Chapter 27: Toxic

2.5K 116 5
                                    

Cheska's POV

"Fuck it, Cheska! Hindi mo ba naiintindihan?"

"Ikaw ang hindi nakakaintindi!" I retorted furiously. "You want this work? Then calm your temper. Hindi sagot ang pagsuntok mo sa tao! Think logically, hindi puro init ng ulo ang pinapairal mo! And I'm so sick of hearing that twisted, illogical, irrelevant reason of yours!" nagpupuyos kong dagdag. "Sick and tired of hearing that words, "your mine, Cheska. Mine!"" at pinababa ko pa ang aking boses at pinalaki, mimicking his gruff voice. "It's not love, Luciano. You're insecure. You don't trust me. Period!"

"Alam mo sa umpisa palang na ganito na ako—"

"I KNOW!" napalakas kong singit sa anumang sinasabi nito, at hindi ko na alintana kung may nanonood sa amin.

Madilim sa parte kung nasaan kami tanging ang aandap-andap na lampot sa di kalayuan ang nagbibigay ng liwanag. Dahil kanina pa nagsiuwian ang ang halos lahat, the lights from the stadium was already out.

May mga mangilan-ngilang sasakyan na dumaraan.

Naglapat ang mga labi ni Luciano.

"No! You don't know anything!" galit na asik ni Luciano, at kumuyom ang aking mga kamay.

"Yes, Luciano! I know!" galit kong sagot. "At napapansin kong kapag lagi tayong nag-aaway, which usually was because of your unreasonable jealousy, laging kong naririnig yang walang kamatayang rason mo dahil you OWN me. It's sick!"

"Now you're twisting it!" mababa ang tonong balik nito sa akin, at kahit mababa ang tono niya, tila kulog iyon sa aking pandinig.

At lalong kumulo ang akingdugo sa mga sumunod nitong sinabi. Ang aking tainga, nabibingi na dahil sa lakas ng pagpintig ng aking puso dahil sa matinding galit. Nagpupuyos na galit dahil sa makitid na pang-unawa nito.

"If you had just wore one of those clothing I picked for you, this whole debacles could have been obviated!" tuloy-tuloy nitong litanya sa nanggagalaiting tinig, puno ng panganib. Hindi parin nagmamaliw ang balasik sa anyo at tinig nito. "Those tiny fabrics that barely covered you was..." he paused, heaved a harsh breath, then continued with open disgust, "tempting even those saints. It's calling for a trouble!" he berated unrepentantly.

My mouth gaped like fish in the ocean with a mixture of shock and incredulity.

At ako pa ang sinisisi nito dahil sa aking suot.

How dare he!

He was like those stupid men that was narrow-minded... twisted-minded, illogical, and mysogynistic pig!

So kapag nakalantad na ang katawan, we are calling for those manyaks! Hindi ba nasa dugo na talaga nila ang pagka-manyakis?

He's implying that those who likes to wear skimpy dresses doesn't deserves respect. Ganuon?

Ganuon na ba kababaw ang isip nito

Lalong nagpupuyos ang aking kalooban sa narinig ko. Hindi ko matatanggap ang rason nito. Paanong minahal ko ang lalakeng ito?

Marahas kong hinila ang aking kamay, at sa magkakahalong galit at sama ng loob, hinanakit, I spat. "You are the one that's making it a big deal! You and your twisted mind!" galit na galit kong asik rito, and then pointed my finger at no one particularly behind me with a stabbing motion, I continued furiously. "Masyado lang sigurong masaya ang taon iyon, and out of whims he carried me and spun me around. He was nothing short of disrespectful... yes, he didn't ask for my permission, but it was an harmless decision, though it wasn't a great decision on his part!" asik ko.

Lalong nag-iigting ang mga panga nito, but it did not matter to me.

I could hear from a mile ang pagkikiskisan ng mga ngipin nito, at kahit marahil ng paglagatok ng mga panga nitong matiim na nag-igting, yet it didn't deter me. Kailangan nitong malaman ang ikinagagalit ko.

Billionaire's Obsession (Black Omega Psi Series)Where stories live. Discover now