FORTY THREE

312 12 0
                                    

Malalaki ang mga hakbang ni Mirkov habang pabalik sa Great Hall. Nanginginig ang kaniyang kamao at walang kangiti-ngiti ang kaniyang labi. Unti-unti nang nagsisialisan ang mga tao sa katatapos lamang na selebrasyon. Ang mga natira na lamang ay ilan sa mga journalist.

"Have you seen Nairam---"

Sasalabungin sana siya ni Creig nang lagpasan niya ito. Nag-iigting ang kaniyang panga sa galit, at ang mga mata niya ay nakapokus sa lalaking nasa gitna ng event hall na iyon at nakikipagtawanan pa sa mga natitirang bisita.

This bullshit! That fucking laugh makes his blood boil. Nang makalapit siya rito ay walang sabi-sabi niyang ginawaran ng malakas na suntok ang mukha nito. Napaatras ito, napahawak sa nasaktang pisngi dahil sa pagkabigla. Hindi pa siya nakuntento, inundayan pa niya uli niya ito ng isa pa, at isa pa. Hanggang sa mapahiga ito sa marmol na sahig.

Everyone gasped; shocked by what he did. Paniguradong siya ang laman ng headline ng mga dyaryo bukas. Mirkov Monadikós Basileus Argyriou Thalassa, the only son of King Rigas and Queen Adonia, the owner of the world's most famous cruise ship, has beaten his own cousin on his father's birthday, to death.

Paniguradong matatabunan ng ginawa ngayon sa pinsan ang mga dapat sanay magandang balita patungkol sa Royal Ball. Patuloy ang pagkuha ng mga naiwan na journalist sa kaniya ng larawan habang sinusuntok niya ang pinsan.

Ngunit wala siyang pakialam. Inupuan pa niya sa tiyan si Dasano at binigyan ng sunud-sunod na suntok. Putok na ang nguso nito pati na rin ang pisngi ngunit hindi pa rin siya tumigil. Kahit ang kamao niya ay may dugo na rin nito. Sinasalag ni Dasano ang kaniyang mga suntok gamit ang mga braso nito.

"Fuck you! I'm gonna kill you!" Paulit-ulit ang kaniyang pagmura sa bawat suntok niya.

"Tama na yan, Mirkov. Baka mapatay mo siya." Naramdaman na rin niya ang paghawak ni Creig sa kaniyang balikat at inilalayo siya sa bugbog-sarado nang lalaki.

"Papatayin ko talaga ang hayop na iyan! I will fucking kill him over and over, that bullshit!" Galit na galit niyang sigaw. Hinihingal siyang napalayo rito. Nakita niya ang gulat sa mga mata ng sarili niyang mga magulang.

Nakita niya kung paano sinenyasan ng kaniyang ina ang isa sa mga personal assistants nito. Lumapit naman kaagad ang tinawag. "Please, take care of the children. Bring them to their room." Inutusan nito ang empleyado na dalhin na sa kuwarto sina Jessa at Bea upang hindi masaksihan ang magulong kaganapan.

Ang Tita Agatha niya ay umiiyak, samantala si Kazandra ay nag-aalalang lumapit sa asawa at tinulungan itong makatayo. Ngunit nang makatayo si Dasano ay iwinaksi nito ang kamay ni Kazandra at akmang babawian siya ng suntok. At bago pa man iyon mangyari ay pinigilan na ito ni Miego at pumagitna na rin sa pagitan nilang dalawan ang kaniyang ama.

"Tell us what is going on! You two have no shame!" Kalmado ang boses nito ngunit may galit na nakabalatay sa ekspresyon. "You are really going to kill each other in front of these guests!" Humarap ito sa kaniya. "Prince Mirkov why did you do that to Prince Dasano?"

"That fucking freak dragged my girlfriend to woods and kissed her by force!" Galit niyang sabi. Kung hindi lamang siya pinigilan ni Creig ay baka pinatay na talaga niya ang gunggong na ito.

"Language!" Mataas na rin ang boses ng kaniyang ama.

"Dasano? Did you really do that?" Hindi makapaniwalang tanong ni Kazandra. She felt betrayed, what an impossible irony.

"No! Why would I kiss that girl, when I already have you?" Depensa nito sa sarili. "And he is the one who kissed you by the bathroom hall! I should be the one beating him up!"

ERASTHAI SERIES BOOK 4: Marrying Mr. Greek Scoundrel (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora