SEVENTEEN

389 18 0
                                    

She was drugged. That sums up everything.

Sunud-sunod ang naging pagmura ni Mirkov sa kaniyang isipan nang marinig ang lahat ng ikinuwento sa kaniya ni Nairam. Naikuyom niya ang kamao. Alam niyang hindi pa iyon ang buong kuwento ng buhay ng dalaga. It was just a portion, but it was already worst. Hindi pa niya alam ang buong kwento, ngunit lahat ng galit sa kaniyang katawan ay tila nag-uumpisa nang mag-umapaw.

How could they did this to her? Gaano ba kahalang ang kaluluwa ng mga taong iyon? Gusto niyang sakalin ang Mr. Whale na tinutukoy nito, at ipatikim dito lahat ng latay na ipinadapo nito sa katawan ng dalaga.

Mahigpit ang yakap ng dalaga sa mga tuhod nito, at ang mga mata ay nakatuon sa sahig. She is not crying, but he could feel her sadness. Iyon rin ang mga matang una niyang nakita noong bago ito tumalon mula sa Vasilios... ang malulungkot na mga matang iyon.

Hindi niya alam ang dapat gawin. Gusto niyang alisin ang mga lungkot na iyon, pero paano? What could he possibly do for her? How could he help her? Iyon lamang ang mga tanong na umiikot sa kaniyang isip, sa kagustuhang maibsan ang bigat na dinadala ng dalaga.

Hindi niya namalayan na kusang umangat ang isa niyang kamay at marahang hinaplos ang pisngi nito. Nakita niya kung paano ito napapikit, na para bang dinadama ang lahat ng init ng palad niya. Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan nito, at kasunod niyon ay ang pagtulo ng mga luha. Ngunit ang mga luhang iyon ay hindi dala ng lungkot. Her expression is at ease. It is as af she is crying out of relieve.

Why? Why is your expression like that? Why is she relieve with him? He did not do anything. Why is she relieve by his uselessness? Unti-unting nangilid ang luha sa kaniyang mga mata.

"Why?" He voiced it out. Nagmulat ang dalaga ng mga mata at nagsakto ang kanilang mga paningin. "Why do you look at ease with me, when I could not do anything to lessen your burden?"

Paano niya mababawasan ang dinaramdam nito, kung maging siya ay pabigat at sakit sa ulo? Katulad na lamang kaninang umaga, na pinairal niya ang pagiging irasyunal at nasabihan ito ng mga salitang hindi niya pinag-isipan, dahilan upang malito ito. Katulad na lamang kaninang tanghali, na wala siyang nagawa kundi hintayin itong matapos umiyak.

"Mirkov, hindi mo alam, pero sobra-sobra na ang nagawa mo para sa akin."

Tuluyang bumagsak ang mga luha niya dahil doon. Hindi niya deserve ang babaeng ito. Hindi niya alam kung saan nakakuha ng lakas ng loob ang demonyong katulad niya upang magkagusto sa isang anghel. Nag-uumapaw ang nararamdaman niya. And never in his goddamn life that he cried because of overwhelming emotions.

This is just too much. Hindi na lamang yata simpleng pagkagusto ang nararamdaman niya para sa dalaga.

Agad namang sinapo ng dalaga ang kaniyang pisngi na basa na ng mga luha. Gusto niyang takpan ang sariling mukha dahil nahihiya siya. Nahihiya siyang umiyak sa harapan ng dalaga ngunit hindi niya mapigilan. Galit siya sa sarili sa pagiging walang kwenta at mas lalong galit na galit siya sa mga taong nanakit sa dalaga.

Na hanggang ngayon ay gusto pa rin itong saktan. They are the same. Parehas natatakot sa mga taong gustong manakit sa kanila. She must have been scared. She must have been afraid all this time, but still chose to be brave to save the kids.

"Mirkov, bakit ka umiiyak?" He felt her brushing her lovely fingertips on his cheeks. "Pakiusap, huwag kang umiyak." Iyon ang sabi sa kaniya ng dalaga kahit may tumutulo ring luha mula sa sarili nitong mga mata.

He could not helped but to let off a soft chuckle. "You do know that I should be the one who's telling that, right?" Umangat din ang dalawa niyang kamay patungo sa pisngi nito at tinuyo ang mga luha ng dalaga gamit ang kaniyang hinlalaki. "Nairam, pakiusap huwag ka nang umiyak," ginaya niya ang sinabi nito.

ERASTHAI SERIES BOOK 4: Marrying Mr. Greek Scoundrel (COMPLETED)Where stories live. Discover now