Chapter 17: Territorial

2.7K 96 1
                                    

Cheska's POV

Binaba ko ang aking malaking bag sa tabi ng isang bakanteng lounging chair, katabi ng kay Lindsay, saka lumapit si Mason sa amin with two glass of cocktail drinks.

"Here, and hope you have fun!" si Mason bago bumalik sa mga kaibigan nitong nagkakantyawan malapit sa bar.

Sumali narin sa amin si Lovely at Mhean. Ang ibang bisita nasa pool naghahabulan at ang iba'y umiinom habang nagkukuwentuhan.

And a couple ay nasa hot tub.

Sa init ngayon, why anyone would be at the hot tub? 

After a while, pinagpawisan narin ako, so I decided to join the girls and some guys sa pool. 

"Woohoo!" malabas na tilihan ng mga nasa pool ng walang anu-ano'y tumakbo sa pool si Lucifer at saka tumalon like a cannon ball. Sa laki niyang tao, tila may malaking bangkang dumaan at nakagawa ng malaking alon.

Water splashes everywhere at lahat ay napatili narin kasama ako.

Wala sa sariling sumasabay narin ako sa kanila na nagtatawanan.

"Fuck off, hudas!" tili ni Lindsay ng biglang hinapit siya ni Lucifer saka itinapon sa malalim na parte.

Pati ako ay nakitili narin kay Lindsay at nilamon ng tubig ang ingay ng malakas siyang sumalpok sa tubig.

Pinakamalakas ang tawa ni Lucifer, at ng umahon si Lindsay, tila ito tigresa na nagdive saka mabilis na nilangoy ang pagitan nila ni Lucifer. 

Lindsay is a good swimmer. Iyon ang sports niya. Dalawang taon palang sa pagkaaalam niya, kayang-kaya nitong languyin ng dalawang pabalik ang lap pool nila.

"Hey, BRYAN!" malakas na bati ni Mason ang nagpabaling ng lahat ng aming tingin, at agad kong hinayon ang direksyon ng mga mata ng lahat mula sa backdoor galing sa loob ng bahay nina Mason.

Nanlaki ang aking mga mata. 

"Is that Bryan Sumigad?" Wala sa sariling nilingon ko si Mhean dahil siya ang malapit sa akin.

Nasa dulo kami ng malaking pool dahil hanggang diibdib lan ito, at sa kabila naman ang grupo nina Mason.

"Oo, pinsan ni Mason. Magkapatid ang momm ni Bryan at daddy ni Mason," sagot ni Mhean na nakangiti, at saka ibinalik ang mga mata sa binata ng nangingislap ng paghanga.

At sino nga naman ang di humanga.

I know Bryan is good looking, pero ngayon, ilang buwang hindi lang nito nakita ah, o isang taon? Pero tila lumaki ang katawan nito at napunan ng mga masels. At tila medyo umitim ng konti. Koreano parin ang features niya.

Still, I'm shocked.

Nagtagpo ang mga mata namin, at nakita ko ang pagdaan ng pagkagulat pagkakita sa akin, and then a broad smile.

Nakipaghigh five muna siya sa grupo nina Mason saka nakangising lumapit sa kinaroroonan namin ni Mhean.

He only glanced briefly kay Mhean as he greeted her, at hindi na nito inaalis ang titig sa akin.

"Hey, Ches!" may konting huskiness ang tinig nito at halatadong naglalandi.

As far as I remember, the Bryan I know was shy, may konting lakas ng loob, but once I opened my mouth, nagiging kamatis na ang mga pisngi sa hiya.

However, the new Bryan in front of me seemingly gained a lot of confidence sa sarili as well as muscles. 

And I can't blame him. Malalagkit ang mga titig na binibigay ng mga dalagang kasama namin.

Billionaire's Obsession (Black Omega Psi Series)Where stories live. Discover now