TWENTY TWO

362 19 2
                                    

"Because all of them wants to kill me. Everyone wants me dead."

Itinago ni Nairam ang kuryosidad. Sa katunayan ay hindi niya maintindihan ang sinabi ni Mirkov na iyon. Hindi niya maialis ang tingin sa binata na nauuna nang kaunti sa paglalakad kaysa kaniya. Ang likod nito ang nasa direksiyon niya. Sino naman ang may gusto magpapatay sa binata? Kalaban sa negosyo? Marami bang kaaway ang binata?

Gusto sana niyang itanong ang mga iyon kay Mirkov ngunit hindi na niya nagawa. Nakapasok na kasi sila sa loob ng kastilyo. Kung maganda na sa labas niyon ay mas doble pa ang iginanda niyon sa loob. Kahit saan tumingin ang sinumang papasok roon ay mamahaling marmol ang siyang makikita, malalaking vase, at mga gintong estatwa. Kabi-kabila rin ang mga empleyado na bumabati sa kanila, lalo na sa binata.

Kaya nga lamang ay wala siya sa sarili ngayon upang ma-appreciate ang ganda ng lahat ng iyon. Lumilipad na naman ang kaniyang isip.

Ngayon niya napagtanto na wala siyang kahit anong alam sa binata. Kung meron man ay gagamunsing lamang. Ni hindi niya alam ang apelyido nito, kung may kapatid ba ito, o kung ano ang trabaho ng mga magulang nito.

Noong mga araw na magkasama sila sa Vasilios, palagi itong nagtatanong nang mga bagay na tungkol sa kaniya. He even let her tell him everything about Tsirko Thelassion Therata; na walang pag-aatubili naman niyang ikinuwento lahat.

She realized that he is more curious about her than she is on him. Pakiramdam niya ay ang unfair niyon para sa binata. Pakiramdam niya ay hindi niya nasusuklian ang atensiyon at pagtulong na ibinibigay nito sa kaniya.

Dahil ang atensiyon niya ay nasa kaniyang sarili, nasa kung paano niya makukuha si Tikoy sa puder ni Mr. Whale. And that feels really bad. She feels guilty. Pakiramdam niya ay ang selfish niya.

"Son!" Ang malakas na boses na iyon ang tila biglang nagpabalik sa lumipad niyang isip. Napatigil siya sa paglalakad. Habang sina Jessa at Bea naman ay nagmamadaling nagtago sa kaniyang likuran.

Isang magandang babae na nakasuot ng malaki at eleganteng gown ang nakita niyang sumalubong kay Mirkov. May maliit itong tiarra sa ulo na kumikinang dahil sa mga maliliit niyong dyamante.

"Mom," pagbati naman ng binata at sinalubong din ang sariling ina. Binigyan nito ang ginang ng isang mabilis na halik sa pisngi.

Iyon ang mama niya? Paano nangyari iyon? Gayung mukha pang bata ang mama nito at tila magkapatid lamang ang dalawa at hindi mag-ina?

"Where is Dad?"

"In his office. Oh, son. I thought you will never visit again. It's been so long since you last came here."

"Dad's birthday is about to come. That's why I'm here."

"Yeah, you only come here whenever there is a celebration. And then you'll go sail the world again, you ungrateful brat." Nakita niyang hinubad nito ang suot na sandals at pinalo iyon sa pang upo ng binata.

"Mom!"

Muntik na siyang matawa roon ngunit pinigilan niya ang sarili. Animo'y isang bata si Mirkov na pinagagalitan ng ina dahil gabi na umuwi mula sa lansangan. Kaya nga lamang, hindi nga siya natawa, ngunit natawa naman ang dalawang bata sa likod niya na pasilip-silip sa nangyayari. Iyon ang kumuha sa atensiyon ng ginang.

"Mommy, please. I am begging you. Don't embarrass me in front of our guests."

Unti-unti namang ibinaba ng ginang ang sandals nito. Papalapit pa lamang ang mga personal maid nito upang isuot ang sandals sa paa nito ngunit tumaas ang kamay ng ginang. Sumenyas sa mga katulong, at ito na mismo ang nagsuot ng sariling sapin sa paa.

ERASTHAI SERIES BOOK 4: Marrying Mr. Greek Scoundrel (COMPLETED)Where stories live. Discover now