THIRTY FOUR

313 13 0
                                    

Mirkov! He is back. He is finally back after a long week.

Nairam's heart pounded. Ang gusto niyang gawin ay mayakap na kaagad ang binata. Kaya naman mabilis ang kaniyang naging kilos. Tinakbo niya ang daan palabas ng palasyo. Muntik pa nga siyang madapa pababa sa hagdan dahil may mababang takong ang suot niyang sapin sa paa. Ngunit hindi niya iyon binigyan ng pansin tuloy-tuloy lamang siya sa pagtakbo palabas.

"Mirkov!" She screamed his name in bliss. "Mirkov!" Itinaas niya ang mga kamay at sunud-sunod na pagkaway ang ginawa. Tinakbo niya ang pagitan nila.

Ngunit habang papalapit siya rito ay papabagal rin ang kaniyang takbo. Unti-unti niyang naibaba ang kamay, at ang ngiti sa labi ay nawala, nang ma-realize niyang hindi kasama ng binata si Tikoy.

Habang mas papalapit siya sa binata ay mas luminaw ang lahat. Ang saya niya ay napalitan ng pag-aalala nang makita ang benda sa nabaling braso ng binata. May lungkot at pagod sa mga mata nito habang nakatitig sa kaniya. Mula roon ay bumaba rin mula sa sasakyan sina Creig at Carlos. Kagaya ni Mirkov ay kita rin ang pagod sa mukha ng mga ito.

"Omorfos..." He called her, he called for her with so much exhaust. He is tired but still smiled for her. Unti-unting nangilid ang luha sa kaniyang mga mata.

Kaya naman tuluyan siyang lumapit rito at binigyan ito ng isang mahigpit na yakap habang nag-iingat na hindi masaktan ang braso nito.

"Salamat... salamat sa pagod mo, Mirkov." She whispered, eyes are now filled with tears. Naramdaman niya ang pagyakap ng isang braso nito sa kaniyang bewang.

"I missed you so much." His eyes are also filled with tears. Halo-halong emosyon ang mababanaag roon. Ngunit isa lamang ang nananaig roon, ang pangungulila at pagmamahal sa kaniya. Naramdaman niyang hinalikan ng binata ang tuktok ng kaniyang ulo.

At nang maghiwalay sila mula sa yakap, umangat ang isang kamay nito upang tuyuin ang kaniyang luha. She felt the familiar warmth of his palm on her cheek. Hinawakan niya ang kamay nitong nasa kaniyang pisngi at hinalikan iyon. They smiled. They smiled at each other, kahit pa ang kanilang mga mata ay parehong may luha.

She is so proud to and thankful for him. He did his best.

"Kamusta?" She asked. "Masakit na masakit ba ang braso mo?" Umangat din ang kamay niya at pinunasan ang luha nito.

He softly chuckled. Oh, how she missed his chuckles. Napakasarap niyon sa kaniyang pandinig. She could listen to it all day. "Yeah. It hurts like hell. But it is okay now."

Yumakap siya rito saka dumako ang tingin sa dalawa pa nitong kaibigan na parehong nakasandal sa mahabang sasakyan at nakatingin sa kanila.

"Yow." Bati ni Creig. Putok ang gilid ng labi nito at nangingitim ang pasa sa pisngi.

"Na-missed kita, Nairam." Akma namang lalapit sa kaniya si Carlos. May benda ang dalawa nitong kamao. His arms are wide open, na para bang balak siyang bigyan ng yakap kahit yakap niya si Mirkov. Hindi pa nakakalapit sa kaniya si Carlos ay umangat ang gitnang daliri sa maayos na kamay ni Mirkov.

"Subukan mo, idudutdot ko sa mata mo itong middle finger ko," babala ng binata. Nagkatawanan sila nang biglang tumalikod si Carlos pabalik sa pwesto kanina at si Creig ang niyakap. Binigyan naman ni Creig ng mahinang sampal ang pisngi ng kaibigan habang napapailing-iling sa katarantaduhan nito.

Niyaya na niya ang mga ito na magpahinga sa palasyo. Pabalik na sila nang makitang nakatanaw pala sa kanila mula sa teresa sina Mommy Adonia pati na rin ang dalawang bata.

***

Pagkatapos nilang kumain ng hapunan ay ipinaasikaso ni Mirkov ang mga kuwartong gagamitin ng dalawang kaibigan. Sa palasyo pala mamamalagi sina Creig at Carlos hanggang sa Royal Ball; ang selebrasyon ng kaarawan ng ama ni Mirkov. Ipinatawag naman muli ni Mommy Adonia sina Lyzia at ang mga assistant nito upang masukatan na rin ang tatlong binata.

ERASTHAI SERIES BOOK 4: Marrying Mr. Greek Scoundrel (COMPLETED)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें