Chapter 3: Price

19.7K 535 14
                                    

Cheska's POV

Nagising ako sa malakas na tunog ng telepono. Galit na hinablot ko ang unan para pantakip sa aking tainga ngunit wala paring epekto. I let out a loud grunt, chucking the pillow anywhere, and groggily pealed my eyes open. Pahinamad na binuhat ko ang aking sarili paupo, saka inabot ang telepono, ang aking mga mata parang papatay sa inis.

I'm not a morning person, and I hate being disturbed especially on my morning sleep. It's fucking weekend, I needed my bed rest! 

"It's better be important—" 

"I'm guessing not an early riser, huh?" biglang napipilan ako ng marinig ko ng mabosesan ko ang nasa kabilang linya. Parang biglang nawala ang aking antok ng marinig ko ang malamig at baritonong boses ng aking boyfriend, my Ino.

"Ino!" parang nakikiliting sabi ko na ikinatawa niya. 

"I really hate that pet name, but since it came from you, sige, okay narin." Sabi nito at lalo akong kinilig. Syet lang.

"Namimiss mo na ako?" nangingiting tanong ko saka ako humiga ulit, ang aking mga matang kanina'y hirap na hirap kong imulat, ngayo'y dilat na dilat na. Biglang napawi lahat ng pagod ko at antok, narinig lang ang boses ng aking nag-iisang mahal.

Rinig na rinig ko ang tawa nito sa aking sinabi at napanguso ako. "Anong nakakatawa duon?" Paingos kong sabi. "Hindi mo ako namimiss pala, ba't ka tumawag ng ganitong oras? Alam mo namang hindi mo ako pinagpahinga, alas kwatro na ng hinatid mo ako?" inis kong asik rito, pero hindi naman talaga ako galit. 

Ako rin naman ang may kasalanan.

"Who's fault? Ngayon ako sinisisi mo?" sabi nito sa akin na natatawa at lalo lang akong nainis.

"Kung umoo akong diyan matutulog, sa akala mo ba, patutulugin mo ako?" buwelta ko rito, at napahagalpak ito ng tawa na ikinainis ko lalo.

Hays, ewan ko ba kung bakit mahal na mahal ko ang mokong na ito, pero ang bilis nito akong mabwisit, mabilis akong mainis sa kanya. At totoo iyon, kumukulo talaga ang dugo ko.

"Babe, pasado alas diyes na, diba daan tayo sa mall?" paalala nito at saka naman biglang nawala ang inis ko rito.

Our first date!

Naexcite naman ako. "Oo nga pala. Sige, pinapatawad na kita," nangingiting sabi ko saka ito tumawa ulit. 

"I'm coming. I should be there in fifteen minutes, depending on the traffic," sabi nito at lalo akong naexcite.

"And oh, make sure your phone is always on. I tried calling you many times," pahabol nito. "See you in a bit, babe! " at saka nito pinatay ang tawag. 

Para naman akong kiniliti sa huling tawag nito sa akin, pangalan pa nga lang niya, para akong sinisiliban, lahat ng laman loob ko, nagtatalon sa loob sa tuwa. 

Medyo nadisappoint naman ako dahil nag-eexpect ako ng I love you, pero mabilis kong pinalis iyon sa aking isipan. Masyadong bago pa kami para sabihin na niya, at naiintindihan ko iyon. 

Ako, okay lang kasi matagal ko ng alam na mahal ko siya, at alam niya iyon. 

Mabilis naman akong bumaba ng kama saka naligo. Para akong nililipad sa ulap habang kumakantang naliligo. Wala akong pakialam kung wala sa tono, basta masaya ako. 

Pagkatapos kong naligo, wala akong mapili sa mga damit kong nakahanger at naka on display sa hanging rod, sa loob ng malaking purple painted walk in closet ko sa loob ng aking ensuite room. Ang isang dingding, lahat mga damit, mga bestidang, mahaba, maikli, at lahat syempre, mga seksi. Wala yata akong damit na hindi seksi, pero hindi nawawala ang class.

Billionaire's Obsession (Black Omega Psi Series)Where stories live. Discover now