THIRTY ONE

354 16 1
                                    

"Come on, omorfos. I'll show you something." Naramdaman ni Nairam ang mahigpit na paghawak ni Mirkov sa kaniyang kamay.

"Ano iyon, Mirkov?" Punung-puno ng kuryosidad niyang tanong. Ngunit hindi sumagot ang binata kaya namang sumunod na lamang siya rito. Kumunot ang noo niya nang tumigil sila sa maliit na pinto sa tabi ng pintuan ng banyo nakita niya kanina bago siya maligo. "Anong meron dito?" She asked.

"You'll see." Pinihit iyon ng binata. Bumukas ang pinto, at mas lalo pang lumalim ang gatla sa kaniyang noo nang makitang may pa-ikot na hagdan roon. Nagkatinginan sila nang binata, hindi naaalis ang ngiti sa labi nito. "Ladies first," he said. Binitawan nito ang kaniyang kamay at animo'y isang butler na iminuwestra ang mga kamay na para bang sinasabing: 'mauna na po kayo, madam.' Bahagya siyang natawa roon at napailing-iling.

"Watch your head." Yumuko siya dahil maliit lamang ang pintuan. Napatingala siya sa dulo ng spiral na hagdan pagkapasok na pagkapasok niya.

Pumasok na rin si Mirkov roon, at umangat ang tingin niya sa binata. "Go on..." he said, smiling. Humawak siya railings at nagsimulang umakyat. She gasped on her every step. Bawat pagtuntong niya sa mga baitang ay umiilaw ang mga iyon. It is seriouly fascinating. Sa bawat hakbang ay maalis ang kaniyang ngiti, at nang marating niya ang dulo ng hagdan, she was fascinated even more.

She gasped. Nasa tuktok sila ng tore. No, nasa bubong sila ng tore! Kapag nasa baba ay hindi kita na may ganoon palang lugar sa bubong ng tore. May isang malaking teleskopyo rin doon. Iyon ang unang pagkakataon na nakakita siya ng ganoon sa malapitan.

Mahigpit siyang napahawak sa railings. Malakas ang hangin sa itaas at nagkikislapan ang mga bituin sa langit. Pakiramdam niya ay napakababa ng mga iyon; abot-kamay. It is almost as if she could feel those tiny twinkling things on her hand.

Maya- maya pa ay umakyat na rin si Mirkov. May dala-dala na ang binata na isang malambot na higaan at dalawang pirasong unan. Ipinatong iyon ng binata sa naka-slant na bubong saka tumabi sa kaniya sa may ralings.

"Do you like it?" Saglit niyang idinako ang tingin sa binata at nakangiting tumango-tango.

"Sobrang ganda."

"Check this out." Hindi niya alam kung ano ang ginawa ng binata. Basta't bigla na lamang bumukas ang maliliit na ilaw sa railings. Ni hindi niya nakita na may ganoon pala roon. That made the place even more magical; like a scene came out straight from a romantic movie.

That place is literally breath-taking. Nakakalula at malakas ang hangin, but at the same time, she felt free.

Her inner peace is soaring.

Mula roon ay kitang-kita niya ang lahat. "Sa inyo rin ba ang parteng iyon?" Tanong niya.

"Yeah. It's still my parents' property."

Mas malawak pa pala ang lupaing iyon kaysa inaakala niya. Mas malaki pa ang lupain sa east side ng palasyo. Sa hindi kalayuan ay may rancho, kung saan inaalagaan ang mga kabayong pagmamay-ari ng pamilya ng binata. Hindi kalayuan sa rancho ay isang mansiyon.

"Pati ang mansyon na iyon?"

Doon napatingin ang binata sa tinuro niya. Nawala ang ngiti sa labi nito.

"No. Sa Roussos ang mansyon na iyan." Kung gayon ay pagmamay-ari pala nila Dasano ang mansyon sa hindi kalayuan. Nang tumingin ito sa kaniya ay naroon na muli ang ngiti nito ngunit hindi na tulad ng kanina. May bahid na iyon ng lungkot na pilit itinatago mula sa kaniya. "Halika," pagyaya nito sa kaniya.

Pinaupo siya nito sa malambot na latag. Pagkatapos ay may hinatak itong knob mula sa bubong, at umangat mula roon ang isang maliit na shelf ng alak at mga wine glass.

ERASTHAI SERIES BOOK 4: Marrying Mr. Greek Scoundrel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon