FIFTY THREE

435 18 0
                                    

Nakatulala na lamang si Mirkov habang nakaupo sa sahig ng ospital. Hindi niya alam kung gaano katagal na siyang naghihintay sa labas ng emergency room. May ilang oras na ring inooperahan ang dalaga, at may ilang oras na rin siyang nakatitig sa kawalan.

Hindi rin naman mapakali si Creig na kasama niyang naghihintay. Tumayo ito. "I'll go get some coffee. Do you want some?"

Tumango-tango siya. Kailangan niyang manatiling gising hanggang matapos ang operasyon ng kasintahan. Tatlong bala ng baril ang lumusot dito ayon sa sinabi ng doktor kanina. Isa sa hita at dalawa naman sa likuran. Kaya naman naging mabilis din ang pag-aksyon ng mga ito na maoperahan ang dalaga.

No words could explain how devastated he is right now. Dead on arrival si Miego. At ngayon ay parang wala pa siyang lakas na harapin ang bangkay ng lalaking matagal niyang naging kaibigan, at itinuring na halos na parang isang tunay na kapatid.

Unti-unting tumulo ang luha niya na akala niya ay natuyo na kanina. Alam niyang walang kasalanan si Miego. Ni minsan hindi pumasok sa isip niya na makagagawa ito ng bagay na makasasakit sa ibang tao. Ni minsan hindi niya ito pinag-isipan nang masama. Alam niyang napilitan lamang itong gawin kung ano ang inuutos rito.

Miego was a butler all his life. He devoted his life on serving the Royal family; on serving other people; on doing other people's command. Doon magaling ang lalaki, ang sumunod sa mga utos. Kaya hindi niya matanggap ang nangyari dito. He died in a very incredibly ironic way. He died doing other people's orders.

And all of this happen because of greed for fame and power.

Ni minsan, hindi man lamang niya natanong si Miego kung gusto ba nitong magbakasyon, o kung may iba ba itong pangarap bukod sa pagiging butler. Nagsisisi siya. Ngayon lamang niya naiisip ang mga bagay na iyon kung kailangang huli na ang lahat. Kahit kailan ay hindi na makasasagot ang lalaki sa mga tanong niya.

Pinunasan niya ang luha at napatayo nang sa wakas ay lumabas na ang doktor mula sa operating room.

"Doktor, kamusta ko siya!" Kinakabahan niyang tanong. Hindi pa rin humuhupa ang takot niya. Nang makita niya ang nakapikit na mga mata ni Nairam kanina, ang maputla nitong mukha, pakiramdam niya ay malalagutan din siya ng hininga.

"Huwag kang mag-alala. Ligtas na siya. Maayos ang naging operasyon niya," anunsiyo ng doktor. "Successful na natanggal ang tatlong bala sa katawan niya. Mabuti na nga lamang at walang tinamaan na vital organ. Anyway, we'll transfer her to the ICU later and check for her condition in the following days."

Kahit papaano ay nakahinga siya nang maluwag sa sinabi ng doktor. "Salamat po. Maraming salamat po." Labis-labis ang kaniyang pasasalamat sa kaalamang ligtas na mula sa bingit ng kamatayan ang buhay ng kasintahan. Napaupo na lamang siya sa waiting area. Kasunod niyon ay ang pagbabalik ni Creig. Kasama na nito si Carlos at may dala ring kape.

"Mirkov, what happened?" Tanong ni Creig. "Nakasalubong namin ni Carlos ang doktor. Tapos na ba ang operasyon? Kamusta raw si Nairam?" Sunud-sunod na tanong nito na hindi maikakaila ang pag-aalala.

Pagod siyang ngumiti. "Maayos na ang kalagayan niya. Successful ang operation at ililipat na siya sa ICU para doon mas maalagaan."

"Oh, mabuti naman." Tila nakahinga naman ng maluwag si Creig. Inabot nito sa kaniya ang isang cup ng kape bago naupo sa tabi niya. Naupo rin ng pa de-kuwatro si Carlos sa kabilang side niya.

"The gang has heard the news. I told them. Nag-aalala sila sa iyo, especially Giovanni." Sabi ni Carlos bago sumimsim ng kape.

"I'm okay," sagot niya kahit hindi siya sigurado kung totoo ba iyon.

ERASTHAI SERIES BOOK 4: Marrying Mr. Greek Scoundrel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon