FIFTY ONE

349 13 0
                                    


9:00 o'clock p.m.

2.5 hours after Mirkov discovered Nairam's disappearance.

Nairam groaned. Agad niyang naramdaman ang pananakit ng batok nang magsimulang magkamalay. Unti-unti niyang iminulat ang mga mata, napakurap-kurap, at muling ipinikit iyon. Her vision is dark and blurry.

At nang muli niyang ibinukas iyon ay mas malinaw na niyang nakikita ang paligid. Maliwanag na maliwanag ang buwan, at kitang-kita niya ang matataas na damo sa paligid pati na rin ang mga hindi kataasang puno sa hindi kalayuan. Masukal na paligid. Maraming nagkalat at mga nakausling ugat ng mga puno. This place is oddly familiar to her. Tila ba nakarating na siya roon dati.

"Nostalgic, isn't it? Gumapang ang kilabot sa buong katawan niya nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. After all these years, nakatatak pa rin iyon sa pandinig niya. Tila nagising ang kaniyang natutulog ba diwa, at naging aktibo sa banta ng kapahamakan ang bawat himaymay ng kaniyang pagkatao.

"D-deacon..." it was almost a whisper. "Paanong..."

"How are you, Nairam? Did you miss me?"

She struggled. Mabilis ang pintig ng kaniyang puso. Gusto niyang makaalis sa lugar na iyon, ngunit ang kaniyang mga kamay at paa ay parehong nakagapos. Mahigpit ang pagkakatali ng kaniyang mga kamay sa pole ng swing, samantala ang paa niya ay nakatali sa nakausling ugat ng puno.

"Pakawalan mo ako, Deacon." Pinatatag niya ang boses, kahit ang katotohanan ay puno na siya ng takot. Ngunit tila walang pakialam ang lalaki sa sinabi niya. Parang bata pa nitong itinulak ang sarili at makailang ulit na nagduyan sa swing na nasa tabi lamang niya.

A fucking psychopath.

"Deacon? Ano ang nangyari sa 'kuya'? You used to call me that!"

"Yeah! Before you fucking sold me to Mr. Whale who made half of my life miserable!" Galit na wika niya. Unti-unti nang nangingilid ang kaniyang mga luha. Galit na galit siya sa taong ito. Gusto niyang gumanti, gusto niyang maramdaman ang sakit at hirap na inabot niya nang dahil dito.

Ngunit heto na naman sila. Siya na naman ang dehado sa harapan nito.

Isinadsad nito ang mga paa sa lupa at tumigil sa pagduyan. "Not my fault." Nagkibit-balikat ito. "I told him to take care of you." Parang wala lang na sabi nito. "But... But!" Masayang-masaya ang tono nito. "I am happy to tell you that because of you, because of that money, O was able to pay for someone who made me fake documents, buy a plane ticket, and live a happy life with my brother."

Mula doon ay nakita niya si Miego na nakasandal sa isang puno. Walang ngiti sa labi nito habang nakatingin sa kanila.

"Miego..."

Walang namutawing salita dito. Tila wala rin itong pakialam sa nangyayari. Hindi ito ang nakilala niyang Miego na magalang siyang babatiin ng 'Miss Nairam.'

"Miego---" bago pa siya makapagsumamo na tulungan siya nito; na pigilan si Deacon sa anumang balak, ay pinutol na nito ang iba pa niyang dapat sasabihin.

"I'm sorry." Iyon lamang ang sinabi bago iniiwas ang tingin.

"He won't help you." Umiiling-iling na sabi ni Deacon bago muling nagduyan. "Because he promised to be loyal to me this time, isn't it that right, Kuya?" Hindi sumagot ang lalaki sa tinatanong ng kapatid. His expression remained passive. Tila walang naririnig; tila walang nakikita. "After, he was his fault I was left out in this country, years ago. Pagkatapos niya akong iligaw na parang isang pusa."

Doon nagbago ang ekspresyon ni Miego. From passive to guilty. Guilt was written all over his face. Parang naalala nito ang ginawang pag-iwan sa nakababatang kapatid noon.

ERASTHAI SERIES BOOK 4: Marrying Mr. Greek Scoundrel (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt