Chapter 12: Moving on

15.4K 394 82
                                    

Cheska

"Stop thinking about him!" matigas at pagalit kong suway sa aking sarili. Para akong tangang sinasaway ang aking isip habang pinagdedelete ang mga larawan ni Luciano sa aking cellphone.

Mag-anim na buwan na, ganun katagal na simula nung huli naming pagkikita. At sa huling araw na iyon, hindi parin nawawala sa aking isipan ang babaeng iyon na kasama niya. Hindi ko parin siya kayang patawarin.

Ganun pala iyon. Kahit gaano mo kamahal kung ginagawa kang tanga, nakakaya kong pigilan ang damdamin ko.

Mahirap gawin, pero kung gagawin, magagawa talaga.

Nag-ano din kaya sila? Naisip ko.

Erase. Erase. Bawal mag-isip! sa aking saloobin habang panay ang iling ko. Paulit-ulit.

Bumaba muli ang aking mga mata sa screen ng aking phone.

Nakangiwi si Luciano sa picture. Palihim ko itong kinuha pero nahuli niya ako.

"Akala mo kung sinong possessive, yun pala, manloloko!" Nanggagalaiting pinadidikdik ko ang screen ng aking cellphone gamit ng aking hintuturo.

"Argghhhh!!!!"

Magkahalong inis, galit, at disappointment na binura ko ang panghuling larawan namin. "Dyan! Dyan ka nababagay! Sa basura!" galit kong sabi at halos madurog ang aking screen sa pagkakapindot.

Kusa na namang tumulo ang aking mga luha. Pagalit kong pinunasan ito bago paman nito mabasa ang aking pisngi.

"I'm beautiful, smart, and hot... Why would I waste my tears to such undeserving manwhore?" I scoffed. "I should move on. Yes, I should!" pagkokonsola ko sa aking sarili ngunit hindi parin nababawasan ang sama sa aking dibdib. Masikip parin ito at nahihirapan akong huminga.

Agad kong itinaboy ang isiping iyon.

May konting ngiting tumitig ako sa aking halos empty ng folder sa aking photo gallery. Para talaga akong nasisiraan ng bait.

Tumayo ako mula sa aking pagkakasandal sa aking kama saka itinapon ang aking cellphone sa magulong higaan ko. Saka ako'y naglakad-lakad sa gitna ng aking maluwang na kwarto. Maya't-maya din akong nagpapakawala ng malalim na buntung-hininga para kontrolin ang sama ng aking pakiramdam.

Magkahalong galit at pait.

Hindi alam ni Lindsay o si Rissy na hindi na kami nagkikita ni Luciano. Ang alam lang ni Lindsay, nag-away kami.

Ayaw ko kasing ipamukha sa akin ni Lindsay na tama ito. At ayaw ko ring

"Ayan kasi, nagpumilit kapa! Ayan ang napala mo." Pagkakausap ko sa aking sarili.

Maya-maya, nag ring ang aking phone. Agad ko namang kinuha ito. Napadako ang aking mga mata sa maliit an orasan sa itaas ng screen. Alas tres na pala ng hapon.

Nakita kong si Lindsay ang tumatawag. Agad ko itong kinonekta.

"Hi," sabi ko at medyo nagbara pa ang aking lalamunan. Ang aking boses ay medyo may konting paos pa ang aking boses.

"Rissy is at the hospital. He water broke bandang alas una," pagbibida nito sa excited na tono.

Lahat ng samang nararamdaman ko, lahat iyon nawala sa aking narinig.

"Manganganak na si Rissy? Oh my God!" halos patiling sabi ko. Sobrang naexcite ako.

"Now get ready. I'm on my way to the hospital. Sunduin na kita," sabi nito.

Billionaire's Obsession (Black Omega Psi Series)Where stories live. Discover now