilidad sa loob niyon.

Elegante ang mga muwebles, at maliwanag at malalaki ang mga chandelier sa loob ng Vasilios. Halatang mga may kaya lamang sa buhay ang kayang maka-afford doon. Gusto sana niyang malaman kung paano napasok sa ganoong negosyo si Mirkov. Gusto niya itong kausapin at makipagkuwentuhan dito.

Ngunit hayun ang binata, nagpapatiuna sa paglalakad at kanina pa siya hindi pinapansin. Kapit na muli nito sa magkabilang kamay sina Jessa at Bea. Pakiramdam niya tuloy magmula pa kanina ay para siyang isang hangin na hindi nito nakikita. At hindi maikakaila ang kirot sa kaniyang puso dahil doon. Ngunit nanatili lamang tikom ang kaniyang labi.

Si Carlos ang kasabay niyang naglalakad ngayon ngunit abala pa rin ang binata sa pagkalikot sa cellphone nito. Si Creig kasi ay nagpaiwan na nang madaanan nila ang restaurant. Napag-alaman niyang chef pala ang binata at ayon dito ay marami na itong naipatayong restaurants at resto-bar sa Pilipinas. At nais daw nito silang ipagluto. 'I want to show off a little' iyon ang eksaktong mga salita ni Creig sa kaniya kanina bago nagpa-iwan sa restaurant ng Vasilios.

Samantala sina Treb at Rameses naman ay pinaandar na pauwi sa mainland ang yate ni Mirkov na ilang araw na rin nilang sinasakyan. Kaya pala pumunta roon ang dalawa ay kinontak ito ni Mirkov at pakiusapan na ibalik na sa Pilipinas ang yate nito. Mukhang ang Vasilios na ang gagamitin nila sa paglalayag sa dagat magmula ngayon.

Hindi maialis ni Nairam ang tingin sa likod ni Mirkov. She somehow felt hollow inside. Oo nga at malawak ang Vasilios. Ngunit malawak din ang distansiya niya sa binata.

Pakiramdam niya ay hindi siya parte ng lugar na iyon. She bit her lower lip. Ramdam na ramdam niya ang lawak ng distansiya nila ng binata. Lalo pa ngayong hindi niya maintindihan kung bakit nagagalit ito sa kaniya. Pakiramdam niya ay ang tanga-tanga niya at hindi niya maintindihan ang mga sinabi nito sa kaniya kanina. Para tuloy may bikig sa kaniyang lalamunan na nagpapahirap sa kaniya paghinga. Napabuntong-hininga na lamang siya upang subukang alisin iyon. She might cry anytime.

Narinig rin niya ang pagbuntong-hininga ni Carlos. Kaya naman dito na lamang niya ibinaling ang atensiyon upang pigilan ang sariling nararamdaman. Nang masilip niya ang cellphone nito ay calculator ang app na naka-flash sa screen niyon. May mga numero na rin na naka-input doon. Kumunot ang noo niya nang makitang abalang-abala ito sa pagko-compute ng kung ano.

"Para saan iyan, Carlos?" Hindi niya napigilan ang sarili na tanungin ito. Punung-puno ng kuryosidad niya itong tiningnan.

"Ito ang kikitain ko sa siomai business ko ngayong buwan," malaki ang ngiti na ibinigay nito sa kaniya bago itinutok na muli ang mga mata sa screen ng sariling cellphone. Bakit pakiramdam niya ay hindi ito nagsasabi ng totoo? Gusto sana niyang ngumiti pabalik dito, ngunit may kakaiba sa ngiting ibinigay nito sa kaniyang kani-kanina lamang. Oo nga at iilang beses pa lamang niyang nakakasama si Carlos, ngunit alam niyang hindi ganoon ang aura na inilalabas ng normal na ngiti nito. His smiled just a second ago... it was a different smile. Something was off about his smile. Sa hindi niya malamang kadahilanan ay tila nanlamig siya sa ngiti na iyon.

ERASTHAI SERIES BOOK 4: Marrying Mr. Greek Scoundrel (COMPLETED)Where stories live. Discover now